Salamat Shopee

2 1 0
                                    

"Mam shopee po i2, lap8 q na po sa inyu."

I giggled when I read the text message from the delivery man sa shopee. After ilang weeks finally makukuha ko na yung inorder kong cellphone case na we bare bears!! Sobrang napatagal yung shipping kasi from overseas yung shop pero keribels na makukuha ko na siya ngayon.

"Ate, nandito na yung nagdedeliver!!" Agad akong napatakbo sa labas nung narinig kong sumigaw ang kapatid ko na nandon na daw si kuya.

"Hello po, Kuya!! Long time no see." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Hi Ma'am, ngayon ka na lang po kasi kayo ulit umorder hehe." Sabay kamot niya sa ulo at napangiti. Kilala na ko ni Kuya kasi nakaka ilang beses na siyang nag deliver samin dito kaka-order ko.

"Yup, ngayon nalang ulit nagka-time eh. Naging busy po kasi sa school. Nasan na po pala yung akin?" Sabay lumawak ang ngiti ko kay Kuya. Di naman halatang excited ako ano?

"Ay oo nga pala." Sabay naghalungkat na siya sa mga dala niyang mga order.

"Grabe Kuya dami niyong delivery ngayon ah?" Pansin ko kasing punong puno yung lalagyanan niya. Parang ako pa ata ang naunang napadalahan ng deliver.

"Oo nga Ma'am, dami po atang nag-order last week kaya nag sabay sabay ngayon. Eto na po pala yung inyo. Paki-pirmahan nalang po ulit." Sabay inabot na niya yung package at yung pipirmahan ko kaya pumirma at nagbayad na din ako.

"Thank you, Kuya!! Next time ulit hehe." Ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti sabay umalis na din. Marahil siguro dami pa niyang kailangan ideliver ngayong araw.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at nagtatakbo papunta sa kwarto ko para mabuksan na yung package ko. Sobrang cute kasi nung design ng cellphone case na nakita ko. Si Baby Ice Bear ang design tapos nakadila siya at naka look up tapos may mga mini heart sa ibabaw ng ulo niya tapos pink ang background color. Si Ice Bear kasi ang favorite ko sa tatlo pero love ko silang lahat.

"OMG. BAT HINDI SI ICE BEAR?" Agad na nawala ang ngiti at excitement ko nang makita kong si Panpan na may hawak na milktea at may maliliit na heart sa ibabaw ng ulo niya ang design ng case tapos color blue naman ang background color. Shet. Nagkamali ata ng design na pinadala ang seller. Triny ko siya sa phone ko. Sakto naman siya pero ang gusto ko talaga ay si Ice Bear. Napanguso ako.

"Ice Bear talaga gusto ko huhu. Pero buti nalang cute din 'to si Panpan." Ngumuso ulit ako. Ang hirap na kasi ipabago nung product at overseas kasi yon. Since kasya naman siya sa phone ko, hinayaan ko nalang. Next time siguro ayun nalang ulit oorderin ko. Nandito na kasi eh.

--

"Ma, alis na ko!!" Paalam ko kay Mama bago lumabas ng bahay.

"Okay sige. Hoy Jane mag-iingat ka ha!!" Sigaw naman ni Mama at um-oo nalang ako.

1 week na after nung nareceive ko yung wrong design ng case ko. Kakatapos lang kasi ng sembreak at ngayon ulit yung pasukan namin. Naglakad nalang ako palabas ng baranggay namin. Medyo nasa looban kasi kami kaya medyo may kalayuan mula sa sakayan.

Pagdating ko sa kanto ay saktong may nakaparadang jeep na nag-aabang ng mga pasahero.


"Kuya sa Bayan po ba?" Tanong ko sa driver.

"Opo Ma'am, sakay na po kayo." Kaya agad naman akong sumakay ng jeep. Medyo madami naman na din kasing pasahero kaya baka mapuno agad at mag aantay pa ko ulit ng panibagong jeep, mamaya malate pa ako sa class ko.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakapag bayad na ko at lahat, isa nalang ang bakante at mukhang papaalis na din ang jeep kasi hindi alam kung sakaling may sasakay pa. Naghahalungkat ako sa bag ko ng earphones nung maramdaman kong unti unti nang umaandar ang jeep.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon