II

5 0 0
                                    

Hi everyone I'm so sorry kung antagal ko tong di inupdate kasi sabi ko naman sino bang magbabasa ng story ko diba pero may nagcomment omg! Gagamitin ko kayong inspiration sa pag gawa ng story na to. Thank you sa inyong dalawa o tatlong nagbabasa. I appreciate it so much.

-

"At anong ginagawa mo dito Khyla?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Jusko Lord! Muntikan na akong atakihin dun ha.

"Sister Lulu naman eh naggugulat ka." napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Paano ba naman kasi iha. Nakatulala ka diyan kanina pa. Ano ba ang nasa iyong isipan?" Nakatulala na pala ako di ko namalayan.

"Sister Lulu. Sino po yung babaeng nakita ko dito kanina?" Palinga-linga pa ako para makita ko kung saan napunta yung babae kanina kaso wala talaga eh.

"Sinong babae?" Tanong sakin ni Sister Lulu

"Sister yung babaeng may hawak na rosas dito kanina. Napakaganda niya at nakaputi siyang damit kaso nakakatakot nga siya eh." Tinignan ko naman ang mukha niya at para niya akong pinagtatawanan. Napasimangot na lamang ako dahil duon.

"Ah. Ayun ba iha. Ako lamang yuon namimitas kasi ako ng mga bulaklak kanina." Napatingin ako sa kanya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Sister Lulu di naman sa sinasabi ko hong panget kayo ha pero yung nakita ko kasi kanina sobrang ganda niya sobrang pu-" Nagulat ako sa biglaang pagsagot niya sakin. Mukhang nainis ko ata siya.

"Parang sinasabi mo nga na panget ako ganon? Naku ikaw bata ka bumalik ka na sa silid mo at anong oras na. Nasestress ako sayo at baka dumami pa ang freckles ko nito." humawak-hawak pa siya sa mukha niya na animo'y minamasahe ito.

"Sige po babalik na po ako duon. Ba-bye po. Goodnight." Kumaway na ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay ampunan.

Asa hagdanan na ako ng may tumawag sa aking dalawang bata. Sina Reese at Rich pala. Kambal sila at sanggol pa lamang sila noong dinala sila dito ng nanay nila. Hindi daw kasi kayang palakihin ang mga bata dahil iniwan na ng ama. Babalikan daw niya ang kambal pero lumipas na ang labing tatlong taon eh hindi pa din bumabalik ang nanay nila natatandaan ko pa nga noon eh siyam na taon palang ako noon at mag iisang taon ang mga bata kaya ako na ang tumayong ate sa kanilang dalawa para ko na nga silang mga nakababatang kapatid eh.

"Reese at Rich anong ginagawa niyo dito anong oras na ha?" Yumuko ako para tignan silang dalawa. Napaka-cute talaga nila sobra.

"Ate Khyla kanina ka pa kasi namin hinahanap eh. Nagugutom na po kami." Sagot naman ni Rich habang nakasimangot.

"O sige halika na kayo sumama kayo sakin pabuti na lamang at Holiday ngayon at walang pasok si ate."

Pumapasok kasi ako sa malapit na Fast food chain malapit dito sa bahay-ampunan. Di kasi katulad nila Rich at Reese eh hindi na ako dito pwede mag-aral sa bahay-ampunan dahil College na ako. Pabuti nalang eh natanggap akong scholar sa isang Paaralan malapit lang din dito at duon ako pumapasok ngayon. Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang pasok ko sa Paaralan. Sa Martes, Huwebes at Sabado naman sa Fast food chain.

Nagluto ako ng adobong manok para sa kanilang dalawa. Hindi kasi katulad sa ibang bahay-ampunan may sarili kaming kwarto dito tatlo. Hindi ko nga alam kung bakit eh pero nung nagtanong ako kay Sister Lulu nagalit sakin at ba't daw ba ako tanong ng tanong kaya't nagpasalamat nalang ako.

"Kumain kayo ng madami ha para lumaki kayong malalakas at malusog. Magpapainit lang ako ng tubig para mapunasan ko na kayong dalawa pagkatapos niyo diyan." Tumango-tango sila at kumain na. Kinuha ko naman ang takure nilagyan ko ng tubig at sinalang ko na sa kalan nang kumulo na ito ay naglagay muna ako ng ilang mainit na tubig sa baso at tsaka ko nilagay ang natira sa isang balde nilagyan ko ito ng ilang malamig na tubig para maging maligamgam, kumuha narin ako ng bimpo at nilagay duon.

"Ate tapos na po kami." Tinignan ko ang lababo at nakitang nanduon na nga ang mga pinagkainan nila.

"Sige mag si puntahan na kayo dito para mapunasan ko na kayo." Agad naman silang nagpunta sa akin kaya't sinimulan ko na silang tanggalan ng damit at punasan pagkatapos ay pinulbuhan ko sila at binihisan na. Pumunta kami sa higaan namin at nahiga.

"Ate kwentohan mo naman kami." Pakiusap ni Reese.

"Tungkol naman saan?"

"Tungkol sa Prince Charming mo. Ano bang gusto mo sa Prince Charming mo?" Nagulat naman ako sa tanong nito ni Reese.

"At saan mo naman nakuha yang tanong mo? Ang bata bata mo pa para sa Prince Charming na yan." Nakakataka naman kasi ilang taon palang sila kung ano ano nang tinatanong sakin.

"Eh kasi po pinapatanong ni-" Bigla namang sumabat si Rich at tinakpan pa ang bunganga ni Reese.

"Ako po nagpapatanong. Kasi diba dapat paglaki ko po maging maginoo akong bata at matulungin sa kapwa?"

"Ah oo nga naman dapat lang dahil ang mga lalaki hindi dapat nambabastos ng mga babae dapat kayo ang nagtatanggol samin kaya nga ako yung gusto kong mapangasawa ko eh yung mamahalin ako ng sobra sobra." niyakap ko sila ng mahimbing.

"Sige na magsitulog na tayo. Goodnight mga baby ko." Hinalikan ko silang dalawa sa noo.

"Goodnight din ate." Hinalikan ako ni Reese sa pisngi.

"Goodnight ate." Hinalikan din ako ni Rich sa pisngi.

Isang napaka gandang araw nga naman pero alam kong nakikinig siya.

"Lumabas ka na diyan. Alam kong nandiyan ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEMIDEUS: Wrath Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon