Zie Pov
"Tangina gumising ka na dyan! Lunes na lunes!" sigaw ng pinsan kong kupal.
Argghhh i hate monday. May monday sickness talaga ako. Ayoko kase pumasok tuwing monday kasi yung sched ko nakakatamad. Putol putol ba naman. Bwiseeeeeet~
Aaaaa ayoko talaga bwiset. Bubungad ba naman sayo pag pasok Mathematics na subject. Odiba nakakabobo na. Tapos yung prof mo pa nuknokan ng tapang parang pinaglihi kay satanas.
Wala akong nagawa kundi bumangon at maligo na. Pagkatapos ko magbihis bumaba na agad ako para kumain ng breakfast.
"Morning" bungad ko sa mga pinsan ko na dinaig pa ang manok kung tumilaok
"Morning mo mukha mo pag nalate tayo. Lagot tayo sa roberto na yun!" sigaw ni Chie
"Sus! Gusto mo lang makita crush mo" sabi ni Fritz
"Syempre naman kasali na yun! Gustong gusto ko na talaga makita si Carl! Kyaaaaa" sigaw ulit nya
Btw, pinsan ko nga pala sina Chie, Fritz at Peachie. Sikat kaming magpipinsan lahat sa campus. Yeap, ako din sikat.
Si chie maganda, tanlented, magaling sa sports, pambato ng pilipinas sa ibang bansa.
Si Fritz maganda, talented, at ambassador ng mga channel at kung ano ano pa na brand na sikat international and local.
Si peachie maganda, talented, magaling sumayaw ang bruha na yun, at higit sa lahat matalino
Ako? Syempre sikat ako. Malalaman nyo later sa campus kung bakit ako sikat.
Btw, magkakasama kaming lahat sa iisang condo. Weasley last name namin lahat. Magkakapatid mga daddy namin.
"San si peachie?" Tanong ko
"Edi yun harok pa ang puwet sa kwarto!" Sigaw na nama ni chie
"Agang aga sigaw ka ng sigaw. Naririndi na ako sayo chikikay ha!!!" sigaw ko pabalik
"Taenamo wag mo ako tawagin chikikay sa school ha" malumanay na na sabi ko
"Pake ko sayo sa school" sabi ko
Kumain na kami lahat at pagkatapos namin kumain nagready na kami umalis. Nagsisakay na sila sa sari-sarili nilang mga kotse. Ako naman sakay ako sa mustang ni peachie. Feel ko lang sumakay sa kotse nya ngayon.
Nong malapit na kami sa school. Pinatigil ko na sya sa may gilid kasi ayaw ko na makikita ng ibang students na magkasama kami.
"Dito na lang ako peachie" sabi ko
"Ikaw talaga bakit ba ayaw mo makita na magkakasabay tayo papunta sa school? Kinakahiya mo ba na pinsan mo kame?" malungkot na sabi nya
"Gaga ka coming from you pa talaga. Sympre alam mo naman rason diba? Pero love kita. Bye na bitch! Mwa" sabi ko para di sya magtampo. Halata na sa mukha na magtatampo e
"Hmmmp loveyoutoo! Bye" sabay andar na ng kotse nya pagsara ko
Eto ako ngayon lakad ang ganap papuntang school. Sa likod kase ako nagpapababa para di kami makita magkasama.
Bakit ayaw ko kasama sila sa campus? Madami kasing mga manok sa campus. Ewan ko nga kung poultry to o campus e hahaha
Sa sobrang pag iisip ko. Nabangga na pala ako don sa pader. Ang tigas pota.
"Araayyyyyy" pagtingin ko likod pala nong lalaki
"Tss watch your step nerd" sabi nya
Yea you all heard it right? Nerd ako sa campus na to. Panget, di maganda, chaka, di pasok sa masa ang itsura.
Oo, don ako sumikat sa pagiging nerd ko. Pinsan ko tatlong sikat so, di na ako magwawari kung sisikat rin ako. Sikat ako sa pagiging nerd.
"Sorry, di ko sinasadya"
"Apat na nga mata mo, di mo pa makita daan"
"Sorry nga diba? Pakyu!" Sabay takbo ko nong pagkamura ko non sa kanya. Baka kasi suntokin ako sa mukha panget na nga ako papanget pa lalo.
Kita ko ang gulat sa mukha nya nong minura ko siya haha
Nerd na palamura ako. Natutunan ko lang to sa mga pinsan kong hampaslupa ang bibig hahaha
Grr late na ako lagot ako sa prof ko na kampon ni satanas. Pagpasok ko andon na sila lahat maliban sakin huhu
Kumaway sakin mga pinsan ko at sinenyasan na doon umupo sa tabi nila.
"Excuse me sir. Goodmorning. Sorry i'm late" sabi ko pagpasok ko sa loob
"Labas! Di na ako nagpapasok ng mga late commers!" sigaw nya sakin
"But sir, i'm just 5 minutes late" pagdadahilan ko
"No buts Miss. Weasley! Get out" sigaw ni dimunyo
Napaka walang puso talaga neto 5minutes pa lang naman yun ako late ah
So wala akong nagawa kundi lumabas at humanap ng tatambayan ko hanggang mag next subject. Haysss buhay nga naman
Nagdecide ako na pumunta na lang sa field at doon tumambay. Yeap may field dito sa campus. Complete package sa campus na to. Yung makikita mo talagang mga Universities sa ibang bansa. International University kase itong campus na to kaya halos makikita mo dito gwapo at maganda puro half breed kumbaga haha. Parang mga aso lang. Char
Humiga ako sa damohan at pinagmasdan ang kalangitan. Ang ganda. Sana ganto na lang kakalma palage. Ang aga pa kase kaya medyo kalmado pa ngayon. Paglabas ng mga students kagulo na naman. Sana kalangitan na lang ang IU.
Sa sobrang pag iisip ko di ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nang biglang....BLAGGGG
Natamaan ako ng soccer ball sa ulo.
"Arayyyy huhu ang sakit" daing ko
"Miss okay ka lang?" sabi nong lalaki
Pagtingin ko. Shettttt ang gwapo!!! Mygad ang kalandian ko nalabas
"H-ha? A-ah okay lang ako" sabi ko
"Hindi dalhin na kita sa clinic" ngiti nya sakin
Shet eto ba yung kalmado na iniisip ko kanina. Nasa langit na ba ako? Kung nasa langit na ako ayaw ko na bumaba sa lupa.
"Miss? Miss?"
"Ah okay lang talaga ako. Salamat " tumayo na ako at naglakad na lang palabas ng campus. Uuwi na ako. Ayoko na pumasok bukas na lang. Tinatamad na ako.
Bwiset bukod sa di ako naka attend sa first subject nakatulog pa ako, at yun na nga sobrang haba ng tulog ko pati next subject di ko na attendan.
Aaa ano bang meron ngayon at laging ulo ko punterya nyo!? Punyetang buhay to.
Pag uwi ko natulog na lang ulit ako maghapon sa kwarto
_________________________________________DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND TO FOLLOW!!!❤
SUGGEST KAYO MGA NAMES!!! GAGAWAN KO SILA CHARACTER DITO HEHEHE!!
FIRST STORY KO PO TO SANA PO SUPORTAHAN NYO HEHE
THANKYOUUUU PO!!!❤❤TAPOS SUGGEST NYO DIN SA MGA KAIBIGAN NYO NA BASAHIN TO HEHE!!! LOVELOTS❤❤
ADD NYO DIN AKO SA FB KO.
FRITZIE L. VILLANUEVA❤
LET'S BE FRIENDS HEHEHEChapter 2 is coming....
BINABASA MO ANG
Nerd Hidden Secret (R-18)
Novela JuvenilNerd na palamura? Nerd na palaban? Nerd na tamad? May ganon ba? Nakakita na ba kayo ng ganong nerd? Let's all read. ❤NERD HIDDEN SECRET❤