Umahon na muna kami para kumain ng chips at syempre yung wine na nilabas ni kuya haha, Ito yung wine na lagi kong nakikita kapag may occasion dito sa bahay noon nung buhay pa si dad. Carlades mukhang masarap naman haha.
"Kuya masarap itong wine" sabi naman ni nat.
"Oo masarap talaga yan haha pero mas masarap kapag nilagyan mo ng sprite"
"Ma try nga haha"
"Oh Ann gusto mong tikman?" Pagtatanong naman ni ate.
"Hindi pa yan pwede ate haha!" Sabi ni nat.
"Sige na payagan mo na! Minsan lang naman to mangyayari haha!" Sabi naman ni kuya.
"Kuya nat, please! Gagawin ko lahat ng iuutos mo"
"Talaga lang ann ah?"
"Oo kuya promise!"
"Sige na!"
"Don't tell mom and dad ah?"
"Oo na, oo na"
"Yey! Haha!"
"Oh cheers!" Sabi naman ni ate.
After swimming
Umahon na kami dahil 10 na ng gabi at inayos na din namin yung mga kalat. Pumasok na kaming lahat sa bahay at dumiretso sa kitchen.
"Oh guys movie marathon?" Pagtatanong ni kuya.
"Luh si kuya anong panonoorin natin?" Pagtatanong ko.
"Kayo kung anog gusto niyong panoorin tsaka Netflix naman tayo"
"Kuya pwede ba yung 13 reasons why?" Tanong ko.
"Eh ang tanong napanood na ba nila yun?"
"Hindi pa kuya" sabi naman ni nat at ann.
"Ikaw pauline?" Pagtatanong ni kuya.
"Hindi pa kuya"
"Maganda daw yun kuya eh" sabi ko.
"Oh sige maligo na muna tayo tsaka tayo manood sa living room"
"Ok" sabi naming lahat
"Nat gamitin mo nalang yung guest room kundi pwede ka naman sa room ko" sabi ni kuya.
"Ay sa guest room nalang kuya para mabilis haha"
"Sige, Kung saan ka comfortable"
"Ann dun ka nalang sa room no ate cyd mo" sabi ni ate Pauline.
"Sige po ate"
Umakyat na kami sa mga kanya kanya naming kwarto tsaka na ako nag halungkat ng damit.
"Oh Ann kung gusto mo mauna kana sa banyo"
"Hindi sige ate ikaw na lilibutin ko muna itong room mo hahaha"
"Sige, galawin mo lang kung ano yung gusto mong galawin haha"
"Yun! Haha!"
"Punta ka sa dressing room ko"
"Sige te mamaya"
Tsaka na ako pumasok sa loob ng banyo para makaligo na din at para makanood na sa living room.
Ann's POV
Pagpasok ko sa room ni ate cyd ay namangha ako dahil sa sobrang linis at ni isang kalat wala kang makikita at carpet ang buong room niya kaya may sarili siyang slipper na pang kwarto talaga niya. Pinayagan naman niya akong libutin ang buong room niya kaya uumpisahan ko na ito hahaha.