Hinintay na namin si cyd dito sa room niya para sabay sabay na kaming kumain. Inilibot ko ang tingin sa room niya na parang ngayon lang ako nakapasok paano ba naman kasi ang linis linis naka organized lahat ng gamit, pinasok ko din ang dressing room niya at nakita ko yung mga damit niya sa closet pati yung mga make up niya, i remember when i was young i was clean and all my clothes were organized and my dressing room hmm i miss my youth.
Iba na kasi ang may pamilya compare sa dalaga pa at syempre hindi mo maiiwasan yung lagi kang nagmamadali kaya hindi na ako maayos ngayon sa mga gamit ko, pero hindi naman yung sobrang gulo sakto lang naman, buti nga hindi ako umabot sa puntong patin sarili ko hindi ko na naayos haha. Lumabas na ako at naupo sa bed ni cyd hanggang sa lumabas na siya.
Fast forward
Habang kumakain kami ay napansin ko naman na tahimik lang si cyd at patuloy lang siyang sumusubo sa kanyang kinakain kaya minabuti kong tanungin na siya.
"Cyd?"
"Yes ate?"
"Is there something wrong?"
"Ate kasi si nat nagtext sa akin."
"Oh? Edi replyan mo" sabi naman ni kuya.
"What? Anong sasabihin ko? Hindi ko alam, ni Hindi ko pa nga napag isipan yung sinabi niya"
"Ang dami mo naman ng sinabi, ano ba tinext sayo?"
" Nag goodmorning"
"Oh ayun lang naman pala eh edi mag goodmorning ka din" sabi ko naman.
"Ok?"
"Cyd, Kung liligawan kana niya sabihin mo sa amin ha? Tsaka siya dapat yung dadalaw sayo dito sa bahay para naman makilala namin siya ng mabuti kundi naman si nanay Belen ok?" Sabi ni kuya"
"Oo naman kuya, pero ate kuya do you think pwede ko na siyang payagan na manligaw?"
"It's your choice ading, support lang kami sa Kung anong gusto mo basta siguraduhin niya na di ka niya sasaktan at paiiyakin" kuya.
"Oo nga cyd, tsaka kung sakali man na magkaroon ng problema we're always here for you naman responsibilidad kana namin ngayong wala na sila mom and dad" sabi ko naman sa kanya habang naka ngiti.
"Ate kuya thanks for everything. Thank you kasi hindi niyo parin ako pinapabayaan"
"Ano kaba cyd, diba you're our baby sister? Pero ngayon kailangan mo ng maging independent kasi hindi pang habang buhay na nabubuhay kami dapat alam mo ang mga bawat galaw"
"Yeah, pero ate kuya paano kapag bumalik na kayo sa America?"
"Don't worry cyd papadalhan ka nalang namin ni ate mo ng monthly allowance mo at least 1000 dollars a month siguro?"
"Huh? Masyado naman atang marami yun kuya? Eh kapag nag convert ka dito nung dollars 50,000 na yun?"
"Eh what if kung 500 dollars nalang kaya kuya? Sakto na yun kay cyd 25,000 a month tsaka salitan tayo" sabi ko naman dahil masyadong malaki para kay cyd yung 50,000.
"Good idea Pauline, basta ang sa akin lang bawal magutim itong si cyd tsaka hindi ko I mean natin pababayaan si cyd, syempre ikaw din naman siguro?" Pagtatanong ni kuya.
"Oo naman! Basta para sa kanya haha"
Cyd's POV
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso kami sa living room para makapag kwentuhan. Habang nag kwekwentuhan kami nila ate at kuya ay bigla naman tumunog yung phone ko at nang tignan ko ito ay nakita kong nag text si nat.