CHAPTER ONE

9 0 0
                                    

"Floral? Parang ang baduy naman"

"Ito, Magenta"

"Eewe"

"Ano ba?" Inis na sabi ni Anton kay Mia at Bianca.

Kanina pa nagtatalo ang dalawa kung anong bibilihing dress ni Mia para sa dadaluhan nitong party bukas ng gabi. Syempre kay Bianca ito nagpapatulong sa pagpili.

Nasa isang botique sila sa loob ng mall. Halos dalawang oras na silang palibot-libot sa mga stalls doon.

Actually, may ibang lakad si Anton, kaso biglang cancel daw. Kaya sumama na lang rin ito.

Naisipan lang sumama ni Raphi dahil gusto rin niyang maglibot. Nais niyang gumaan ang pakiramdam.

Strange, pero parang nawala naman agad ng bigat ng nararamdaman niya.

"Wala pa rin ba kayong mapili? mag-aalas tres na ah, aabutan tayo ng rush hour, walang tatao dun sa Bar." Dugtong ni Anton sa dalawa. namaywang. halatang inis na talaga.

Paano ako...? Ani Raphi sa utak. Napailing siya.

"Wait lang." Sabi ni Mia saka hinugot mula sa hanger stand ang isang dress. Dark brown ang kulay. Hindi naman gaanong maliit ang manggas.

"How about this?" Inilahad nito ang nakahanger na dress.

Hinablot agad iyon ni Anton saka mabilis na dinala iyon sa may cashier. Agad namang sumunod si Mia.

Ngumisi lang si Bianca na napatingin sa kanya. Ngunit, agad na nawala ang ngiti nito. Napalitan ng ekspresyon ang mukha. Awkwardness.

"Tara na sa labas." Sabi niya. "Hintayin na lang natin sila dun."

Tipid itong ngumiti saka tumango.

Nauna siyang naglakad palabas ng botique. Naramdaman lang niya ang pagsunod nito.

Makalipas ang ilang sandali ay nasa labas na rin si Anton at Mia. Dala ang Paper bag mula sa botique.

"Mauna na kayong bumalik sa shop." Sabi ni Athan, kay Mia at Bianca nakatingin. "May pupuntahan lang kami saglit ni Raphi."

Pilyang ngumiti si Mia. "Ayuun. Kaya masyado kang impatient, may balak ka sigurong i-date si Raphi." Napabaling ito kay Bianca na tila humihingi ng pagsang'ayon.

Natatawang tumango si Bianca. "'lika na at baka makaistorbo tayo."

Nakangising kumaway ang dalawa saka umalis.

Napatingin si Raphi kay Anton.

Nakatingin pala ito sa kanya. Blanko ang ekspresyon.

"We need to see Warren." Sabi nito. "Nasa kanya ang ibang records."

Naunawaan naman agad niya ang tinutukoy nito. Warren Ibañez. Ito ang abogadong may hawak sa kaso niya. Sa kung ano ang nagyari sa kanya, Walong taon na ang nakakalipas.

Hinding-hindi mabubura sa ala-ala niya ang araw na iyon.

Sandali siyang napaisip. "Huwag na lang muna. Gusto ko sanang samahan mo na lang muna ako sa sememteryo."

Hindi ito nagsalita, tumango lang.

Antonio Alejandre. A once lawyer. He was disbarred.

Abstract RushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon