Prologue
“YOU need to take the Princess out of here.” Anang ng Mahal na Hari habang nakatuon ang tingin sa apat na kabalyerong kasunod nila ngayon ng Reyna patungo sa Secret Chamber ng palasyo.
“Pero, Mahal na Hari. Kinakailangan niyo rin po ang makatas sa palasyo. Masyado na hong mapanganib para manatili pa kayo rito.” Cavalier of Thunder suggested.
“Sang-ayon ho ako sa kanya.” Tugon niya sa tinuran ng kanyang kasamahan ngunit umiiling iling lamang ang kanilang Hari.
“Gustuhin man naming umalis ng inyong Reyna ay hindi maaari, Cavalier of Replication. Bilang hari at reyna ng kahariang ito, ay tungkulin naming h’wag lisanin at protektahan ang nasasakupan ng buo naming lakas.” Wika sa kanila ng hari.
“Pero—” natigilan siya nang magsalita muli ang Hari.
“Wala nang sapat na panahon. Kinakailangan nang makaalis ng Prinsesa rito sa kaharian. At kayong apat ang naatasan kong magbantay sa inyong prinsesa.”
Sabay sabay nilang nilagay ang kanilang kamao sa pagitan ng kanilang balikat at braso at saka nagwika. “Masusunod ho, Kamahalan.”
Tinanguhan sila ng Hari at saka binigay ang prinsesa sa Reyna.
Lumapit ang Mahal na Hari sa gitnang bahagi ng Chamber na kung saan sa paanan nito ay nakaukit ang isang malaking bilog na simbolo. Simbolong naglalarawan sa kanilang lahi, simbolo ng kanilang kaharian at simbolo ng kanilang kapangyarihan.
“Achides Portalium.” Napatingala ang hari at tumingin sa kalangitan. Walang bubong ang naturang parteng iyon ng chamber sapagkat kasama ang kalangitan ang pinag-aalalayan nila ng kapangyarihan.
Mula sa langit ay dumagundong ang malakas na kulog. Na sinundan naman ng nakakasilaw na kidlat. Dumiretso ang naturang kidlat na may natatanging kulay— Lila, sa Mahal na Hari.
Tinanggap ng maluwat ng Hari ang bagsik ng kidlat. Nang matapos ang pag-absorb sa sinambit na mahika ay daglian niya itong tinapat sa isang rebulto ng isang malaking dragon na nasa loob rin ng chamber at nilabas lahat ng nakuha mula sa kidlat.
The dragon statue began to growl. Its eyes were raging with a purple light. Yumanig rin ng malakas sa loob ng chamber na siya nilang kinabahala ng bahagya. But it suddenly stopped and great amount of light has scattered after that.
Nang maimulat nila ang kanilang mata ay doon nila nakita ang isang malaking portal.
Tiningnan ng Hari ang kanilang Reyna. Lumapit ito sa Hari at sila rin ay sumunod.
“Take care of my Baby, Cavalier of Replication.” Wika sa kanya ng Reyna at ibinigay sa kanya ang prinsesa.
Ibinigay niya ang kanyang hawak na sandata sa Cavalier of Thunder at inalalayan ang Reyna sa pagbigay sa kanya ng isang napakagandang sanggol na babae.
Isang malakas na lagabog mula sa tarangkahan ng lugar ang nagpagulat sa kanila at mas napagbilis ng kanilang kilos.
“Bilisan ninyo, mabilis umimpis ang ginawa kong lagusan patungo sa kabilang mundo.” Wika sa kanila ng Mahal na Hari.
Tinanguhan niya ang tatlo pa niyang kabalyero at sabay-sabay na lumapit sa portal.
“Maiwan kayo rito, Cavalier of Ice and Cavalier of Sand. Kailangan ng Mahal na Hari at Reyna ng bantay. Protektahan ninyo sila.”
Marapat namang tumungo ang dalawa tanda na tinatanggap ng mga ito ang kaniyang iniutos.
“Hindi na kailangan, Cavalier of Replication. Mas kailangan ng Prinsesa ng patnubay mula sa inyong apat. Kailangan niya ng Guardian na magbabantay at magtuturo sa kaniya ng mga bagay-bagay ukol sa kakaharapin nitong tadhana.”
“Pero, Mahal na Hari—” awtomatiko siyang natigilan nang mapalitan ng lila na kulay ang mga mata ng kanilang Hari. Siya’y tumungo bilang tanda na hindi na muli siyang magrereklamo sa binigay na utos sa kanila. Kahit na labag iyon sa kanyang kalooban.
Bilang isang kabalyero, nangako sila na poprotektahan nila ng buong puso ang kahariang kanilang pinagsisibilhan. Bilang isang sundalo ng kakaibang mundo na kanilang ginagalawan. Ngunit ito ang unang pagkakataon na hindi niya matutupad ang kanyang sinumpaang karangalan.
“Patayin sila!” lahat sila ay napatingin nang mabuksan na ang pintuan ng secret chamber at pinasok niyon ang kanilang mga kalaban.
“Kayo’y magmadali!” giit na saad sa kanila ng kanilang Reyna habang nakikita nilang pinipigilan ng Hari ang mga kalaban na makalapit sa portal.
Mabilis silang tumalima at isa-isang nagsipasok ang ibang Kabalyero. Nang siya na at ng prinsesang karga-karga na ang papasok ay muli siyang lumingon at pinagmasdan kung paano tinambangan ang dalawang kamahalan na kanyang tinitingala.
“Pangalagaan mo ang prinsesa!” sigaw ng Hari habang patuloy na nakikisagupa sa mga kalaban. “Sa oras na dumating ang tamang panahon… matutupad ang propesiya na magbabago sa takbo ng tadhana ng ating kaharian. Siya ang magbabalik sa liwanag, dahil…
.
.
.
“Siya ang Legendary Porphyra Princess ng makasaysayang Advent of Prophecy!”
BINABASA MO ANG
Amethyst: The Porphyra Princess
FantasyAn adventure of a Princess destined to avenge her lost kingdom and take back of what is rightfully hers. Book Cover Credits to: CG Threena :)