Chapter 2: How does it feel?

12 5 0
                                    

Jazy's POV

Napuyat ako dahil buong gabi ko kausap si Miles. Pagbukas ko ng messenger ko, grabe! ang daming nagyayaya sakin sa inuman. Pero kapag nakikita ko yung tattoo ko, it reminds me na dapat no more boys na. Pinilit ko na magpakastraight, but right now kailangan ko magpakatotoo sa sarili ko. We'll never know, if we'll never try diba? I am not pretending to be a bisexual. Gusto ko lang madiscover kung ano ba yung mali sakin. I'm still attracted to girls anyway.

Again, we hang out after class. Dun sa bar na ininuman namin last night. As usual beer yung sakin, sa kanya light drinks lang kasi daw ihahatid niya pa ko pauwi. Alam niyo yun nakakapanibago? usually ako madalas na gumagastos, even though lalaki yung partner ko. Tapos this girl, lagi pa sinasabing keep the change. Yaman ka girl?! Likewise, getting to know each other AGAIN. Pero, I can't avoid myself being tempted sa kanya. Grabe yung ngiti niya. Alam mo yung di ka maniniwala na lesbian siya. Femme daw tawag sa mga pareho nila na Lesbian pero babae parin yung physical appearance.

Sobrang wow. Feeling ko talbog yung beauty ko. Napakalight mag-ayos, morena, ang ganda ngumiti, ang swabe ng galaw. Yung mga tingin, parang nakakaakit.

“Baka matunaw naman ako niyan”- nabigla naman ako nang marinig ko si Miles magsalita.

“Curious lang kasi ako if ever nagkaron ka na ng boyfriend, ganda mo kasi e”- sabi ko

“Never pa ako nagkaron ng boyfriend”- sagot niya sa curiosity ko.

“What?! you mean?”- bigla kong tanong out of shock sabay tingin sa kaniya mula ulo hanggang sa private part. Bakit ba? Madumi utak ko e. HAHA

“If you're thinking about my virginity, yes I'm 101% sure that I'm still virgin. I guess it will not make me less of a person naman”- sagot niya na parang nabasa na niya yung nasa isip ko.

“So, girls talaga hanap mo?”-tanong ko sa kaniya.

“Well, absolutely”- sagot niya na parang kakaiba yung ngiti sakin

“Absolutely, girls like you.”- pahabol nanaman niyang banat.

“Sus mga banat mo. Bulok na yan sa mga babae mo no?”- biro ko sa kaniya

Maya-maya pa nakaramdam na ko ng pagkahilo. Napapikit ako bigla akala ko matutumba ako.

“Hey, are you okay?”-tanong ni Miles

“Parang may tama na yata ako”- sabi ko

“Ano? hatid na kita pauwi?”- taranta niyang tanong.

“Parang sayo ako mas tinamaan”- ganti ko sa mga banat niya. And her face was priceless! Di ko malaman kung natatae ba siya o naiinitan kasi grabe yung pag blush ng pisngi niya. Akala mo nakakain ng maanghang e. Ngumiti siya nang bahagya at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa pisngi at marahan na hinalikan. Noong una, di ko alam yung gagawin ko. Tinulak ko siya pero she kept on insisting kisses. Yung isip ko hindi ko alam kung nadidiri, kinikilig, kinakabahan, nasasarapan, o kung ano pa man. Basta alam ko lang ang ganda ng kahalikan ko. I almost imagined myself as a man. It is really awkward for me! Since, di ko naman confirm kung straight ba ko o bisexual.

Napapikit nalang ako at sumabay sa paghalik niya. Hinawakan niya ko sa batok, dahan-dahan ko namang inilapat ang kamay ko sa pisngi niya at pinagpatuloy ang pagganti sa bawat halik niya.

Di ko namalayan nakakandong na ko sa kaniya. And torrid kiss na pala yung ginagawa namin. Grabe, wala naman akong bayag pero pakiramdam ko tinatayuan ako sa ginawa niya. Ibang klaseng pakiramdam. Sobra. Parang may thrill na anytime pwede kayong mahulog sa isa't-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What's wrong with the rainbows?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon