Chapter 2 "I Challenge You!"

287 31 0
                                    

Chapter 2 "I Challenge You!"

***KAYE POV***
PANAY ang takbo ng ilang question marks sa utak ko. E kasi naman. Ang daming taong nakatumpok tapos parang ano, para bang may pinapanood silang shooting.

May filming ba ngayon?

Dahil ipinanganak akong dinikitan ng curiosity sa katawan. Nakisiksik na rin ako. Kung mga artista ito, lalayas ako kaagad, hindi kasi ako mahilig sa mga iyon. You know na. Topakin kasi akong tao.

"Excuse me..." *siksik*

"Ay, ano ba yan?!" angal ng naapakan ko. Ang laki kasi ng paa e. Dahil wala akong balak mag-explain nagpatuloy lang ako sa kakasiksik.

"Tabi-tabi..." *siksik*

"Ano ba?!"

"Makikidaan." *siksik*

"Hey!"

"Excuse me ulit." Nakahinga talaga ako ng maluwag nang nasa unahan na ako. Ang galing ko no? Ganyan talaga kapag ipinanganak kang payat. Laking advantage.

Hihi! Tama na nga ang pagmamayabang kong ito. Kailangan ko pang makiusyuso?

Teka! Nagsalubong ng husto ang mga kilay ko, kasi naman, may nakikita akong hindi maganda rito. Hindi ko mapigilan ang magtaka. Lalo na nang mapatitig ako sa babaeng nakaupo sa sahig. Tapos para bang umiiyak ito?

Tinitigan ko ng maigi ang pagmumukha ng mga lalaking kaharap ng babaeng nakaupo, ang pagkakaiba ay nakatayo ang mga ito. Sila ang mga tao kanina, yung dinudumog. Kaso parang mas dumami sila ngayon.

Kinamot ko ang ulo ko.

May filming nga ba rito? Ang tindi ng scenes e! May mga nakatayo at nakaupo. Tapos may umiiyak!

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan ko ngunit wala talaga kong makitang camera o kaya naman camera man. Puro estudiyante lahat ang naririto. Muli kong tinitigan ang mga nasa gitna, ang mga nilalang na kaharap ng babaeng nakaupo sa sahig. 'Yong umiiyak. Sa kakatitig ko, napatingin ako sa lasong nakatali sa leeg nila.

"Gold?" mahinang anas ko. Pasimple kong sinulyapan ang sa akin. Red ang kulay. Yung iba naman sa tabi ko ay Blue. Muli akong tumingin sa harap, doon sa babaeng nakaupo sa sahig. Green ang sa kanya.

Nagkamali lang sa pagbigay ng ribbon? Bakit naging rainbow ang kabuuan?

"Kawawa naman siya."

"Bakit kasi hinamon pa niya yung Mr. Perfect dito?"

Napatingin ako sa dalawang nagbubulungan. Sobrang curious na talaga ako dito. Kanina ko pa naririnig ang hamon thingy na iyan.

"Hindi kasi gumagamit ng utak."

"Sana nanahimik na lang siya."

Darn! I can't take it anymore!

"Miss, ano ba 'yong tinutukoy ninyong hamon na iyan?" hindi mapigilang tanong ko doon kay bubuyog one. Hindi ko kasi alam ang pangalan kaya naman makibubuyog na lang ako. Total hindi naman niya ito malalaman maliban na lang kung nakakabasa siya ng utak.

Saglit na nagtinginan ang dalawang bubuyog. Tapos tiningnan ang sa bandang dibdib ko. Sinundan ko naman iyon ng tingin. Wala akong ibang makita, flat chested ako e.

"Red ribbon... you belong to low class." wika ni bubuyog two.

"Low class?" Hindi ko sila ma-gets!

The Class S Students DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon