Short Story

12 1 0
                                    

Sampung buwan na pala tayo mahal ko. Sampung buwan na tayong M.U, walang label, walang commitment. Kay saya ng sampung buwan kong kasama ka. Minsan lang tayo kung magkita kasi sa malayo ka nag-aaral pero lagi tayong nagtatawagan, text o chat man. Di mo nakakalimutan mag sabi ng:

"Kumain ka na mahal?"
"Nag-aral ka na mahal?"
"Ingat ka mahal"
"Lagi kitang ipinagdarasal mahal"
"Pahinga ka muna mahal ko"
"I love you mahal"

Lagi kang nandyan pag kelangan kita. Tuwing ako'y may problema sa pamilya o maging sa eskwela. Handa kang tulungan ako sa anumang sitwasyong kelangan ko ng karamay. Hindi ko na alam kung ano ba talaga tayo, kaibigan ba o ka-ibigan? Nagpapakita ka ng motibo pero di ko alam kung totoo. Dumating ang araw na tinanong na nga kita;
"Pano kung bumalik yung dati mong mahal?"
"Wag kang mag-alala mas mahal kita kesa sa kanya"
Napanatag ang puso ko. Sapat nang malaman kong ako na pala tinitibok ng iyong puso at hindi na siya.
Makalipas ng ilang linggo di ka na nagparamdam. Di ko pinansin kita alam kong busy ka lang. Minimessage kita:

"Kain ka sa tamang oras mahal ha, wag pagutom"
"Ingat ka palagi mahal ha"
"I miss you mahal"
"Chat mo ako pag di ka na busy mahal ha"
"I love you mahal"

Ilang minuto, ilang oras, ilang araw, ilang linggo ako nag hintay ng reply mo pero seen lang napala ko.
Ilang linggo nag chat ka sabi mo:
"Sorry"
Di ko maintindihan pinagsasabi mo. Para saan? Bakit?

Pagkatapos ng cold nating convo bigla kang nagbago. At nalaman ko na lang sa mga tropa mong nagkabalikan na pala kayo ng ex mo. Hindi ko alam magiging reaction ko, kung maiiyak ba ako, magagalit o ano pa ba. Wala lang pala sayo yung sampung buwang nagsama tayo? Mga sweet nating convo? May nickname/ callsign pa tayo " mahal ko ❤️", kinakantahan mo pa ako tuwing ako'y nalulungkot, binibigyan mo pa ako ng chocolates at flowers kahit walang dahilan, lagi mo akong sinasamahan kahit saan, lagi kang nagsasabi na "mahal mo ako".

Pero wala, wala lang pala lahat ng yun para sayo 💔😭
Napagtanto kong mahal mo nga ako.
Pero mas mahal mo parin yung ex mo.
At ginamit mo lang pala ako.

-epk ❤️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang LabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon