PAANO SUMAGOT?!?!

649 13 3
                                    

BASICS

Uulitin ko pa ba? Basics na nakasulat eh, edi alam niyo na yan.

Alam ko namang di Common ang common sense, pero please. Gamitin naman.

PANO SUMAGOT?!?!

SA MGA NAKAKATANGANG TANONG/PANGUNGUSAP~~~

Pag nagpagupit ka or Nagpakulay o kung ano pa mang ginawa mo sa buhok mo,

Tapos tinanong ka ng ganito.

"Nagpagupit ka?" Nakakatanga diba?

Sagutin mo yan ng "Hindi, hindi ako nagpagupit! Wig lang yan na tinahi sa anit ko! Ang galing nga eh! Haha!" Sabay tawa ng sarkastik.

Kapag tinanong ka kung nagpakulay ka, sabihin mo naman "Hindi! hindi ako nagpakulay! Nagpagupit ako, nakita mo na ngang iba kulay ng buhok ko diba?"

Kapag naman absent ka o di pumasok sa klase,

Tapos tinanong ka ng "Bakit ka umabsent?"

Sagutin mo ng "Kasi hindi ako pumasok!" Then vice versa.

Kasi naman eh, kailangan ba malaman nila palagi lahat ng nangyayari sa buhay mo? Na kahit absent ka lang ay tatanungin kapa?

Tsk! Lalo na kung di naman kayo close!

Kapag naman kunyari may ginawa kang masama sa school, kunyari nangopya ka.

Tapos sinabihan ka ng mga epal mong kaklase ng "Hala! Lagot ka! Nangopya ka!" With matching lagot ka sign pa.

Bigyan mo ng bored look tapos sabihan mo ng "Alam ko, hindi ako tanga! Alam kong kumopya ako kaya hindi mo na kailangang ipa-alala! Alam kong lagot ako, kaya nga ako pinagalitan diba? Tsk!"

Kapag naman maaga ka pumasok tapos hiniritan ka ng kaklase mo na "Ang aga mo pumasok ah!"

Sagutin mo ng "Malamang, nandito na nga ako sa harapan mo diba? At bakit? Ikaw lang ba pwedeng pumasok ng maaga?" Yan ang sabihin mo!

Uhmm, ano pa ba?

Kapag naman PE Class o naglaro ka, tapos hiningingal ka tapos tinanong ka ng "Pagod ka na?"

Sabihin mo, "Ay hindi! Hindi pa ako pagod! Hinihingal na nga ako eh!"

Kapag naman narinig nilang tumunog ang tiyan mo tapos sinabing, "Gutom ka na noh?" Or "Nagugutom ka na?"

Sabihin mo, "Hindi, hindi ako gutom, Sadyang papansin lang yung tiyan ko at gusto niyang tumunog! Hindi talaga ako gutom!" Tapos irapan mo.

Kapag naman may event sa school at nag-make up ka. Tapos tinanong ka ng "Naka-make-up ka? / Bakit ka naka-make up?"

Sagutin mo ng "Hindi,hindi ako naka-make-up! Ganyan talaga mukha ko! Nakikita ko naman diba? / Trip ko lang may angal ka? Baka gusto mo ring gumaya?" Yan with matching irap pa.Haha!

Yan nalang muna, Wala na akong maisip.

Kung meron pa kayong mga nakakatangang tanong, Comment niyo lang at i-po-post ko ang mga sagot... :)

PILOSOPOHAN 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon