"Giselle Esguia" tawag ng aming professor. Ikalawang semester ko na bilang second year college sa kursong Psychology.
"Present po Ma'am" agad na tugon ko dito.
Nagtuloy tuloy siya sa pag-a attendance, habang ako ay nagbabasa para sa surprise quiz namin mamaya.
Sabi ng professor namin sa Abnormal Psychology, maghanda daw kami kasi may surprise siya bukas na talaga maiistress kami.
(Abnormal psychology is the study of human behavior that differs from the norm in significant ways. The field studies the causes and manifestations of habits, behaviors, thoughts or basic drives that are different from others, and typically, result in significant impairment in life functioning.)Basang basa ko na ata ang mga linyahan nyang ganyan kaya binasa ko ang mga pinagaralan namin. Nag-advance reading pa ko ng pang two days.
Hindi ako nerd ha?
Ayaw ko lang talagang bumagsak.
Bukod sa sayang ang oras, sayang ang pera. Ang laki na ng gastos ko para rito.
Nagreview na lang ako para sa "surprise quiz" kuno namin mamaya. Hayaan nyo maglesson dyan si maam.
Cognitive Psychology lang yan. Kaya ko yang habulin. (Cognitive psychology involves the study of internal mental processes—all of the things that go on inside your brain, including perception, thinking, memory, attention, language, problem-solving, and learning.)
Hindi ko namalayan ang takbo ng oras. Tapos na pala magturo si maam.
"Goodbye class, study well" pamamaalam ni maam bago lumabas sa classroom.
Iniayos ko na din kaagad ang akin mga gamit. Nailagay ko sa akin bag ang mga notes ko at naisilid iyon ng maayos. Nailabas ko ang aking salamin para makita ang aking repleksiyon.
Aba, kailangang laging maganda no! Kahit subsob ako sa pag-aaral, dapat maganda pa rin.
Nag-apply lang ako ng powder at inayos ang lipstick ko.
Mayroon kaming 3 hours vacant. Mahaba haba nadin yan. Ang iba kong mga kaklase ay hayun, deretso sa Jollibee sa tapat para duon kumain at tumambay.
Pupunta na lang muna siguro ako sa cafeteria para lamanan ng kahit kaunti ang aking sikmura, tapos sa library para mag-aral. Ayoko ngang mag-aral ng gutom, hindi ko natatandaan.
Pagkarating ko sa cafeteria, nakasalubong ko ang aking bestfriend. Oh crap!
Backout!
Backout!
Paniguradong may tsismis to! Kaso hindi pa ko nakaka-alis ng marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko."Giselleee!" Tawag sakin ng tsismosa kong bestfriend.
Napapikit na lang ako. Wala na. Di na ko makakapagreview.
"Hoy Giselleee! Pansinin mo ko! San ka pupuntaaaa? Halika dito" aya sa akin ng aking kaibigan.
Hays. Unti-unti akong lumingon sa kanya. "Ano yon? Magrereview ako Shee eh, ano ba yan" reklamo ko agad sa kanya.
Pumulupot agad ang braso niya sa kanang braso ko. "Ano ka ba selle, tama na kakareview. Kain tayo, may ikukwento ako sa'yo" hinatak niya agad ako sa table niya na inuupuan kanina. Mayroon siya laging baong packed lunch kaya hindi na soya bumibili. Kinuha ko iyon agad.
"Hoy selle akin yan!" Reklamo niya sakin habang pilit na inaagaw ang kaniyang baon.
"Hoy ka din Shee, akin na to tutal inagaw mo oras ng pagrereview ko para sa exam ko mamaya. Tungkol saan ba an chika mong babae ka ha? Mas mahalaga pa ba yan sa exam ko?" Medyo naiinis na banggit ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Please, Stay
RomanceNever beg someone to stay. It's not bad to guard your heart and protect it from pain