Kelly's POV
NANG magising ako ay lumabas na ako ng kwarto para mag-almusal, Sunday ngayon at pahinga ng team ko. It means na wala kaming misyon na gagawin.
Nakita ko si Riza na nagluluto ng almusal, sya kasi ang cook namin dito kase di naman kami marunong magluto. Si Mari naman ay naglalatag na ng plato tinutulungan sya ni Kendra. Si Daena siguro tulog pa dahil hindi ko pa sya nakikita.
“Goodmorning girl,” bati sakin nila Kendra, nginitian ko naman sila tsaka dumiretso sa hapag-kainan.
“Tulog pa din ata si Daena, gigisingin ko na!” wika ni Mari at pumasok na sa kwarto ni Daena.
Nang lumabas sila Daena sa kwarto ay kumain na kami ng agahan. At habang kumakain ay nag-uusap usap kami kung saan kami gagala ngayon. Tuwing Sunday kase ay lumalabas kami ng grupo,
“Sa mall tayo guys, balita ko may fan meeting ang FBZ,” sabi ni Riza na nagdedaydream ata.
“Nako Riza, crush mo lang si Sean e!” irap ni Daena sa kanya. Ang FBZ kase isa syang grupo ng artista na kinababaliwan ng mga babae. Ewan ko ba pero pati ako napapa-fangirl na rin. Magaganda kase mga mensahe ng kanta nila. Basta ganon!
“Ano mall na lang?” pags-sure ni Kendra, tumango naman kami at kumain na.
Pagtapos kumain ay naghanda na kami para pumunta sa gym, mag-gym muna kase kami bago kami mag-mall may dala naman kaming sasakyan magpapalit na lang kami pagkatapos mag-gym. I wear a white nike boxer bra and black leggings, and a nike rubber shoes. I also bun my hair, at lumabas na para harapin ang mga kaibigan.
Nang ready na ang lahat ay lumabas na kami at sumakay sa mercedes ko. Ako ang driver since sakin tong sasakyan. “Shet, excited na kong makita si Sean!! Huhu,” ani Riza
“Paganda ka muna ng katawan mo girl,” pangbabara ni Daena, natawa naman ako sa sinabi nya totoo naman kase saming lima kase si Riza lang ang walang abs. Pero sexy naman sya wala lang abs.
“Epal ka sis? Porket crush mo si Troy?”
“Hala crush mo si Yuan Troy??!” oa na sabi ng kapatid ko. Hindi ko naman kase sila ganon kilala kaya o.p talaga ako sa mga usapan nila!
OUT OF PLACE!!
Siguro magtatanong na lang ako sa kanila about sa FBZ para mas lalo ko pang makilala, ganern. “Kwentuhan nyo ko about FBZ!! I wanna know them more!!” sabi ni Mari. Buti naman nagtanong sya.
“Ok! Ok!” masiglang sabi ni Riza, fangirl talaga sya ng FBZ.
“Si Raze Marcus Montero sya yung leader ng FBZ, 26 years-old,” sabay pakita ng picture napatango tango naman ako. He's handsome, maputi at may dimple!
“Ito naman si Jazz Kin Salvador, 27 year-old. sya pinakamatanda sa kanilang pito. Ito naman si Sean Cruz 26 years-old den, sumunod kay Jazz na matanda. Tas ito naman si Jhenzen Madrigal 26 years-old den,” sabi nya sabay pakita ulit ng mga picture. Ang popogi nila! grabe may nga ganyang muka pa pala dito? Hindi lang looks may brain pa! Gifted, sanaol.
“Itong lalaking to, si Zeke Cohen Martinez 25 years old, ito yung crush ni Kendra! si Cohen pinakamaliit sa kanila pero mas matangkad padin satin, kamusta naman yung iba diba? mga higante,” daldal ni Riza. She knows them better huh? nagresearch talaga sya.
“At eto na, HAHAHAHAHA!! Si Yuan Troy Kim 24 years old, pinakapoginsa lahat at pinaka crush ni Daena! HAHAHAHAHAHAHA,” pang-aasar ni Riza kay Daena na sinamaan naman sya ng tingin.
YOU ARE READING
His Protector
ActionKelly Haze Samson is an agent, meron syang misyon na kailangang gawin.. ang protektahan ang isang artista sa mga naiinggit dito o sa mga may galit dito, paano kung sa misyon na ito ay mahulog ang loob nya sa pinoprotektahan?