SPEECH LAB

176 4 0
                                    

*This story is based on my own experience. At sa naranasan kong 'to, napatunayan kong hindi lahat ng horror stories na naririnig o nababasa natin ay gawa-gawa lang. So guys, maniwala man kayo o hindi, expect the unexpected. Lahat naman tayo makakaranas ng ganito ehh. ENJOY READING !! :DD

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

6:45 na ng gabing yun pero hindi pa rin umuuwi ang ibang Leibnizians(tawag sa mga taga 1-Leibniz). Paano ba naman, we were so busy complying our requirements in different subjects. Quarterly exam kasi nun. Habang abalang-abala kami sa loob ng classroom, biglang pumasok si Sir Rich at sinabihan kaming umuwi na. Baka raw kasi mag-alboroto na naman si Chief Guard at isumbong kami sa PDSA. Sinunod naman namin si Sir at lumabas na agad kami. Madilim-dilim na rin nung mga oras na yun kasi mag-aala 7 na. Nagtatawanan pa kami habang naglalakad sa hallway. Pinagitnaan ako nina Alessa at Bernalyn sa paglalakad. Mabibilis lumakad yung mga bopols kong kaklase, kaya naman naiwan kaming tatlo sa likuran. Pero nang lumiko na kami pakaliwa sa classroom ng 1-Fermat, yun nalang ang tumambad sa mga mata ko.

Bata. Isang batang nakatayo sa may pintuan ng speech lab. Oo, madilim na pero parang nagliliwanag yung bata kaya kitang-kita ko siya. Nakaputi, namumutla at parang nagmamakaawa. Dahil sa nakita ko, tumaas bigla ang mga balahibo ko at biglang umihip ang malakas na hangin. Inalis ko na agad ang tingin ko sa bata dahil sa takot at kabang naramdaman ko at walang paliguy-ligoy na tumakbo pababa ng ramp. Binangga ko na ang mga nauna kong kaklase at sumunod naman sina Alessa at Bernalyn. Pagdating namin sa ground floor, panay ang tanong ng dalawa.

"Anong nangyari?"

"Galit ka ba?'

"Anong ginawa namin?"

"Okay ka lang?"

Ewan ko, hindi ako makapagsalita.

Nasa terminal na kami ng jeep tsaka ko sinagot ang mga tanong nila. Pero hindi sila naniwala kasi wala naman raw silang nakita. Sinabihan pa nga akong baliw ehh. Pero halata naman sa mga mukha nila na natakot din sila sa sinabi ko. Natigilan nalang kami sa pagtatalo ng pumarada ang isang jeep na may nakasabit na tarp. Nagkatinginan, at nagtakbuhan kaming tatlo ng makita ang mukha ng isang batang duguan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

At hindi pa dun nagtatapos ang kalbaryo ng speech lab sa school namin. Maraming nagsasabi na may naririnig daw silang iyak ng bata sa tuwing dadaan sila sa dito.

Marahil hindi kayo natakot, pero nasisiguro ko na 'pag kayo naka-experience ng ganito, tiyak gugustuhin niyo nang malunok ng lupa. O.A KO NOH ?!! :PP pasensya ho :")

Anyway, thanks for reading guys :')))))))

CLICK VOTE PLEEEAAAASSSEEE <3

SPEECH LABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon