[ 1 ]: Something's Wrong

6 1 0
                                    

Again, sorry for the wrong spellings and grammatical errors.

-**-

Chapter 1: Something's Wrong

Shanea

NAGISING ako nang pumasok si Yaya Belinda sa kwarto ko. Sinabi niyang ngayon na raw ang pasok ko sa bago kong school.

Lumipat ako ng school sa kagustuhan ng daddy ko. Wala namang magawa si mommy kasi binantaan siya ni daddy na kapag hindi nila ako ililipat sa isang catholic school, iiwan niya kami. Ang lame ng reason ni dad, pero wala kaming magagawa.

"Sige po, yaya. Bababa na po ako. Maliligo lang ako at magpapalit." Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung nangyari na insidente, nahuli naman 'yung teacher. Binalita rin kasi, kaya nalaman ko.

Naligo naman ako at nagpalit na ng school uniform ng bago kong papasukan na eskuwelahan, maganda naman ang school uniforms nila, parang gyobok.

Nag-ayos ako at nilugay ang buhok kong hanggang balikat. Sinuot ko naman ang high-socks at ang black shoes ko. Required kasi na mag-high socks sa school ko ngayon.

Bumagay naman ito sa uniform ko kaya agad ko nang kinuha ang bag ko para bumaba na.

"Goodmorning, sweetie." bungad ni mommy pagkababa ko. Hindi ko naman siya pinansin at kumuha nalang ng pandesal. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ng daddy ko pero hindi na ko lumingon pa.

Naglakad nalang ako papunta sa school ko kasi maaga pa naman, and ito na rin ang exercise ko.


Habang naglalakad ako, nakita ko 'yung lalaki na tumulong sa'kin nung isang linggo sa nangyaring insidente, lalapitan ko sana siya pero may napansin akong kakaiba sakanya kaya hindi ko na itinuloy ang balak kong paglapit. 'There's something wrong with him'.

Tinanaw ko lang siya papalayo, at nagsimula na ring maglakad.

'St. Peter catholic school'

Basa ko sa main gate ng school. Namangha ako sa laki ng eskuwelahan, bubungad sa'yo ang isang napakalaking soccer field at 'di naman kalayuan dito ang basketball court. Napakarami ding buildings ng school na 'to.

Pumunta ako sa building ng mga 4th year high school. Yeah, 4th year high school na ko. Nasa 2nd floor ang classroom namin, section 2-AB ang section ko.

Papasok na sana ako sa classroom ko, nang harangin ako ng isang babae na may hawak ng papel. "Anong buong pangalan mo?"

"Shanea Altezer." sagot ko sa kanya. Tinignan niya naman ang papel at chineck ang pangalan ko. Siya siguro ang naga-attendance, tinignan niya muna ako ng mariin bago niya ako pinapasok.

Umupo naman ako sa may bakanteng-upuan, at nagsimula ng basahin ang paborito kong libro.

Tumingin ako sa clock sa taas ng white board, maga-alas siyete na. Napalingon ako sa pinto nang may dumating.

"Oh, Jie. Bakit pawis na pawis ka?" tanong ni Cassy, 'yung naga-attendance, nakita ko kasi 'yung name plate niya sa upper-left ng uniform niya.

Lumapit naman ang mga kaklase ko, nanatili akong nakatanaw sa kaniya mula sa kinauupuan ko, inabutan naman siya ng tubig hanggang sa nagsalita na siya. "Si Gio!! Patay na siya!" nagulantang ang lahat, pati na rin ako dahil sa binalita ni Jie.

ZeiryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon