Pakiramdam ko nasa isang madilim na kagubatan ako. Huni ng mga ibon, paggalaw ng sanga ng puno at ang tunog ng mga tuyong dahon na naapakan ko ang tanging kong naririnig. Mag-isa ako sa madilim na lugar na ito ng biglang may narinig ako. Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako hanggang makita ko ang liwanag.
"Walter Savver Sy, do you take Alexandra Reva to be your lawfully wedded wife in this sacred bond of holy matrimony? To honor, to keep her through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worst, to love and cherish her till death do you part?"
" I do Father!" sagot niya habang nakangiti ng matamis sa babaeng mahal niya.
Para akong mahihimatay na ewan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Masaya ako para sa kanya kasi sa wakas nakita na niya ang babaeng makakasama niya habang buhay pero may kirot dito sa puso ko dahil nakita ko sa katauhan niya ang lalaking gusto kong makasama hanggang mamatay ako.
"Alexandra Reva, do take Walter Savver Sy to be your lawfull wedded hausband in this sacred bond of holy matrimony? To honor, to keep her through tough times, in sickness and in health, in sorrow and in happiness, for richer and for poorer, for better or for worst, to love and cherish her till death do you part?"
"I do Father!" sabi ng babae habang pinapahid ang kanyang luha.
Hindi ko maiwasan mainggit at mahinayang. Kung sana hindi na lang sa kanya ako nahulog para hindi ako nakakaramdam ng ganito at hindi ako nasasaktan.
Kanina pa ako umiiyak habang nakatingin sa kanila. Sabi nila kapag mahal mo dapat matuto tayong mag let go, dapat maging masaya tayo sa kasiyahan nila at dapat marunong kang magsakrpisyo. Dapat ba laging ganoon? Hindi ba dapat ipaglaban mo ang pagmamahal mo? Pero sabagay para saan ba kung ilalaban ko 'to kung ako lang naman ang mag-isa. Magmumukha lang ako desparada nito.
Nagulat ako ng biglang may nabigay sa akin ng tissue. "Salamat po Tita. Nakakahiya naman po. Daig ko pa ang magulang sa kakaiyak rito." paliwanag ko.
"Alam ko naman Hija na masaya ka lang kasi finally ikakasal na ang bestfriend mo sa taong mahal niya. Napakaswerte ni Savver dahil nagkaroon siya ng kaibigan na gaya mo pero alam ko na malas ka sa anak ko. Sayang gusto talaga kita para sa anak ko." ngumiti ako ng pilit. Bestfriend. Hanggang doon lang ako sa buhay niya.
Siguro kung matuturuan lang puso sinabi ko na sa kanya na 'hoy heart pwede bang tumibok ka na lang sa iba. Hayaan mo akong mahulog sa iba. Tulungan mo akong kalimutan siya' pero hindi. Hindi ganoon kadali na ang lahat. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na 'Tama na Shivani. Hindi ka niya mamahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ang tanga mo naman ilang taon ka ng umaasa hanggang ngayon hindi ka parin nauuntog.'
Ang tanga ko naman kasi. Umaasa ako na darating yung araw na mapapansin at makikita niya ako. Ako yung laging nandyan sa tabi niya. Ako ang mag-aalaga sa kanya tuwing may sakit siya. Ako na hindi siya iiwan. Ako na hindi siya sasaktan. Ako na tatanggapin siya kahit sino pa siya. Pero kahit anong gawin ko AKO ay kailanman ay hindi magiging SIYA.
Nagising ako at napaupo sa kama habang nakahawak sa aking ulo. Isang panaginip? Hindi. Isa yung pangyayari mula sa nakaraan na dapat ng kalimutan.
Simula pa lang alam ko na walang paasa. Simula pa lang alam ko na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
Simula pa noong una...
*******