PROLOGUE

1 1 0
                                    

"OF COURSE not! Hindi totoo iyan!"

"At maniniwala ba ako sa iyo? Hah! Ang tanga ko Naman kasi, ano? Sukat nagpadala ako sa silakbo Ng damdamin ko noon! Umasa ako na magiging mala-fairytale ang lovelife ko! Nakalimutan ko, once a womanizer, always a womanizer!"

"Stop that! Hindi totoo iyan!"

"Puwede ba, kurt, don't try to deny it! Hindi ako manhid, ano? Hindi ako tanga! Alam ko, nararamdaman ko! You're almost there! Naroon ka na sa Puntong malapit mo na akong ibasura!"

"Jhanna! Hindi totoo iyan!" lalong tumaas Ang tono ni Kurt.
"Hah! I've told you, Hindi ako manhid! Hindi ako tanga! Pero bakit kailangan mo pang gawin Ito, ha? Bakit kailangan mo pa akong pagmukhaing tanga? You can tell it direct to my face na ayaw mo na! That it's all over between the two of us! Just tell me and I'm going out of this place!"

"Ano ka ba? Bakit ba Kung anu-anong pinagsasabi mo, ha? Hindi totoo iyan!"

"Ows? Hindi totoo? Damn it, Kurt! Binibigyan na nga Kita Ng chance na makawala, Hindi ba? Hindi ka na kailangan magpakahirap na inisin ako para kusa akong lumayas sa buhay mo!"

"And who told you na gusto kong mawala ka sa buhay ko? Baka ikaw? Baka ikaw ang may gusto nang kumawala! Hindi mo na ako kailangan i-nag o kunsumihin sa pagbubunganga mo! If you want to go away, then go!"

"Ah ganoon? Binabaliktad mo pa ako! Hah! Sinabi mo iyan, ha? You want me to go away? Fine! I'm getting out of your life! Ngayundin ay layayasan Kita!" saka nagdadabog na humakbang papasok sa silid si jhanna.

Napasunod na lang ang tingin ni Kurt sa dalaga, hindi agad ma-absorb Ng kanyang utak kung ano ang nangyayari...
     Damn! Damn! Ano bang nangyayari sa babaeng iyon? Anong nangyayari sa Amin? Nanlalatang napaupo sa sofa ang binata...ang pagod sanang katawan ay nais muna niyang ipahinga. Pero anong isinalubong sa kanya ni jhanna ang pagna-nag nito.
Oh shit! Ang sakit Ng ulo ko! Napapikit siya at napasandal sabay hilot sa kumikirot na sentido.

Pero bahagya pa lang nalalapat ang kanyang likod ay sa bubukas na ang pinto Ng silid, mula room ay lumabas si jhanna, bitbit ang maleta at nakabihis na.

"Ano iyan? Saan ka pupunta?" sukat doon ay napatayo si Kurt.
"Hindi mo ba nakikita? I'm leaving you! I'm setting you free para hindi ka na mahirapang sipain ako palayo sa buhay mo!" saka akmang tutungo na sa pinto Ang dalaga.

"Jhanna, no! Ano ka ba?" pero maagap na nahagip ng binata Ang braso ni jhanna at nahila pabalik.
"A-aray, ano ba? Bitawan---"
"Jhanna, Babes, ano ka ba?" mababa na Ang boses ni Kurt, tila may kalakip na pagsamo.

"Huwag ka namang ganyan. You know very well na hindi ko gustong mawala ka sa akin."
"Hah! At gusto mong maniwala ako sa iyo?" nagpipilit pa ring makawala ang dalaga bagama't bahagya nang bumaba ang boses.

"Babes..." Kaya naman tuluyan nang humapit ang mga braso ni Kurt sa dalaga at marahan itong isinandal sa wall.
"You have to believe me, dahil iyon ang totoo!"

"No! A-ayoko nang maniwala sa iyo dahil---"
Pinatahimik ng mga labi ni Kurt ang mga labi ni jhanna sa pamamagitan nang mapusok na halik...

At bagama't nabigla, saglit lang natigilan ang dalaga... ang nanunulak na mga kamay ay kusa na ring yumakap Kay kurt, maging ang mga labi ay kusa na ring kumilos tumugon sa magaslaw, maharot at nanunudyong mga halik ng binata...

She missed his kisses dahil ang tagal nitong hindi umuwi.

Came To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon