chapter 1

1 1 0
                                    

Masaya Ang nagaganap na party sa malaki at maluwang na solar na iyon na napapalamutian Ng mga ilaw na nagliliwanag. Mataginting ang kalansing Ng mga kubyertos at baso, kasingtaginting nang bungisngis Ng magagandang babaeng panauhin at masisiglang halakhak ng mga lalaking naroon...

Halos bumaba Ang masarap na pagkain sa buffet table at gayundin Ang masasarap at mamahaling alak...

At habang Ang masayang musika ay pumapailanlang sa kabuuan Ng lugar, marahan namang gumagala Ang paningin ni jhanna sa paligid, nagmamasid, pinag-aaralan Ang mga taong naroon...
Nakikiramdam...

Hmm, libang na libang Ang lahat, magiging madali para sa akin Ang gawin ang pakay ko. Pero mayamaya na. Kailangan mas maging maingat ako.

Nanatili siya sa kinauupuan at nagkunwaring abala sa panonood sa ilang parehas na nagsasayaw sa gitna habang sumisimsim ng alak sa kopita...

Mayamaya ay may umagaw sa kanyang pansin, Ang malalanding hagikhik ng mga babaeng nasa katabinh mesa...

"My God! Look at him! He's one hell of man, hindi ba?"
"You said it right, Angel! Kung isang kagaya niya Ang magyayaya sa akin Ng one-night-stand, hmm, hindi ako tatanggi, ano?"
     
Hmp! Ano ba Naman ang mga babaeng ito? Ang haharot! Palihim siyang napasimangot at sinulyapan ang katabing grupo.

"Well, kahit ako, Hindi ko magagawang tanggihan Ang isang kagaya niya! At Alam ninyo, hindi lang pang-one night stand Ang gusto ko. I want him to be my man! I want him to be the father of my child! Aba, ang ganda niyang specimen, huh! High-quality Ang genes at siguradong magaganda Ang magiging mga anak namin. Bukod pa room na isa siyang Montefalco at nakasisiguro ako na secure na ang along future at ng magiging mga anak ko kapag siya Ang pinakasalan ko! Hay, he's really a good catch!" mas maharot na wika Ng Isa pang babae.

"Dream on, Claire , pero hindi ang isang kagaya ni Kurt James Montefalco ang magpapatali sa isang babae. He's well-known for being a womanizer. The most-sought after bachelor in town at matindi ang image-playboy na nakakapit sa kanyang pangalan. Isang lalaking ayaw sa commitment, allergic sa salitang kasal at takot magpatali sa isang babae na ina-nag siya dahil sa kanyang kalikutan."

"Well, he has all the rights Naman na maging Playboy, ano? Look at him! He looks like a goddess from Olympus at walang babaeng hindi magkakandarapa sa isang kagaya niya."

" Yeah, you're right, Natalie! Lalo pa at everybody's talking about his excellent skills in bed!" pahagikgik na wika Ng Isa pang babaeng mas mukhang palaban ang dating ang dating.

Hmp! Those crazy girls! Naiinis na iniiwas ni jhanna ang tingin sa mga Ito at hinagilap nang tingin ang lalaking pinag-uusapan...
   Well, just for curiosity...
And as a cliche goes saying by... curiosity kills and cat...

Hmm... is he the man that they were talking about? Tumuon ang kanyang paningin sa isang matangkad na lalaking nakatayo sa isang panig Ng solar, kausap ang iba pang kalalakihang bisita at nagtatawanan ang mga Ito habang nagkukuwentuhan ng marahil ay mga kapilyuhang paksa Kaya ganoon na lang kakislap ang mga mata...

At madali namang masigurong Ito nga ang lalaking pinag-uusapan Ng grupo..
Well, the man is gorgeously and ruggedly and devilishly handsome... At hindi iyon eksaherado...
Dahil palihim na napasinghap si jhanna...

Why, the man is a breathtaking scenery... Napangiti ang dalaga, naalala ang magaganda at nakakakiliting adjective na ikinabit ng katabing grupo ng mga babaeng nagpapantasya rito...

Well, Hindi sila nagsisinungaling, ha? He's one hell of man!
Pagkuwa'y namasyal Ang paningin niya sa kabuuan nito...

Sa guwapong mukha , matangos na ilong, sa mga matang banaag ang kakaibang kislap habang nakangiti sa mga kausap, sa mga labi...oh, those sensual lips na tiyak na hinahangad ng mga babaeng nagpapantasya rito na matikman...

Pagkuwa'y bumaba ang kanyang tingin sa bandang leeg ng lalaki, pababa sa malapad na dibdib na bahagya lang naikubli ng suot nitong dark-blue suit...

Saka dumako ang kanyang tingin sa humpak na sikmura na tila naguguni-guni niya na nagtataglay ng magandang abs...
Nang muling ibalik ni jhanna ang tingin sa guwapo nitong mukha, ilang sandali rin siyang nalibang at naaliw na pagmasdan Ito...

At sa pagkalibang niya, huli na nang ma-realize ng dalaga na sa kanya na rin pala Ito nakatingin, o mas tamang salita ay nakatitig...
Isang simpatikong ngiti at makalaglag-panty ang ibinigay nito Kay jhanna, saka bahagyang itinaas ang hawak na kopita ng alak at bahagya pang tumango sa kanya sabay kindat...

Hah! Oh my God! Bigla tuloy ang pagkataranta ng dalaga... What have I done? Baka akala niya ay nagpi-flirt ako sa kanya! Baka akala niya ay kagaya ako ng mga babay ito na...kusa siyang natigilan. Anyway, so what?

Agad niyang nahamig ang sarili...
Oo nga naman, ano ngayon Kung anuman ang isipin nito sa kanya? She wasn't born yesterday, at kahit na wala pang mapalad na lalaking nakakadantay man lang ng palad sa basal pa niyang katawan, Hindi naman siya ganoon kainosenye sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa Puntong sekswal...

Isang matamis at nanghaharot na ngitin ang iginanti niya rito, pagky itinaas din ng dalaga ang hawak na kopita at bahagyang tumango rito...
Lalong napangiti ang lalaki, sumungaw ang kakaibang kislap sa mga mata, pagkuwa'y bumaling Ito sa kausap at may sinabi.

At sa pagkabigla ni jhanna, humiwalay Ito sa mga kasama at nagsimulang humakbang palapit sa kanya...
Oh no! Not now! Wala akong time na magseryoso sa pakikipag-flirt sa kanya! Naalerto ang dalaga at bahagyang napalingap sa paligid para maghanap nang mapagkukublihan.

"KURT!" isang may edad na lalaki ang bigla ng tumapik sa balikat ng binata.
"Don Michael, kamusta na?" ginanti niya ang pagtapik nito sa balikat at saglit na sumulyap sa mgandang babaeng nakikipagngitian sa kanya kaya balak sana niyang lapitan, natanaw ng binata na lumilingap Ito sa paligid.

"Ayos lang Naman ako, Hijo! Ikaw? Aba, mabuti at nagkita tayo rito. Imbitado ka rin pala sa birthday ni Don Miguel!"
"Ah, oho!" pero sa isang pagsulyap uli niya sa gawi ng babaeng natanaw ay wala na ito sa kinauupuan.

Where is she? Lihim siyang nadismaya.
"Well, puwede ba tayong mag-usap sandali? Importante lang ang sasabihin ko sa iyo."
"Ah..." minsan pa siyang sumulyap sa gawi ng babae, wala na talaga ito roon.
"Sige ho." pero sa isip ni Kurt ay hahanapin niya ito mayamaya...

THERE! marahang itinulak ng pangahas ang doorknob ng Puntong nabuksan gamit ang matulis na bagay. Ngayon ay Malaya na akong makakapasok.

Nagsimula siyang humakbang papasok, patiyad sa carpeted na sahig, ayaw makalikha ng anumang ingay... At sa wakas ay nakakapit sa malaking kuwadrong nakasabit sa dingdong, ang bihasang mga daliri ay kumilos. May kinapa siya sa gilid niyon at kusa iyong bumukas-pataas, at tumambad sa kanya ang kaha-de-yerong nakabaon sa wall.

Yes! Now, isa na lang ang problema, kailangang makuha ko ang safety pin ng lock ng vault.
At muli ay kumilos siya para hanapin ang kumbinasyon ng lock.

Ilang pagpihit pakaliwa-pakanan ang kanyang ginawa, sa huli ay nauinigan na niya ang mahinang klick mula sa loob ng vault...
Yes! Nabuksan din! Tuwang-tuwang hinila niya pabukas ang maliit na pinto, kasunod niyon ang malakas na tunog ng alarma...

Shit! May burglar alarm! No! Hindi ako matitimbog! Hindi ako dapat pahuli!
Itinuloy ng pangahas ang pagbukas sa vault para kuhanin ang pakay...

Wow! Nanlaki ang mga mata niya nang Makita ang pakay, a giant black pearl na kasinglaki ng kamao. Ang ganda!

Nagniningning ang mga matang dinampot niya iyon at inilagay sa dalang backpack, pagkuwa'y mabilis ang kilos na tinungo niya ang bintana at agad iyong nabuksan.

Gamit ang isang string metal ay nakababa siya mula sa ikalawang palapag at tuluyan nang nilamon ang dilim sa likurang bahagi ng bahay na iyon...









Vote✓
Comments✓


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Came To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon