Yuuuu, alam niyo na ba ang mangyayari?
-**-
Chapter 2: Offer
Shanea
ALAS-DIES na ng gabi pero hindi pa rin ako maka-tulog. Bumaba ako para kumuha sana ng tubig pero may naririnig akong ingay mula sa aming sala, kaya imbis na pumunta ako sa kusina, nagtungo ako sa aming sala.
Sumilip ako kung may tao ba at nakita ko si daddy na may hawak na isang bagay ngunit hindi ko lamang ito mawari.
Maya-maya lang ay tumapat ito sa may ilaw mula sa labas na nagsilbing liwanag para makita ko iyon, hindi nga lang malinaw. Isa itong likido na nasa isang tube.
Hindi ko na lamang ito pinansin at sa halip ay umakyat na lamang, hindi na ko nag-abala pang kumuha ng tubig kaya napagpasyahan kong matulog na lamang.
-**-
Kinabukasan nakita ko ang sarili ko na sumasabay sa hapag-kainan kasama ang mga magulang ko.
"Anak, ililipat ka namin ng dorm sa school mo para hindi ka na mahirapan pumasok." sabi ni mommy habang nakangiti.
Tumango nalang ako, mas gusto ko nga 'yun e para hindi ko na makita lagi ang pagmumukha ng daddy ko. Nakakasawa na din kasi 'yung mga nangyayari dito sa bahay, kaya mas okay na 'yon.
Mabilis akong natapos at umalis na. Ayaw ko na kasing magtagal pa doon sa bahay kasama ang tatay ko. Ilang beses ko ng nakikita ang mga eksena kagaya ng mga sa tv dramas, at nakakasawa nang makita 'yon.
Nakarating na ako sa eskwelahan with a bored face. Nag-text ang mommy ko na ngayon na raw ako lilipat, ihahatid nalang daw ng mga bodyguards ni daddy 'yung mga kakailanganin kong gamit para sa dorm ko.
Napabuntong-hininga ako sa mga na-receive kong text sa mommy ko.
Pumunta na ko sa classroom pero nagulat ako nang kaming dalawa pa lamang ni Leo ang nasa loob ng classroom, naka-tungo siya sa kanyang silya at nakapikit, malamang natutulog siya. Tumabi ako sakanya at inayos na ang mga gamit ko, habang hinihintay ko ang ibang mga kaklase ko.
"Gusto mo ba talagang malaman ang lahat?" nagulat ako sa biglaang tanong niya at hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin, akala ko ay natutulog siya.
"A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko, obvious naman na 'yung tinutukoy niya ay 'yung mga nangyayari pero mas pinili ko pa ring magtanong.
"Kaya namamatay ang mga estudyante ay dahil sa isang—" natigil ang pananalita niya nang may narinig kaming sumisigaw 'di kalayuan sa'min. Bago pa kami makalabas, hinarang na kami ng isa sa mga kaklase naming babae na si Nemie, nalaman naming may pinatay nanaman na estudyante sa Arts room.
Pumunta kami sa pinangyarihan ng insidente at nagimbal ang lahat ng estudyante sa nasaksihan namin, bumubula ng paint ang bibig ng isang lalaki, lumulobo ang tyan nito at lumalabas na ang mga paint sa kanyang ilong at tainga. Napatakip ako ng mga mata at tumalikod, hindi ko na kaya ang mga nasasaksihan ko, pang-apat na beses na akong nakakasaksi ng pagkakamatay ng mga estudyante.
Pinabalik kami ng mga guro sa aming mga silid-aralan, walang guro na dumating sa aming classroom. Wala rin ang iba naming kaklase, kabilang si Leo. Ano kayang ginagawa nun?
Narinig kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.
From: Mommy
'Anak, pinahatid ko na ang mga gamit mo dyan, itanong mo nalang sa landlady kung anong number ng room mo.'
BINABASA MO ANG
Zeiryo
Mystery / ThrillerKill for your life. Zeiryo is my own word for-oops! Basahin niyo nalang:P Credits kay Zay:)) Date started: -May 24, 2020