Chapter 32

209 7 0
                                    

Akadia's POV


Nung gabing yun ay nagpaalam na rin ako sa pamilya ni Theo na kailangan ko ng umuwi kasi nga pagod din ako sa byahe.


Nung makapunta ako sa dorm ay wala pa si Phel dahil kinabukasan pa pala ang uwi niya kaya maaga na akong nakatulog.


Lumipas ang ilang araw at balik na naman kami sa eskwela. Kung ano-ano ang pinag-usapan ng araw na yun. Kung saan-saan sila pumunta ng christmas break pero wala pa ring tatalo sa saya na naramdaman ko hihi. Hindi naman siguro ako sasabunutan ni Mama kapag nalaman niya na nawala na ang first kiss ko hindi ba? Si Theo naman yung kumuha kaya okay na yun.


Dahil nga bumalik na ang klase. Balik na naman kami sa pagiging busy. Si Allisson ay babalik daw dito sa bakasyon kaya lang ang sabi ko sa kaniya ay wala naman ako dito sa bakasyon kaya natawa nalang siya sa naisip niyang yun. Hindi ko rin akalain na pagkatapos ng gabing yun sa bahay nila Theo ay naging close na ako sa mga pinsan niya.


"What makes my girl happy?" Biglang tanong ni Theo kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti sa akin. Hindi ko kasi siya nakasabay pagpunta dito sa Perb kasi late na sila pinalabas ng Prof nila kaya mag-isa ako na pumunta dito. Sabi naman niya ay susunod siya kaya ito siya ngayon.


"You," Nakangiti kong sabi at bahagyang lumapit sa kaniya na ikinataas ng kilay niya. "You make me happy." Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya mapaiwas ng tingin dahil sa ginawa kong yun. Lihim nalang akong napangiti at umayos ng tayo sa counter. "Sabay tayo mag-review bukas?"


"Yes. Kailangan natin ma-ace yung exam para sa second sem."


"Paano kapag hindi ako nakapasa? Psh! Yan na ata ang palagi kong iniisip kada taon kung makaka-survive ba ako this year. Hays."


"Makakapasa ka. Trust me."


"Ayan ka na naman."


"What?"


"Palagi mong sinasabi na makakapasa ako kahit hindi naman natin sigurado."


"Ako sigurado akong makakapasa ka kasi naniniwala ako sayo." Diretsong sabi niya na ikinangiti ko.


Simpleng salita, pero bumibilis na ang tibok ng puso ko.


"Okay boss. Panalo ka na! Mag-aral ka na doon." Turo ko sa kaniua nung upuan dito sa perb kaya natawa siya pero sinunod din naman yung sinabi ko.


Sa ilang buwan na nakalipas, si Theo yung naging sandalan ko sa lahat. Kung dati ay mag-isa kong nilalapagsan lahat, ngayon ay kasama ko na siya. Hindi ko naman kasi malapitan din sila Mason dahil alam kong may mga problema din naman silang kinakaharap. Ayoko ng ma-istorbo pa ang mga kaibigan ko.


Kinuha ko ang cellphone ko nang mapansin na wala namang customer. Napangisi ako nang makita ko yung message nila Mason. Nag-iingay na naman ang dalawang yan.


@Masoniee
Ito na naman tayo sa finals putspa tapos third year na tayo!!


@Phelype
Boba! Isipin mo muna kung makakapasa ba tayo o hindi.


@NadiaaaAa
Kinakabahan ako. Sasama pala kayo? Magre-review kami ni Theo bukas.


@Masoniee
Gagawin niyo na naman akong alalay niyo? Ayoko nga!


Rêveuse: A Dreamer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon