I

7 1 2
                                    

"Nak. Anak! Lumabas ka na ng kwarto natin at maligo ka na. Nakapag-igib na ako kanina ng tubig para sayo." Hay nako si tatay talaga ang aga aga pa nga eh. Hays pero sige kailangan ko din kasing pumasok ng maaga ngayon baka pagalitan ako ni teacher pag nahuli ako sa klase namin.

"Magandang umaga sa pinakagwapo kong tatay." lumapit ako sa kanya at yumakap ako.

"Magandang umaga din sa munting prinsesa ko. Sige na't maligo ka na baka mahuli ka pa sa eskwela. Matatapos na din itong niluto kong itlog at tuyo na napakasarap kaya't bilisan mo na ha.

"Sige po tay! Ang bango bango po ng niluluto mong tuyo napakasarap!" pumasok na ako ng banyo at naligo. Kuskos dito kuskos duon sabi kasi ni tatay kapag di mo daw inayos ang pagligo mo babaho ka. Kalaunan ay natapos na din ako sa pagligo lumabas na ako ng banyo.

"Tay saglit lang ah at magbibihis lang ako." agad naman siyang tumango kaya't dumeretso na ako sa kwarto namin. Hinanap ko ang uniporme ko at nakita ko itong gusot gusot pero okay lang yan wala kasi kaming pambili nung pang plantsa nito tsaka aksaya lang yun sa kuryente ano. Sinuot ko na toh, nagsuklay at naglagay ng headband. Kinuha ko na din ang bag ko na may design na 'Nature Lover' eto yung bag ko na nakita ko dati sa may parke sa may ilalim ng higaan sabi ni tatay ay di daw siya ang bumili nito pero baka nagsisinungaling lang siya alam niya kasing ayokong nagwawaldas siya ng pera eh kaya't simula kinder hanggang ngayong grade 2 ay eto ang gamit kong bag. Pagkakuha ko ng bag ay lumabas na ako ng kwarto at kumain na ng almusal.

"Magiingat ka sa pagpunta mo sa eskwelahan anak ha. Palagi mong alalahanin na mahal na mahal kita. Makinig ka kay maam para di ka matulad sakin na di nakapagtapos ng pag-aaral. Mahal kita anak."

"Mahal din kita tay." at nginitian ko siya habang nag-tu-toothbrush ako.

"Sige na't mahuhuli ka na klase. Ingat ka ha." humalik na ako sa pisngi niya at nagpaalam.

Pagka dating ko sa school eh naalala kong may test nga pala kami buong araw kaya't nagmadali na ako sa classroom namin. Nagbasa basa muna ako ng mga libro habang wala pa si teacher Cathy.

"Magandang umaga klase." bati ni teacher Cathy na amin ding tinugunan. "Bale alam niyo naman diba na buong araw tayong may test kaya't ilagay niyo na ang inyong mga bag sa harap, kumuha ng isang lapis at pambura at bumalik sa inyong mga upuan. Ngayon din!" tumayo na ako sa upuan ko at nilagay ang bag ko sa unahan.

Habang sinasagutan ko ang pangatlo naming test na Reading ay nakaramdam ako ng kakaiba. Para akong nanghina na hindi ko maintindihan. "Khyla okay lang ba? Bakit namumutla ka? Gusto mo bang umuwi muna? Para ka kasing nanghihina." umiling ako kay teacher Cathy at pinagpatuloy ang test namin.

At dahil nga test ngayon eh hanggang 11:00 lang kami. Papauwi ako sa bahay ng may naramdaman akong kakaiba. Parang may sinasabi yung mga puno sa paligid. Ewan ko ba baka sa kakabasa ko lang toh ng mga alamat sa mini-library ng school namin. Pagkadating ko sa amin eh andaming tao sa labas ng bahay namin. May mga nagchichismisan.

"Ano hong nangyare? Tay! Tay! Asan ka tay?!"

"Paumanhin bata pero di ka pwedeng pumasok diyan." sabi nung mamang pulis.

"Pero po yung tatay ko nasa loob. Papasukin niyo ako yung tatay ko nasa loob!" mangiyak-iyak kong sabi maya maya pa eh may mga lumabas na tao sa bahay namin at may bitbit silang nakahigang lalaki. Mabilis akong tumakbo papunta duon at niyakap ang tatay ko."

"Tay anong nangyari sayo?! Bakit ka nagkaganyan?! Sinong may gawa niyan sa-"

"Khyla. Khyla gising na nananaginip ka nanaman." hinawakan ko ang pisngi ko at ang dami ngang mga luha.

"Ah sorry po sister at naabala ko pa po kayo. Sige na po ayos na po ako. Maliligo na po ako." nginitian ko siya para makumbinsi ko siya.

"Sige iha lalabas na ako ha." pagkalabas ni sister eh nagunahan nang magsilabasan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Naalala ko nanaman ang pagkamatay ng tatay ko. Sabi ng mga pulis dati eh may mga nagpasukan daw na magnanakaw sa bahay namin at pinatay nila ang tatay ko. Sampung taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon eh binabangungot padin ako ng mga pangyayari.

Pagkatapos nga pala ng insidenteng naganap eh walang akong ibang kamag anak kaya't dito na lamang ako napunta sa malapit na orphanage sa amin.

Ako nga pala si Khyla Dela Cruz. Labing pitong taong gulang at isang ulila ng aking ama. Hindi ko din kasi alam kung nasan ang aking ina kaya't sila Sister Lulu na lamang ang tumayong pangalawang ina sa akin.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Makikita mo dito ang hardin ng orphanage at kitang kita ko din ang isang babaeng nakatingin sa akin ngayon kaya't dali dali akong lumabas at tumakbo papunta sa kinaroroonan niya ngunit wala siya doon.

"Sino ka ba talaga?"

SEMIDEUS: Wrath Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon