PATAWAD ANAK

180 4 1
                                    


Si Lina ay maganda at magaling kumanta pero may katigasan sa ulo, mahirap lang ang kanilang buhay, lumaki sya sa probinsya sa liblib na lugar. Mula nung bata pa siya wala ng siyang ibang pinangarap kundi yumaman, magkaroon ng magandang bahay, sasakyan at negosyo. Pagkatapos niya sa high school dahil wala siyang panggastos sa kolehiyo napagdesisyonan niyang lumuwas sa manila para makipagsapalaran sumama siya sa kaibigan niya na may kamagkanak sa manila, kahit ayaw ng mga magulang niya nagpumilit parin siya. Pagdating sa manila ibang trabaho ang napasok niya sa murang edad niya nagtrabho siya sa club, club ang bagsak niya at dahil bata pa maganda at magaling kumanta medyo malaki ang kita hangga't nakakuha siya ng sariling apartment. Isang araw may nagkagusto sa kanya na kano at ang akala niya sa pamamagitan ni kano matutupad na ang matagal niyang pangarap kaya kahit kakakilala palang niya sa kano na iyun sumama na ito pero isang buwan lang ang pagsasama nila dahil drug adik pala at ang pagsasama nila nabuo ang isang baby, nabuntis siya at gusto niyang ipalaglag ang bata kaya lahat ng paraan ginawa nya pero hindi nalaglag ang bata kaya wala siyang nagawa kundi isilang ang pinagbubuntis. Baby boy ang anak at ang pangalan ZAIN WYLON.

Pagkatapos ng isang buwan mula ng nanganak pumasok ulit sa club yun lang kasi ang alam niyang paraan para mabuhay silang mag-ina, sa gabi binabayaran nya ang kapit bahay nila para may magbanatay sa anak, pagdating niya sa umaga aalis na ung tagabantay sa anak. Dahil puyat basta nalang ilalagay ang bata sa crib nito tapos matutulog na siya. Nagising sa hapon, ang anak niyang iyak ng iyak dahil gutom na pero wala siya pakialam dito. Kung kailan magising sa hapon yun lang din ang oras na padedehin ang bata at habang nagtitimpla ng gatas dakdak ng dakdak ito at ito ang laging linya niya tuwing gagawa ng milk ni baby '"Lintik kang bata ka bakit ka pa nabuhay? Bakit hindi ka nalang nalaglag para wala akong prolema? Halos lahat na kinikita ko napupunta sayo paano ako yayaman nito, hindi na dahil sayo! Sabay kurot sa baby." Pag naiyak sa sakit tinatakpan ang bunganga, gutom na gutom na nga ang baby sinasaktan pa ito. Ganun lagi ang nangyayari sa baby laging nagugutom o laging nalilipsan ng gutom kaya napakapayat ito, laging sinasaktan na kahit walang kasalanan, anong malay ng isang baby? Wala! Kundi pag-mamahal at pag-aaruga ang kailangan nito pero ni minsan hindi nagawa ng ina ito, hindi niya maramdman ang pagmamahal ng kanyang sariling ina kundi puro pasakit.

Lumipas pa ang araw, buwan at taon, 6 yrs old na si Zain gwapo, magaling na bata, mabait at mana sa ina na magaling kumanta pero sa edad na 6 hindi pa pumasok sa paaralan dahil ayaw ng nanay niya, gastos lang daw pero kahit ganun natuto siyang sumulat at bumasa sa sariling paraan dahil matalino ito magaling pumickup sa mga salita na kahit sa TV lang. sa murang edad ni Zain marunong na siya sa lahat na gawain sa bahay siya ang tagalaba ng kanyang ina parang katulong ito sa sariling ina, pagnakagawa ng kasalan inihanda na nya ang kanyang tiyan dahil sigurado hindi na naman papakainin ng nanay nito, kahit sana parusahan basta pakainin pero hindi, madalas na nanatulog ang bata na walang laman ang tiyan.

Basahin nyo po lalo na yung mga babae at may mga anak na. Sulit po sampung minuto nyo dito. Ang pamagat po ng kwento ay ''PATAWAD ANAK".

Si Lina ay maganda at magaling kumanta pero may katigasan sa ulo, mahirap lang ang kanilang buhay, lumaki sya sa probinsya sa liblib na lugar. Mula nung bata pa siya wala ng siyang ibang pinangarap kundi yumaman, magkaroon ng magandang bahay, sasakyan at negosyo. Pagkatapos niya sa high school dahil wala siyang panggastos sa kolehiyo napagdesisyonan niyang lumuwas sa manila para makipagsapalaran sumama siya sa kaibigan niya na may kamagkanak sa manila, kahit ayaw ng mga magulang niya nagpumilit parin siya. Pagdating sa manila ibang trabaho ang napasok niya sa murang edad niya nagtrabho siya sa club, club ang bagsak niya at dahil bata pa maganda at magaling kumanta medyo malaki ang kita hangga't nakakuha siya ng sariling apartment. Isang araw may nagkagusto sa kanya na kano at ang akala niya sa pamamagitan ni kano matutupad na ang matagal niyang pangarap kaya kahit kakakilala palang niya sa kano na iyun sumama na ito pero isang buwan lang ang pagsasama nila dahil drug adik pala at ang pagsasama nila nabuo ang isang baby, nabuntis siya at gusto niyang ipalaglag ang bata kaya lahat ng paraan ginawa nya pero hindi nalaglag ang bata kaya wala siyang nagawa kundi isilang ang pinagbubuntis. Baby boy ang anak at ang pangalan ZAIN WYLON.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PATAWAD ANAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon