TIPS

652 10 0
                                    

TIPS

~~~

Hulaan ko, Curious na curious ka kung ano ang mababasa mo dito,

Ano nga ba?

Aba! Edi Mga TIPS! Nakalagay na nga si Title eh! Tsk!

TIPS!

1st - Huwag maging maging Plastik at Straw!

Explanation: Wag maging Plastik! Ipakita mo ang tunay mong nararamdaman! Sabihin mo ang gusto mong sabihin, Pero be sensitive. Huwag mo hayaang makasakit ka ng Kapwa mo. Basta be Honest lang. Wag maging straw! Huwag sumipsip sa iba. Di ka sisikat sa kakaganyan mo Dre! Yung tipong gagawa ka ng kwento maniwala lang sila sayo at masabing ikaw ang tama! Tsk,Tsk! Bad yan!

2nd - Dont State the Obvious!

Explanation: Stating the obvious makes you look dumber! Wag mong ipahiya ang sarili mo, lalo na kung bigla kang napilosopo dahil dito. Wag na kasing itanong o sabihin kung obvious naman eh! Common Sense dre! Yung tipong nakita mo nang iba kulay ng buhok, tatanungin mo pa kung nagpakulay ba.

3rd - Use your Brain!

Explanation: Gamitin ang utak! Di puro salita! Ganun lang kasimple!

4th - Learn to Respect!

Explanation: Matuto kang rumespeto kung ayaw mong mapilosopo. Hindi ka naman pipilosopohin o babastusin kung karespe-respeto ka diba? Except nalang kung sadyang walang respeto ang kausap mo. I-apply mo rin ito sa sarili mo. Mutual Respect lang ang Kailangan natin dre!

5th - Look in the Mirror!

Explanation: Tumingin ka sa salamin, isipin mo kung bakit o paano ka napipilosopo. May ginawa ka bang mali? O sadyang baliw lang ang mga taong nakapaaligid sayo? Tignan mo rin kung yung mga ginagawa mo ba sa ibang tao ay tama? Kung yung sinasabi mo ba ay nakakasakit? Magkaroon ka ng paki-alam sa nararamdaman ng iba!

6th - Siguraduhin mong kung magsasalita ka tungkol sa iba, hindi ito mag-re-reflect sayo!

Explanation: Katulad sa 5th, Huwag gawing salamin ang kapwa mo. Yung tipong nagsisinungaling ka sa iba tungkol sakanya, tapos pag nagkaharap kayo, sasabihan mo siyang sinungaling, Ano yun? Edi, parang pinatamaan mo lang yung sarili mo?

Hanggang jan lang muna..  :)

PILOSOPOHAN 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon