"Ma alis nako!"
"Sige ingat ka ah" Mom answered. While walking out of the house, I scribble on my phone and check the time if I'll not be late to school.
"Paalis na kayo?" I asked my classmate slash college barkada through chat.
"Nag-aayos pa ako"
"Kakagising ko lang"
"Pustahan si Yla tulog pa""As always naman eh haha" Sagot ko sa kanila.
Pagdating ko sa sakayan ay sumakay agad ako ng tricycle. As we arrived at the bayan, I immediately fall in line to the UV terminal.
I waited for about 30 minutes for the van to arrive. "Studyante po" Sabi ko habang nagbabayad ng pamasahe sa collector. Finally sumakay na kami sa van at umalis na.
Tuwing bumabyahe, kung hindi ako nakikinig sa music ay nanonood ako ng movie o kaya series o kaya naman ako natutulog ako sa byahe. Lalo na kung maganda ang pwesto ko sa van.
Halos 1 hour o 1 hour and 30 minutes ang byahe ko lagi. Kapag nasaktuhang traffic, expected na 2 hours at late sa school. Kahit na maaga ako umalis ng bahay swertihan lang talaga eh.
"Saan kana Lei?"
"Malapit na sa cubao. Bakit?"
"Malapit na din ako sa cubao. Kita nalang tayo sa Lrt."
"Sige sige. Sa platform nalang"
Pagka-baba ko sa cubao ay naglakad nako sa may Aurora Blvd. papuntang Gateway. Doon kasi yung entrance ng Lrt 2.
As I entered the station, I immediately go to the machine to check if my beep card is still have a load. Oh, buti nalang meron pa.
I tapped my beep to enter and immediately go to the platform.
"Andito nako sa bandang unahan"
"Andito ako sa may likod. Wait, puntahan kita diyan"
"Okaaay."
Usually, dito talaga ako sa bandang unahan napupunta kasi mas malapit 'to sa entrance. Nang dumating na si Millie ay sakto ding pagdating ng tren kaya sumakay na kami agad.
____
"Next station JRuiz, ang susunod na istasyon ay JRuiz"
.
.
.
.
"Arriving at Pureza station, paparating na sa Pureza station"Pagbaba namin ng Lrt station ay naglakad na kami at lumiko na sa Pureza Street. Habang tinatahak ang Pureza ay makakasalubong mo ang mga kapwa mo estudyante sa iba't-ibang kurso. Maski taga ibang school ay makikita mo din pati na sa elementary.
Iba't-ibang mukha ng pag-aaral.