--'Kakalimutan na kita,
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo.'Napatitig ako sa kisame ng aking kwarto at muli akong napatulala sa kawalan. Hay, ilang taon na rin pala ang lumipas. 4 or 5? Ang tagal na pala ano?
Napangiti ako nang mapait.
'Napagisipan mo na ba
Dahil kakalimutan na kita
Ito na..'Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo sa aking kama at tinitigan ko ang pigura ng aking sarili mula sa salamin. Magulong buhok. May malalaking eyebags. Medyo namayat. At medyo namamaga ang mga mata. Ganoon na ba ako kamiserable? Ganoon ko na ba napabayaan ang aking sarili? Muli, napangiti ako nang mapait.
Ikaw ba, okay ka lang ba dyan?
'Ito na.....'
Tumayo ako ang umupo ako sa harap ng salamin habang nakatitig pa din sa aking sarili hanggang sa nabaling ang aking atensyon isang sulok ng aking salamin kung saan may nakasabit na litrato dito. O masasabi ko nga bang, litrato mo?
"Ang ganda mo dito. Ang ganda ng ngiti mo dito." Sambit ko habang hinahaplos ang litrato mo.
"Sana, nasisilayan ko pa din 'tong ngiting to."
~
'Kakalimutan ko narin
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin..'"Paano kung hindi pala ako yung para sayo?" Bigla niyang tanong sakin. Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ayan ka nanaman, ang lawak nanaman ng isip mo. Kung saan saan nanaman nakakaabot utak mo. Hindi yon mangyayari kasi tayo hanggang dulo okay? Hindi ako nangangako but I'll do my best for us. Sana ikaw din." Sabay haplos ko sa buhok niya at nginitian ko siya.
"Ihhh. Nag aalala lang naman ako. Baka kasi mamaya----" at di ko na napigilang takpan ang bibig niya.
"Aish, never mangyayari yon okay? I love you." Sabay hinalikan ko siya sa noo para mawala ang pag iisip niya tungkol don kahit papaano.
"Hayyy, I love you too!! Basta dito lang ako palagi sa tabi mo okay?" Sabay kinindatan ako. Minsan di ko talaga maintindihan 'tong babaeng to.
"Halika na nga, malelate na tayo sa klase okay? Behave." Hinawakan ko na ang kamay niya para maglakad ulit.
"Aye aye, love!!" Masiglang sabi niya.
'Pati narin ang 'yong ngiti
At mga luha sa 'yong paghikbi
Ito na....'"Happy Anniversary, Love!!" Masiglang bati ko sa kanya pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pinto. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Ano 'to Love?? Bat may ganito??" Gulat na gulat pa din niyang tanong sakin.
"Uhm surprise? Kase ngayon lang kita nasurprise na wala ka talagang idea??" Sagot ko at kitang kita ko kung paano unti-unting nabuo ang napakagandang ngiti sa kanyang mga labi.
Ang saya ko. Sobrang saya ko para masilayan ang mga ngiting yon na alam kong ako ang dahilan. Kaya lumapit ako sa kanya at inabot sa kanya ang paborito niyang bulaklak. Mga magagandang rosas.
![](https://img.wattpad.com/cover/226883638-288-k376771.jpg)