Ethan's POV
"Par ano ba kasing nangyari sayo? Bakit naglalasing ka diyan?! Di ka naman marunog uminom ha!"yan ang pagsigaw sakin ni Gab...kaibigan ko
"Hahahahha alam mo naman par diba? Nakipagbreak na sakin girlfriend ko. Hindi ko parin maintindihan kung bakit....."naalala ko nanaman
Ako nga pala si Ethan Andrei Villanueva,isang broken hearted dahil sa bestfriend/girlfriend ko na matagal ko nang gusto at finally naging kami pero withing 2 months nakipagbreak.
Ewan ko ang gulo gulo. Ang hirap intindihin ng mga babae. Kapag hindi ka sweet sa kanila iisipin hindi mo na mahal pero kapag sweet ka naman magsasawa. Ano ba talaga?!
"Yan kase par! Masyado mong binuhos lahat ng pagmamahal mo dyan sa ex mo kaya yan ano? Tablado ka?"bwisit tong hayop na to ah. Kokonyatan ko na to eh
"Ang saket par.....sobrang sakit"
"Tanga! Isang buwan na kayong wala di ka parin maka-move on? Ano ba talaga yang problema mo ha?"tanung ni Gab sakin
"Nalaman ko kasi na isang game lang pala sa kanya lahat. Yung pagiging kame basta lahat. Paliwanag niya sa bestfriend niya na narinig ko na pinaguusapan nila at tinatry niya lang pala ako kung mas pipiliin ko ba yung pagmamahal ko sa kanya o yung friendship namin"
"Oo nga masakit nga.Sige iyak mo lang yan"pagkasabi na pagkasabi ni Gab automatic na tumulo yung luha ko.Kabadtrip naman kalalake kong tao umiiyak ako
"Pre di ko maintindihan? Diba dapat natutuwa siya kasi mahal na mahal ko siya? Hindi ko maintindihan par kung bakit niya ginawa yun. Halos masira mundo ko ng makipag hiwalay siya tapos tuluyan ng nasira nung nalaman ko yung rason niya.Ang sakit par ang sakit"
"Oh...eh anong plano mo?"tanung niya
"I'll do the same thing"sabi ko
"Par? Babae yun ah.Maghihiganti ka dun?"
"Oo.Sinira niya mundo ko dapat masira rin yung kanya. Hindi ko siya mapapatawad."
Humanda ka Samantha Grace Castillo.Maghihiganti ako hanggang sa hindi mo na kaya lahat.
*
Maaga akong pumasok ngayon.As usual dapat maaga kasi Sg President ako eh.Ayoko naman na mapagalitan diba?
Ilang sandali lang nakita ko si Samantha kasama ang bestfriend niya. Wow ha! Ang ganda pa ng ngiti niya. Hindi ba tinutubuan to ng guilt sa katawan?
Ayan na dadaan na siya.And boom!!
"Ouch!"
Hahahahha nahulog siya sa bitag ko. Nadulas siya dun sa balat ng saging na nilagay ko sa dadanan niya.
Agad naman lumapit si Gab para tulungan siya. Nagulat ako sa death glare na binigay ni Gab. Syempre magaact ako na wala akong alam.
Tama lang yan sayo Samantha......
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lumipas ang ilang linggo at patuloy parin ang paghihiganti ko kay Samantha. Pero nung nakaraang araw nagsorry siya sakin sa lahat ng ginawa niya daw syempre sasabihin ko okay lang.
Pero anog tingin niya sakin? Bato na parang hindi nasaktan? Syempre palabas ko lang na okay lang. Utot niya!
Anong nangyari nung mga nakaraang linggo? Ayun nagsimula akong manligaw ulit kay Liean.Isa sa mga kaibigan niya.Tsaka dati kong crush at minahal.