Chapter 9 Sweets

108 8 7
                                    

Chapter 9 Sweets

***KAYE POV***

HINDI matigil sa pagtaas ang butihin kong kilay. I shouldn't be on this kind of place. But these two notorious twins pulled me and make me do some inhumane things.

"It's kinda sweet! I don't want this!" Nakangusong angal ni Ryu, inumang niya ang hawak na cookies sa kakambal na enjoy na enjoy sa kinakain. "Open your mouth my beloved brother,"

Leo willingly opened his mouth and joyfully eats what Ryu offered to him.

"I really love this cookies," masayang wika ni Leo habang abala ang mga kamay sa pagkuha ng na bake kong pagkain.

Nanghihinang sinapo ko ang sariling mukha. I can't believe that I end this way. Matapos akong ma-corner ng dalawang kambal tuko na ito, itinapon nila ako sa kusina at pinilit na gawan sila ng pagkain. I don't want too, but they lock the door. The only way that I can get out is to bake them a food that suits their taste. Putik! Sa bahay ng matandang hukluban na iyon, hindi ako nagagawi sa kusina, pero nang dahil sa dalawang ito nakahawak ako ng gamit sa pagluluto. Darn!

"It's too sweet right? I can't take it B1." Nakangusong reklamo ni Ryu. Ang mga mata ay nasa kakambal na abala sa pagngatngat ng niluto ko. His eyes were on the food. Pansin ko napapalunok din siya. Habang si Leo na maganang kumakain, hindi ko makita na masaya siya sa ginagawa. Are they tricking me?

Nag-isang guhit ang mga kilay ko. May naaamoy yata ako na hindi maganda dito. Ayon sa school magazine, mahilig sa matatamis si Leo, samantalang taliwas naman ang kakambal nito. But students saw these two eating sweet stuffs. None of them can determine the Mondejar twins, neither their co-class S classmates. Something's telling me that they're planning to trick me.

"Masarap naman a," Leo widened his smile.

"No it's not!" Ryu continue pouting. Nangalumbaba siya saka patuloy na pinagmasdan ang nananahimik na kambal.

Huminga ako ng malalim bago tahimik na nilapitan ang cookies. Kumuha ako ng isa doon. Hindi nila ako maloloko.

"Hey," I pat Ryu's shoulder.

"What?" he innocently asked.

"May nakasabit sa ngipin mo," walang anumang sabi ko.

"Huh?" eksaktong pagkanganga niya. Isinilid ko sa bunganga niya ang isang piraso ng cookie. Marahil nagulat siya sa ginawa ko, nagbalak siyang iluwa iyon.

"Eat!" I glared at him.

"But I don't eat cookies!" Reklamo niya, pilit na kinakain ang inumang ko sa bibig niya.

"Huwag kang puro reklamo. Lunukin mo iyang lahat." Sunod kong binalingan si Leo na napakamasid sa akin. Walang pasabing kinuha ko ang tray ng cookies.

"Hey!"

"Don't force yourself to eat." Inilapag ko ang tray sa harapan ni Ryu. Kanina ko pa napapansin ang pasimple niyang pagngiwi. Halata na napipilitan lang kumain.

"But I want to eat cookies. It's my favorite though," Leo pouted.

Nagpitikan ang ugat ko sa ulo. Ako pa talaga pinagloloko ng dalawang kurimaw na ito. Akala yata nila pauuto ako? Alam ko ang pakiramdam na pinipilit lang sarili sa bagay na ayaw mo. You may look happy outside but inside it's not.

Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili. Isang kilong self-control ang kailangan ko sa mga sandaling ito.

"Hey Leo!" I said.

"Hmm?" he took one cookie. Mabilis kong tinapik ang daliri niya. "What?"

"Huwag mong kainin!" angil ko, hindi siya nilulubayan ng masamang tingin. "Alam ko na ayaw mo ng matamis. Sasakit tiyan mo sa kakapilit mo!"

The Class S Students DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon