Episod 3

2 0 0
                                    

"Binay may crush ako" kinikilig na kwento ko sa kaklase ko nung jh pero schoolmate ko na lang ngayon

naglalakad kami papuntang field para makichismis sa mga naglalaro ng palarong lahi don

"Gaga ka! Alam ko hahahaha diba magkaparehas nga tayo ng crush" sabay batok niya sakin

ay oo nga pala nay crush kami neto pero hindi ko naman talaga yon crush hahahaha nakikicrush lang ako kay Binay kase wala lang tsaka nagsimula lang naman yon nung first day ng intrams so pangatlong araw pa lang ngayon

"Baliw! Hindi yon" tiningnan niya ako ng nagtataka

"Ala basta may crush ako pero hidni ko rin alam basta iba siya" naguguluhan ko ring sabi

nung nasa field na kami panay ang lingon ko sa paligid kase baka nandyan si Mariel tapos hindi ko namamalayan tapos nakatingin na pala sakin tapos ang panget ko kumilos tapos baka mamaya matisod pa ako sa mga ligaw na damo dito tapos tapos tapos makakasalubong namin siya oo tunay to makakasalubong talaga namin siya shet hindi niya naman ako kilala kaya hindi niya ako papansinin pero bakit sobra akong kinakabahan

"Uy!" bati niya kay Binay

shetttt na malagkit magkakilala pala silaaaa at dahil nalutang na ako kakaisip habang nakatitig sa kanya hindi ko namalayan na tapos na pala sila mag usap

tekaaaaa kung magkakilala sila tapos sasabihin ko kay Binay na yun yung tinutukoy kong crush ko baka sabihin niya kay Mariel

hindeeee hindi pa ako handa tsaka hindi ko pa rin naman mapaliwanag sa sarili ko kung bakit biglang nagkaganto ang puso ko

hmmm bakit nga ba

hindi naman to matatawag na love at first sight kase hindi naman ito yung una naming pagkikita pero bakit parang love at first sight ang datingan neto kase nung unang kita ko sa kanya kaninang umaga parang bigla akong pinana ni kupido

haayyyy sino ka baaaa at bakit mo ako ginugulo sksksks pero hindi ko alam kung bakit masaya ako sa nararamdaman ko

hapon na at nakatambay kami dito sa field habang nagbibilang ng mga ligaw na damo hahahahaha charot naglalaro kaming baraha ngayon

"1 2 3 pass"

"Aaahhhhhh pota talo na naman ako hahahahahaha bwisit ayaw ko na nga" bakit kase inuuna ko lagi ang sigaw grrrrr talo na naman tuloy

habang nakatingin ako sa gitna nakita kong may mga nag aayos ng net ng volleyball at mukhang dito na nila itutuloy yung laro

ay shet paano ko mayayaya si Binay manood ng volleyball eh kakasabi niya lang sakin kanina na ayaw na niya pumunta sa initan at sure ako na magtataka yon kapag nakita niya ako na nanonood ng volleyball habang tirik na tirik ang araw pero bahala na basta gusto ko makita si Mariel tsaka baka mamaya sila yung may laro

paglapit ko nakita ko na nandon yung mga kateam ko at mukhang team nga namin ang lalaro sa volleyball

nakapwesto na ako at nasaktuhan pa na nakatayo ako sa tabi ng scorer

"prrrttttt"

nagsimula na yung game at ang maharot na ako ay kinuhanan siya ng stolen pic

pagtingin ko sa score nakita kong may mga box box

whaaattt ganto ba talaga magscore sa volleyball grrrr ano ba to kakalito naman

pagtingin ko uli sa mga naglalaro nakita ko si Mariel na nakatingin sa side ko pero hindi sakin kundi sa scorer kase tinatanong niya kung ano na score so dali dali ko ulit sinilip yung papel pero bago ko pa mabilang eh nasabi na nung scorer yung score hmp epal hahahahaha char

habang naglalaro sila hindi ko rin maalis yung tingin ko sa papel para bantayan yung score nila pero hindi dahil baka dayain sila ha hahahahaha baka lang kase sakin mapatingin si Mariel habang nagtatanong ng score tapos paboba ako dito at hindi alam ang isasagot

habang kabadong kabado akong nanonood kase lamang yung kalaban biglang napatingin sakin si Mariel oo sakin mga sis sakin

"Ano score?" mahinahon niya pa ring tanong

haaaa? score? ahhhhh t-teka wait alam ko score eh wait

"17-15" sigaw nung scorer

aarggghhhhhh bakit namental block akoooo yun na yun eh ako na natanungan niya pero ang bobitang ako ay natameme lang ahhhhh baka isipin non na weirdo ako kase nakatingin lang ako sa kanya nung tinatanong niya ako arrrggghhhhh nakakahiyaaaaa lupaaaaa kainin mo na akooooooo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where rainbows startedWhere stories live. Discover now