CHAPTER 2

30 2 0
                                    

The whole day. Hindi ako nakapag concentrate sa klase dahil sa sinabi ni Catherine.

Anong sinasabing may traydor? At sino sana ang magta traydor saken?

"Huy! Uwian na. Kanina ka pa tulala" napatingin bigla ako kay Jessica dahil ginulat niya ako

Napatingin na din ako sa relo ko at time na pala

"Una na kami ni miguel beh! Ingat kayo" sabi niya sabay kaway saken kaya napangiti ako.

Napatingin naman ako kay Calix na inaayos pa gamit niya

"Date muna tayo. Ako na maghahatid sayo" napangiti naman ako sa sinabi niya

Parking Lot

"Hahatid ko nalang po siya. I want to spend time with her ngayon" pagkasabi ni Calix yun napakamot mung ng baba si kuya

"Make sure na pag uwi ni Yana Isabelle buo siya huh. Walang galos" napatawa naman si Calix

"Don't worry kuya Aki. Diko papabayaan si yanie" tumango naman si kuya.

Pumunta na kami sa sasakyan niya at nauna na akong pumasok sa loob bago siya. Binigay niya saken yung phone niya.

Napangiti naman ako ng makita kung ano lockscreen niya. At kami yonn. Inopen ko naman at ganon padin wallpaper.

"Where are we going?" Tanong ko sa kanya. Kinuha niya yung kamay ko at hinalikan ito sabay ngiti kaya napatawa naman ako

"Secret"

Habang nagda drive siya. Pumunta agad ako sa gallery niya at nakita ko yung mga picture nila kahapon.

Habang tumitingin ako sa picture. Napatigil ako sa isang pic na sila miguel, joseph at brix lang.

"Asan ka dito?" I asked at pinakita sa kanya yung pic. Tinignan naman agad niya

"Ako yung nagpic niyan" sabay tawa niya.

Ililipat ko na sana sa ibang pic ng bigla kong nai zoom at ang nakita ko yung reflection ni Calix mula sa glass window or door sa likod nila brix. Nung zinoom back ko. May parang katawan ng babae sa pinakagilid mula sa reflection ng glass window.

Napatingin naman ako sa labas ng biglang huminto yung sasakyan at magpapagas lang pala.

"Cr lang ako" napatango naman ako sa sinabi niya.

Chineck ko ulit kung tama ba yung nakita ko. Katawan nga ng babae pero hati lang neto. Likod lang niya ang nakita ko at mukhang mahaba ang buhok hanggang bewang. Tinignan ko ulit sa ibang pic. Pero wala. Dun lang sa pic na yon ang meronn. Masyadong malabo pero sure akong katawan ng babae yun.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa nakita ko. Aayos na sana ako ng upo ng may masipa ako sa ilalim. Kaya kinuha ko agad.

Isang pabango

"Pambabae to ah" binuksan ko at inamoy.

Amoy pomelo. Halatang pambabae at pang dalaga ang amoy. Bigla akong nagulat ng bumukas yung pinto at nakita ko si Calix.

Napatingin naman siya sa hawak kong pabango. Nanlaki naman ang mata niya ng makita eto

"San mo nakuha yan? Antagal ng hinahanap ni mommy yang pabango niyan yan ah"  binigay ko agad sa kanya dahil diko kinaya yung matapang na amoy niya

"Hindi ko type" kako naman. Kinuha naman niya at nilagay sa likod

"Favorite scent ni mommy. Ang bango nga eh" napatingin ulit ako sa pabangong yun at hindi na pinansin.

Full of LiesWhere stories live. Discover now