CHAPTER ONE

48 3 0
                                        


Lubog ang mga mata na may kulay na maihahalintulad sa isang hazelnut. Bagamat nakakaakit tignan, isang kirot ang mararamdaman dahil sa mga lubog at ganda ng kulay nang mga mata niya, ay may lungkot itong ipinapakita. Isama mo pa ang mahaba niyang pilik-mata, sing tulad sa mahabang daan na kanya ng natahak. Mga pilik na minsan ng nabasa ng sarili niyang luha.

May tamang tangos ng ilong katulad lamang sa mga kabataang pinoy. Kung may kinababagayan man yun ay ang...

Labi niyang may katamtamang laki at kapal. Labi na mapula dahil na rin sa hindi naman siya nagsisigarilyo katulad ng iba.

Nakangiti man, alam mong siya'y may dinaramdam. Halata mo ang malalim na biloy sa kaliwa niyang pisngi. Habang sa kanang bahagi naman ay may maliit na nunal.

Maliit lang ang kanyang mukha, kaya bumagay sa kanya ang messy medium length haircut.

Inilapag ni Zeus ang gamit niyang pencil. Saglit siyang nag-unat ng kanyang balikat dahil na rin sa sobrang ngalay nito sa ilang oras niyang pag pinta.

Saglit siyang napangiti sa isiping, nagawa niyang ipinta ang sarili at kuhang kuha nya nga ito.

Magaling mag pinta ang binatang si Zeus, bagay na pinagtutuunan niya ng pansin sa tuwing nakakaramdam siya ng lungkot. Isang paraan para sa kanya para takasan ang mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya.

EZEUS KIEL AVILA

Saka niya pinirmahan sa itaas ng kanyang pangalan.

"Happy birthday, Zeus" - bati niya sa sarili.

Ngayong araw ipinagdiriwang ng binata ang kanyang kaarawan sa edad na bente. Ito rin ang unang beses na ipinagdiwang niya na wala ang kanyang kapatid na si Ezekiel at ng kanyang Ina. Kaya imbes na maghanda siya ng todo, mas pinili niyang dalawin ang kanyang yumaong Ina at kapatid. Bilang regalo sa sarili, ipininta ng binata ang sarili.

Hinipan ng binata ang kandila na kanina pa natutunaw sa ibabaw ng kanyang cake.

Ano pa bang kulang sakin, bakit kahit kailan hindi ako yung pinipili?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ART OF OBSESSION Where stories live. Discover now