Prologue

30 10 0
                                    

Jazy's POV

'Tatlong araw na tayong 
di nag-uusap ni isa sa
ating dalawa'y walang
balak makiusap
Alam nating pareho
tayong nagkulang
At ang tayo'y
wala na ring patutunguhan'

(please click the video - Marlboro Black)

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa bahay nila Wanzon. Habang naka-earphones at pinapatugtog ang kanta ng Because na Marlboro Black. Bigla akong nakarelate sa kanta.

Talong araw na kong di makatiis sa mga cold replies at cold treatment niya sakin. Tatlong araw na kong walang maayos na tulog, hindi malinawan kung kami pa ba, kung tatapusin na ba, o tapos na talaga.

Habang hinihithit ang yosi, napabuntong hininga ako bago kumatok sa bahay nila.

“Wanzon! nandiyan ka ba?!” -Tawag ko sa kaniya pero halata namang ayaw niyang lumabas para kausapin ako. Kaya binuksan ko na ang pinto at dire-diretsong pumasok sa bahay nila. Sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa sahig.

'Ngayon bakit nga ba
tayo nagkita
Nakalimutan na't tila
Balak nating mag ayos
ang lalo sating nagpasira
'Di ba sabi mo noon,
kung tayong dalawa'y
maghiwalay ay magkikita
rin sa tamang panahon'

Preskong nakahiga siya habang nanonood ng TV. Tinignan niya lang ako saglit na parang hangin lang na bumukas sa pinto nila.

Di ko alam kung bakit bigla siyang nagbago. Lahat naman ginawa ko para sa kaniya. Lahat ng luho niya binibili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit laging hindi nagwowork mga relationship ko sa lalaki.

Tinignan ko siya ng masama at nilapitan. Pinatay ko yung TV at kinausap siya.

“Ano bang problema mo?!”- sabi ko sa kaniya

“Ano ba sa tingin mo?”- tanong niya sabay ngisi na parang nang-aasar.

“Hindi na ikaw yung Wanzon na nakilala ko.”- wika ko

“Hindi mo naman kasi talaga ko kilala. Tsaka bakit pumunta ka pa dito? Hindi naman kita pinapapunta at hindi naman kita kailangan”- Wanzon

'Wag mo na 'kong kulitin pa
'Wag ka na ring sumagot
kung sakaling kulitin ka
Kung magkasalubong
'wag na natin pansinin
Ang isa't isat pagkalito'y
wag ng kunsintihin pa'

Tila sumasabay ang musikang aking pinapakinggan sa sitwasyon ko ngayon. Naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga sa galit. Pero pinilit ko na hwag magpakita ng kahit na anong emosyon. Nangyari na to noon, kaya't imposibleng hindi ko 'to makaya ngayon.

ngumiti ako ng mapait habang pinipigilan na tumulo yung mga luha ko. Wanzon Cruz, mukhang dadagdag ka pa sa listahan ng mga ex ko.

'Dahil, hindi ko kayang
maging kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo,
mahal kita, pero tama na'

Wala akong iniwan na kahit na anong salita sa kaniya. Umalis nalang ako sa kanila at naghanap ng malapit na bar kung saan pwede mag-inom. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang pinsan ko na si Nylon. Naabutan niya kong umiinom ng isang bucket ng beer sa may Zoe's bar na malapit sa highway.

“Ano yan? nangangamoy break-up nanaman ah! Pang-ilan mo na yan?”- pang-aasar sakin ni Nylon

“Ewan ko tol, sanay na ko sa ganitong sitwasyon. Na kapag nanlalamig na, auto move on agad kahit di pa nakikipagbreak. Para pag dumating sa point na iniwan ako. Hindi na masyadong masakit. After all, months lang naman itinagal namin. Mabuti nang nakilala ko siya agad kaysa matali sa ganoong klase ng lalaki”- wika ko

'Hindi mo ko kaylangan, at ganun ka rin sa'kin
Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya ayang basahain
Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin
Talagang dapat mong asahan ang 'di mo aakalain'

Hanggang dito sa bar yun parin yung tugtog na naririnig ko. Sa isip ko, sino ba siya sa akala niya e kayang-kaya ko naman siyang palitan! Nakikinig lang sakin si Nylon, dahil saksi siya sa mga failed relationship ko. Halos lahat naman, failed.

Panandaliang saya, at pang matagalan na lungkot.

Minsan napapaisip ako kung anong mali sakin. Kung ano pang kulang sakin, at parang halos lahat may rason para iwan ako.

“Bro, if you're thinking na you're not enough, stop it. Alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung best mo to work things out. Sadyang maling tao lang yung pinipili mo.”- payo sakin ni Nylon

“Bro, wala namang tamang tao e. Nakadepende sa kanila kung gusto nilang maging deserving para sayo. Ngayon kung ayaw nila, talagang hahanap at hahanap yan ng rason para iwan ka. You have to understand that”- dagdag pa niya, sabay sindi ng yosi.

Napaisip ako sa mga sinabi niya, pero pakiramdam ko talaga may kakaiba sakin na hindi ko pa nadidiskubre.

“Kung ako sayo, mambabae ka nalang”- suggestion niya na akala mo naman napakadaling gawin

“Kahit kelan talaga siraulo ka. At sino namang maniniwala sakin na type ko din yung mga magandang babae na nakikita natin sa school? Siyempre tayo lang may alam nun. Tsaka sino namang papatol sakin na ganon kaganda diba, baka magmukha lang ako personal julalay ng mga yan”- reklamo ko naman

Totoo naman kasi yung mga tinatandaan naming mga babae, yung mga makinis, maputi, sexy, malalaki hinaharap, maganda. Di ko nga maintindihan kung lesbian ba ko, straight, o bisexual. Hindi ko alam.

Bigla akong nakareceived ng text galing kay Wanzo.

From: 0998****425

I let go. Salamat sa lahat ng memories. Thankful ako na nakilala kita.

“Oh, nakasimangot ka? expected mo na yan diba?! Iinom mo nalang yan”- Nylon

'Ngayon dapat na limutin
na ang ating alaala
Kaylangan na magbura
para matuto tayo lalo
parang sulat sa pisara
'Wag mo na 'kong tanungin pa
Masasaktan ka parin kahit
aking saluhin ka
Panandaliang marka lang
'to sa'tin parang henna
Pansamantalang pagmamahal
'di dapat ikadena'

Napaisip ako. Kung hindi lalaki yung para sakin, posible kayang babae? inubos ko yung laman ng beer at yumuko sa lamesa. Hindi ko namalayan, nakatulog ako sa sobrang kalasingan.







——————————————————
Author's Note:

Hello! This is my very first GirlxGirl story. Hoping for readers to come and have some fun reading it. Wait for more updates! And don't forget to vote and comment if you have any reactions or suggestions. Thank You! :)

What's wrong with the rainbows?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon