Avery's POV
NASA headquarters kami ngayon ng mga kagrupo ko, sa pagkakabasa nyo pa lang nang headquarters e malalaman nyo ng hindi kami ordinaryong tao,
May nga missions kaming ginagawa, malamang kase agent kami..
We kill people, if we need too..
So hanggat maaari ay iniiwasan namin yon ng mga kagrupo ko, sampo kami sa isang grupo, pitong babae tapos tatlong lalaki.
Dahil nga nasa headquarters ako, kasama ko mga ka-team ko, kukuha kami ng mga light missions ngayon, kase baka next week i-assign na kami sa mga hard missions na yan, minsan hindi kami nagkakasama ng mga ka-team ko kase nga may kanya kanya kaming misyon, minsan naman magkakasama kame lalo na pagsobrang hirap. Pag hard missions ang gagawin namin, minsan inaabot kami ng buwan bago matapos yon.
“Kelly,” agad naman akong napatingin kay Kendra nang tawagin nya ko, sisteret ko.. in-short kapatid.
“Oh,”
“Feeling ko magkasama tayo next mission,” inirapan ko lang sya at dumiretso sa kwarto ko dito sa headquarters, yes may mga kwarto na kami dito kasi nga dahil sa misyon hindi na kami nakakauwi.
Wala nadin namang kaming pamilya ni Kendra, patay na. Pinatay nang mga masasamang tao, Kase diba agent kami pati sila nadamay, kaya sinisisi padin namin sarili namin sa nangyari. Kase yung ibang tao naprotektahan namin, pero yung magulang namin hindi.
Ngumiti ako nang malungkot, humiga sa kama at tinignan ang mga nakasabit na baril. Meron akong isang baril na hindi pa nagagamit, kahit isang beses. Di ko alam kung saan ko magagamit yon.
“Kelly! May misyon tayo sa mall,” pagpasok ni Kendra sa kwarto, napatingin ako sa kanya ng sinabi nya yon, ano na naman kaya ang nangyayari sa mall?
“Huh?” tanong ko sa kanya.
“May nabaril na isang guard, sa likod ng mall dumaan tapos diba may sanglaan ng pera doon? dun sila pumunta. Tumulong yung guard kaso nabaril, nandun pa din yung mga holdaper, at meron silang limang hostage,” pagpapaliwanag nya saken. Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.
Halos araw araw na lang may gantong krimen na nangyayari, dahil walang pangkain sa pamilya. Bat' ba hindi na lang sila kumuha ng magandang trabaho??
Inis akong tumayo at kinuha ang black jacket ko tsaka sinuot, kinuha ko ang isang baril at nilagay sa likod ko. Sinuot ko na din ang black boots ko. Tsaka lumabas ng kwarto.
Nakita ko naman na nagreready na ang mga kagrupo ko, si Marilane na inaayos yung sniper nya. Si Riza na hawak yung balisong nya, at si Daena na hawak yung dalawang baril.
Si Kendra ang medic namin, pero marunong din sya makipaglaban. Nag aral kase sya ng doctor kaya ayon. Basta!
“Let's go girls.” aya ko, pumasok kami sa van at pinaandar na ni Daena pamuntang mall.
Nang makarating sa mall, sinabihan ko na sila na mag-kanya kanya na ng pwesto, si Mari pumwesto na sa malayo para i-ready yung sniper nya. Si Riza at Daena naman tinutulungan nang ilabas yung mga tao. Si Kendra kasama ko.
Sinabihan ko si Kendra na maging alerto sa mga mangyayari. Sinabi din Mari na ok na sya at naka-pwesto na. Tinignan ko ang mga holdaper at ng makitang walo sila, naoahinga ako ng malalim. Lalo na nung nakita ko yung mga hostage nila. Dalawang senior citizen, isang nanay na hawak yung anak nyang limang taong gulanh na umiiyak, at yunh hawak nyang sanggol.
Tangina!
Pano ko makakagawa ng move kung may mga bata? sanggol pa yung isa. Dahil naka civilian lang din naman ang suot namin, akala nila normal na tao lang kami.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko, at naglakad papalapit sa mga holdaper, narinig kong napasinghap ang iba, ang iba naman ay nagbubulungan na. Iniisip siguro na siraulo ako.
“Nasisiraan kana ba ng ulo? Baka pati ikaw mapahamak!”
“Miss! wag kana lumapit!”
“Nababaliw kana ba??”
Dire-diretso pa din ako at hindi pinansin ang mga taong nagsasalita, ang iingay!
“Hoy miss nasisiraan kana ba? Haha,” sabi ng isang holdaper.
“Pakawalan nyo na mga hostage nyo, ako na lang saktan nyo.” walang emosyong sabi ko.
Napatawa naman ng malakas yung isang lalaking may hawak ng kutsilyo sabay tutok sa bata. Nag-init naman agad ulo ko sa ginawa nya, pero kinalmahan ko pa din. Baka kase lalong mapahamak yung bata pagkumilos ako.
Pinagmasdan ko kung ilang baril ang hawak nila. Nakita kong may lima silang baril at yung iba kutsilyo.
Dahil nasa harap pa din nila ako na nakataas ang kamay, hindi nila napansin si Daena, Riza at Kendra na nasa likudan na nila, dalawang baril ang hawak ni Daena kaya ang isa ay pinangpukpok nya sa isang lalaking nasa tabi ng dalawang matanda. Si Riza naman in-armlock nya yung lalaking nagbabantay sa babaeng may hawak na sanggol. At si Kendra naman sinipa sa ulo yung lalaking malapit sa kanila.
Dahil sa ginawa nila napatingin ang iba pang mga holdaper. Mabilis na hinatak nila Daena ang mga hostage at tinago sa gilid ng pader malapit sa cr. Mabilis akong lumapit sa lalaking nakatutok ang ang kutsilyo sa bata, hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at hinatak sya palapit sakin, sabay suntok sa mukha. Sa sobrang pikon ko na knock out ko sya.
Mabilis kong hinila ang bata palapit sakin at tinago sa likod ko nakita ko ang apat na naglabas ng baril, apat nalang sila dahil napatumba na nila Daena yung iba. Tinutukan ako ng isang lalaki ng baril, habang ako hawak ko sa isang kamay ko ang bata ang isang kamay ko naman ay nasa likod hawak ang nakatagong baril.
Nagbagsakan ang tatlong kasama nya dahil binaril ata ni Mari gamit ang sniper nya. Tinapatan ko din ng baril ang lalaking holdaper na nasa harap ko, Magkatutukan kami ng baril. Ang iba ay kinakabahan dahil sa bata na nasa likod ko.
Bumilang ako ng dalawa at sinipa ang kamay nya. Nang tumalsik amg baril nya ay agad kong binitawan ang bata at umikot ikot habang sinisipa ang muka nya. Nang huling sipa ko, bumulagta na sya sa sahig.
Pagkatapos non ay binigay kona ang bata sa nanay nya at tinawag na ang mga kagrupo ko, at tinawagan na ang mga pulid para linisin na ang mga nangyari.
Pagdating sa headquarters, agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo. Nagpalit ako ng white shirt crop top at short tsaka humiga sa kama at natulog.
______
YOU ARE READING
His Protector
ActionKelly Haze Samson is an agent, meron syang misyon na kailangang gawin.. ang protektahan ang isang artista sa mga naiinggit dito o sa mga may galit dito, paano kung sa misyon na ito ay mahulog ang loob nya sa pinoprotektahan?