Chapter 11

225 4 0
                                    

Akadia's POV


Natulala ako habang nakatingin kay Liam na ngayon ay nakangiti sa akin. Bahagya ko pang hinawakan ang pisngi ko kung saan siya humalik. Hindi ko akalain. Bigla akong nahiya! Huhu!



"Punyeta ka Liam! Hindi mo sinabi sa akin." Inis na sulpot ni Phel at padabog na umupo sa harapan namin.


"Huh?" Takang tanong ni Liam sa kaniya.


"Bakit nandito ang mga doctor? Sino ang nagsabi sayong imbitahin mo sila?"


"Luh? Birthday mo ba? Kailangan ipaalam sayo kung sino ang mga pupunta?" Masungit na tanong ni Mason na umupo na rin.


"Hindi kasi yun!"


"Eh ano?" Takang tanong ni Mason.


"Iniiwasan ko kasi yun. Tapos magkikita pala ulit kami dito. Kainis ka naman Liam! Dapat pala hindi na ako pumunta dito." Reklamo niya na ikinatawa ni Liam.


"Bakit namumula ka Akadia? Uminom ka ba?" Takang tanong ni Mason sa akin. Punyeta ka Mason! Bakit itinanong mo pa yan!


"H-hindi ah. Mainit kasi." Pagdadahilan ko. Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni Liam sa tabi ko.


"Uwi na tayo Nadia." Yaya sa akin ni Phel na ikinatawa ko. Agad naman siyang sinabunutan ni Mason na nasa tabi niya.


"Alam mo mas halata ka lang sa ginagawa mo. Mukha kang tanga."


"Bobo! Ang sabi ko kasi sa kaniya nung huli, hindi ko talaga siya crush. Trip trip ko lang ganon tapos sabi ko bumalik nalang siya sa ex niya."


"Baliw! Mas halata ka talaga. Chill ka lang kasi." Sabi ni Mason sa kaniya.


"Sino ba ang tinutukoy niyo? Si Clint?" Takang tanong ni Liam na agad sinuway ni Phel.


"Huwag ka maingay Liam, sasampalin kita. Oo siya yun. Hindi ko akalain na friend mo pala."


"Actually, hindi ko siya friend." Nakangiwing sabi ni Liam.


"Eh bakit nandito siya?"


"Nag-imbita ako sa lahat ng course." Sabi niya na bahagya kong ikinamaang. Puta. Kaya pala ang daming tao.


"Pati business ad nandito?" Excited na tanong ni Mason.


"Oo."


"Aalis na muna ako hehe. May hahanapin ako." Paalam ni Mason na sabay naming ikinairap ni Phel. Nagpaalam na rin si Liam dahil aasikasuhin niya daw yung mga bisita niya. Sa dami ng tao dito. Mukhang kailangan niya ngang gawin yun.


"Mukha kang tanga Phel." Saway ko sa kaniya na umiinom ng pakonti-konti.


"Umuwi nalang kasi tayo Nadia."


"Uuwi tayo pagbalik ni Mason. Okay na?" Tanong ko na ikinangiti niya. "Sa kakaiwas mo baka makahalata yun. Mukhang matalino pa naman."


"Duh! Matalino nga kaya gusto doctor din."


"Oh? Doctor din yung ex?"


Rêveuse: A Dreamer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon