"Good Morning Gi" bati pa niya sa akin.
Hayan na, maganda na ang aking umagaa!
"Goodmorning" tugon ko dito.
"Ma, si Jo nga pala kaibigan ko" dagdag ko.
"Hi tita! May dala po akong breakfast" aniya habang itinataas ang paper bag.
"Osiya, tayo na sa lamesa" aya ni mama.
Ng makaupo na kami, isa-isang nilabas ni Jo ang mga Tuplerware na naglalaman ng mga pagkaing dala niya. Seriously? Agahan pa ba to? Parang hanggang hapunan na to sa dami.
There's Milky French Toast, Hot Chocolate, Korean Style Fried Rice, Egg Rolls and Tonkatsu.
Nagulat naman si mama.
"Ang dami naman iho" komento ni mama.
"Ay, pasensiya na po" pagpapaumanhin ni Jo.
Kumuha naman na si mama ng pagkain kaya sumunod na kami.
"Ikaw ba ang nagluto?" Tanong ni mama sa kaniya habang kumakain.
"Ah, egg rolls at fried rice lang po niluto ko. Yung iba, cook na namin ang nagluto" sagot niya.
"Masarap" maikling komento ni mama sa pagkain.
"Salamat po" ani Jo.
Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Naunang matapos kumain si mama. Umalis naman na siya agad para pumasok sa trabaho.
Ako naman ay inuurungan ang mga pinagkainan. May mga natira pang pagkain, na itinabi ko para may makain kami mamayang gabi.
"There's leftovers." Pagpapasimula ni Jo sa usapan.
"Wag kang mag-alala. Hindi ugaling magtapon ng pagkain dito. Kakainin namin yan" sagot ko dito.
Sumandal naman ito malapit sa sink. Pinanood niya ko habang nag-uurong.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Ng matapos mag-urong ay umakyat ako sa kwarto.
"Jan ka lang, kukunin ko lang yung bag ko. Papasok na ko" litanya ko bago umakyat.
Nag-ayos naman muna ako ng konti pagkarating sa kwarto. Ng makuntento ay bumaba na ako, naabutan ko siyang nakaupo at inaantay ako.
He then reached out his hands. Tiningnan ko ito at binigyan ng look na "bakit?"
"Akina bag mo" he said.
Then, I gave my bag ng walang pag-aalinlangan. Lumabas na kami at isinarado ko na ang pinto. I made sure that I locked the door.
Nagsimula na kaming pumanhik sa kanto para mag-abang ng sasakyan.
"You know, you don't have to do this" pagbasag ko sa katahimikan.
"Ano ka ba, it's just fine with me" sagot niya sa akin.
"Oh ayan na ang Jeep" wika niya habang pinapara ang jeep.
Agad naman na kaming sumakay.
Katulad ng nakasanayan, walang umuusap sa amin. Hanggang sa makarating kami sa gate ng school ko. Ibinigay naman na niya sa akin ang bag ko.
"Sunduin kita mamaya?" Tanong niya sa akin.
"Naku, wag na. Sayang pamasahe. Saka, 5:00 ang labas ko mamaya." Tanggi ko dito.
Napayuko naman ito dahil sa pagtanggi ko.
"Saka nakakahiya naman, you've been continuously spending money for me" dagdag ko pa dito.
BINABASA MO ANG
Please, Stay
RomanceNever beg someone to stay. It's not bad to guard your heart and protect it from pain