CHAPTER 4

30 1 0
                                    

"Okay ka lang ba?" Napatingin ako kila Jessica

"Ah...ahh oo hehe. Okay lng ako" tinignan ko ulit yung babae

Hindi ko aakalain na dito ko siya makikita.

"Oh siya balik na kami sa practice guys!" Napatingin ako ng tumayo na si jessica hawak-hawak yung camera ko

"Don't forget to click the button like, subscribe and share!" Sabay nilang sinabi kaya napangiti ako. Hinila ako ni andrea para maisama sa video

"Again this is Jessica"

"i'm your Andrea"

"And i'm Yanie"

"Your one and only BESTY!" At sabay sabay na namin sinabi yun

Nag stay muna kami ni Andrea para panoorin practice nila. Diko maalis yung tingin ko kay Gwen at sa kwintas na suot niya.

That was supposed to be mine. That necklace. And my dad. It was actually mine pero kinuha niya lahat.

Flashback (6 years ago)

"Nak, graduate kana ng elementary. Ano gusto mo gift" napangiti naman ako sa sinabi ni papa.

Asa loob kami ngayon ng mall at napaisip ako kung anong gustong bilhin.

"Yung kaya lang ni papa huh?" Hinila ko siya para maglibot

"Pa, gusto ko yung magagamit ko hanggang sa pagtanda" at pinunta ko siya sa bentahan ng mga alahas.

"Mukhang mahal dito nak. Tara nalang sa iba" hinila ko ulit si papa

"Paaaaa. Ustoo ko yunnn ohh. Sigi na pa" at tinuturo ko yung kwintas. Napalingon si papa sa paligid bago ako pantayan para kausapin

"Nak. Sobrang mahal dito. Diko kaya-"

"Pero pa sabi mo yung gusto kong gift. Gusto ko yung kwintas na yun" at tinuro ko yung kwintas na may pendant ng snowflakes.

Bigla namang may lumapit sa aming sales lady

"Sir, kukunin niyo po?" Napatingin naman si papa

"Ayy nako haha hindi po. Kulang sa budget. Sige po. Pasensya sa abala" nalungkot ako sa sinabi ni papa at hinayaan ko lang na hilain ako palabas.

Patulo na yung luha ko ng pinaupo ako ni papa sa isang upuan at pinunasan niya luha ko

"Nak, pasensya na kulang sa budget ang papa. Yung ano ba gusto mo snowflakes na kwintas? Bilhan nalang kita ng ice cream" umiling ako sa sinabi niya

"Kahit yun lang na snowflakes pa ibili mo sakin. Diba sabi ko naman po sayo pangarap ko makahawak ng snow" napangiti sakin si papa

"Yana anak, bibilhin ni papa yun pag may pera na ako. Pag nakaipon ipon na ako. Ibibilhan kita, eh kung gusto mo pa ipunta kita sa lugar na may snow" napangiti naman ako sa sinabi ni papa

"Talaga? Bibilhin mo yun pag may pera kana tapos ipupunta moko sa may snow?" Tumango naman si papa kaya niyakap ko siya

"Promise mo sakin yan pa. Hihintayin ko" niyakap niya din ako at pinunasan niya ang mga luha ko.

After 4 years

"Congratsulation anak. Senior kana next school year" napangiti ako at niyakap siya

"Thank you daddy" pagkasabi ko nun niyakap niya din ako

"For what babygirl?" Hinarap ko siya

Full of LiesWhere stories live. Discover now