Avril’s POV
Naglalakad kaming dalawa ni Matthew dito sa tulay.Gabi na din at uunti na ang mga taong dumadaan.Dito kasi namin paboritong maglakad palagi pagkatapos naming maglibot.Para sa’kin simple at romantic ang ganitong date.Naglalakad kaming dalawa habang magka holding hands.Ang sarap ng ganitong pakiramdam,ang hawak niya ang kamay ko.
We stop in the middle of walking.He let my hands go and look into my eyes.Napaatras siya ng isang hakbang na siyang ipinagtaka ko.
Bakit?May sasabihin ba siya?
He’s still looking in my eyes while I am still confused.Napagod kaming dalawa ngayong araw na’to dahil sa dami naming ginawa.That’s why I’m confused,why would he let go of my hand and look into my eyes with a sad emotion?Gusto niya na bang umuwi?
Tumigil siya sa kinatatayuan niya.His eyes become teary and he started to cry.Why?I was about to take my step when he speak…
“No,just s-stay t-there Avril,”his voice begins to break.I can see pain in his beautiful eyes.”Just s-stay t-there Avril,don’t come closer please.”And that’s it,he starts to tremble.
Ano bang nangyayari?Nasasaktan ako sa ginagawa niya.Nasasaktan akong nakikita siya habang umiiyak..
“Matt…don’t cry.Ano bang nangyayari?Did something bad happened?”I was very worried in this moment.”Tell me,what’s wrong?Why are you crying?Why won’t you allow me to come closer?”Nagda dalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi.
Umiling siya at muli niya akong tiningnan sa aking mga mata.Nagtutubig pa din ang kaniyang mga mata at halatang pinipigil lang niyang huwag maiyak.
“Avril…let’s b-break up.Let’s not see each other anymore.Let’s break up Avril….”
What did he say?Hindi ko siya maintindihan…
“W-what?”I ask.
With just a second,my tears started to fall down to my cheeks.Ano bang sinasabi niya?kanina lang ang saya saya namin ah.Bakit gusto niya na lang makipaghiwalay ng biglaan?Baka pagod lang siya.Tama!Madami kaming ginawa kanina,baka pagod lang siya.Kahit patuloy sa pagpatak ang mga luha ko ay pinilit ko pa ring magpakatatag.I bit my lower lip as I speak.
“Ano…ano bang sinasabi mo matt!?Kani..kanina lang sang saya natin ah.Bakit gusto mo na lang makipaghiwalay ng biglaan?Ano bang nangyayari!?May nagawa ba akong mali!?Ano?Sabihin mo naman oh para alam ko!Hindi yung basta basta ka na lang makikipaghiwalay ng walang dahilan di’ba!?”pinigilan kong huwag pumiyok ngunit sadyang bumibigat yung dibdib ko sa pagkagulat at sa sakit.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko at napakaraming tanong ang pumapasok sa isip ko.
“Lets just end it here Avril,”pagkatapos noon ay tumalikod na siya agad.
Hindi ko sinunod ang sinabi niya.Tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at yinakap siya ng patalikod.Hinigpitan ko ang kapit ko sa baywang niya dahil ayoko siyang pakawalan.Ayoko siyang mawala…ayoko siyang pakawalan.
Hinawakan niya ang kamay ko na mahigpit na naka kapit sa baywang niya.Pinipilit niya yung alisin ngunit sadyang ayaw ko lang bumitaw.Huwag…tuluyan na niyang naalis ang kamay ko sa baywang niya.Hinarap niya ako kaya hindi ko na napigilang magsalita.Iyak ako ng iyak habang pinipilit na magpakatatag.
“Why?Bakit!?Bakit matt!?Bakit?Do you not like me anymore!?Tell me!Do you like someone else!?Do…do you not like me anymore matt!?”hindi ko na napigilan pa ang pag agos ng mga luha ko.Tuloy tuloy ito at mukhang walang katapusan.Damn it hurts!
“It’s not like that Av-”
“Then what else could be the reason matt!?What?Nanawa ka na ba sa’kin!?”iyak ako ng iyak habang pumipiyok.”3 years matt!We’ve been together for 3 years!Nagkulang ba ako?”bawat salitang binibitawan ko ay ibinabalik sa akin ang sakit.
Biglang lumamig ang hangin at may pumatak na tubig.Umuulan na…
“My parents want to send me in USA.They want to send me in a medical school Avril.This is my opportunity to achieve my dreams Avril and I can’t disappoint them.You know…..you know it right?You know that I want to become a doctor.Nakapag aral na ako ng tatlong taon dito sa pilipinas pero hindi pa din yung sapat…hindi pa din Avril.”
Aalis siya?Para akong tinusok ng karayom sa puso ko.Naiintindihan ko naman siya e…pero..bakit kailangan pa naming maghiwalay?
“Naiintindihan kita Matt…I really do.I know,I know that.But….Matt..matt I can wait.This will work out.Naiintindihan kita matt at handa akong maghintay.Kahit gaano pa katagal…kakayanin ko.Hindi naman natin kailangang maghi-”hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang nagsalita siya na mas lalong nagpaiyak sakin.
“I can’t multitask Avril.You’re gonna wait for me?2 years?3 years?4 years?5 or 6?You can’t Avril….you can’t.Yes,I love you but I have to put my dreams first.Let’s just end it here Avril.I’m letting you go,so please….please just let me go.Bye,”tuluyan na nga siyang umalis.
Hindi ko na nagawang magsalita pa o habulin siya.Hanggang dito na lang ba talaga?Pinanood ko siya habang nakatalikod na paalis.Hindi ko alintana ang ulan.Patuloy lang ako sa pagiyak dito sa tulay.Gusto kong umiyak ng umiyak…
Napaluhod ako sa kalsada habang umuulan.Naitukod ko ang mga kamay ko sa kalsada bilang suporta.Hanggang ngayong nakaluhod ako ay pinapanood ko siyang umalis.Sobrang bigat ng dibdib ko at wala akong tigil kakaiyak.Nanghihina ang katawan ko lalo na ang puso ko.
Tuluyan na nga siyang nawala sa paningin ko.I never thought that I will loose him this way….I never thought that I will loose him like my past lovers.
YOU ARE READING
My Ex-lovers are back!
RandomAno bang kulang sa akin?" 'Yan ang laging tanong ni Avril sa kanyang sarili. Ano nga bang kulang sa kanya at nagawa siyang iwanan ng mga dati niyang nobyo? Limang Tao,limang pagmamahal, limang panahon at limang sakit ang dumaan. Nagmahal siya ng tap...