"GUYS! GO TO THE GYM! NOW!" sigaw nung kaklase namin na ssg president ng school
haayyy kakatamad naman grrrr wala naman akong pake sa intrams intrams na yan kase wala akong alam na sports pero okay na rin kase wala kaming klase yahuuu
pagpunta pa lang namin sa gym madami ng estudyante ang kanya kanyang hanap kung saan sila kailangang pumila kase ang paandar daw ng school na to kada intrams ay sila ang maggrugrupo ng magiging magkakateam para sa intrams meaning hindi yung buong section namin ang mga kateam ko kundi ibat ibang estudyante galing sa ibang section at ibang level kaya pinapunta nila ngayon sa gym lahat ng estudyante para mapagsama sama na yung mga magkakateam at mapag usapan nila kung sino yung mga sasali sa bawat laro
hinanap ko na yung papel sa harapan na may nakasulat na maroon kase dun ako sa team na yon napunta hahahaha malas nila kase wala akong maaambag kundi dasal
nakaupo na kami sa sahig habang nag aannounce yung coordinator ng intrams at dahil wala naman akong pake eh hindi ako nakikinig
habang tamad na tamad akong nakatingin sa unahan may isang babae na ngayon ko lang nakita ang dumaan at mukhang tamad na tamad din na naglalakad papunta sa likudan
hindi ko alam kung bakit nagawa kong isipin kung anong meron about sa kanya eh wala naman akong pake pero hmmm siguro nga athlete siya pero nevermind sino ba siya
matapos iannounce yung mga kailangang sabihin at ipaalala para sa intrams sa monday eh pinabalik na ulit kami sa kanya kanyang room and since uwian naman na eh kinuha lang namin ang gamit namin para umuwi na
yeeeesssss tgif!
habang naglalakad kami palabas ng gate ang dami pa ring estudyante ang ngayon ko lang nakita kahit hindi naman ganong kalaki ang school na to
pero 2 months na akong napasok sa bago kong school pero hindi pa rin ako sanay na hindi lahat ng estudyante ay nababati at nangingitian ko pero hindi naman dahil sa famous ako pero hindi kase kalakihan yung school ko nung elementary at junior highschool kaya halos lahat talaga ay magkakakila at magkakaibigan kaya sobra akong naninibago kase isa talaga sa ugali ko ay ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko kahit hindi kami ganong kaclose pero dito kase sa bago kong school eh hindi lahat may pake sayo kaya nahiya na lang din ako na ngitian sila
YOU ARE READING
Where rainbows started
RomanceI'm a girl and I fell in love with a girl I don't know and don't know anything about me either. In short, we're perfectly strangers.