Apat Lima

3 0 0
                                    

‘Kalayaan’ halos limang beses na inulit ng boses na naririnig ko sa aking isipan bago ako tuluyang magising at matauhan sa paligid ko na di ko mapamilyaran. Sa isang silid, una kong napansin ang dalawang nagbibigay ng liwanag, ang bintana at ang bumbilya na kukurap na. Kung titignan ang bintana ay halos walang makikita sa labas, kung bubuksan ay baka mauna pa ang mga daliri kong dumugo dahil sa nakapakong nitong hawakan.

Matatakutin ako ngunit magagawa kong maging kalmado. Tama, hindi naman ako nakagapos, kaya magagawa kong pagmasdan ang bawat bagay sa silid ng malapitan.

Ang bawat pader sa paligid ko ay gawa sa kahoy. Naramdaman ko sa aking paghawak, hindi biniyayaan ng kapal ngunit may sinasabi ang aking isip na bawal mag ingay sapagkat baka marinig ng anumang posibleng nasa kabila nito. Ang pinto ay mahina kong sinubukan na buksan ngunit ayaw umobra.

Nakarinig ako ng mahinang tatlong katok mula sa kahoy na pader. May isang segundong kalayuan bago niya gamitin ang kaniyang daliri upang gumawa ng tatlong mabilis na tunog, kasunod ay tatlong kamot sa pader at kaniyang inulit ang tatlong mabilis na tunog; ‘SOS’.

Nilapitan ko ang pinanggagalingan ng tunog at sinagot ko sa pamamagitan ng tatlong mahinang katok. Nang marinig niya ang aking tugon, patuloy siyang gumawa ng mahihinang patuldok na tunog at kamot sa pader,

“May papel akong ibibigay mamaya. Paa ang gamitin mo sa pagtanggap nito.”

Ang huling kalmot na tila nabigla ay sinundan ng malalaking mga yapak na papalapit sa pintuan ng silid. Binuksan ng sinuman ang pinto.

Ang kaniyang mukha ay natatakpan ng maskarang malinis ngunit nakakatawang tignan, wala siyang hawak na kahit ano na pwedeng makasakit sa akin. Wala siyang sinabi na kahit ano, ngunit alam ko na sa sarili ko sa ganitong sitwasyon…kailagan kong sumunod na lamang. Napatingin ako sa baba, hindi ko magawang tignan ang taong ito sa kaniyang mata.

Habang sinusundan ko siya ay sinubukan kong mag tapang-tapangan “Nasaan tayo?”

“Sa bahay….natin.” Mukhang hindi totoong boses ng tao ang lumabas. Ako’y nagtataka sa kaniyang sagot ngunit doon ko na nilabas ang natitira kong tapang para sa araw na iyo. Kung magtatanong pa ako ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.

Nakarating kami sa silid-kainan ng ‘bahay’ na ito. Nakatayo ang nagmumukhang katulong, siya’y lumapit at ako’y pinaupo. Aking nabatid ang pasimpleng paghulog ng katulong  ng isang papel. Ang nakamaskara naman ay dumeretso sa katabing silid, natapakan niya ang papel, sa awa ng diyos ay hindi ito lumayo.

Tinitignan ako ng katulong. Lumilingon lingon siya sa nakabukas na pinto at halatang kinakabahan. Inabot ko ang aking paa sa papel.

Nagbalik ang nakamaskara at mabilis kong hinila ang aking paa pabalik habang nasa ilalim ng aking yapak ang papel.

Aray, Tumama ang paa ng lamesa sa aking hita! N-napansin ba niya…Katapusan ko na ba?

Lumapit ang nakamaskara, alam ko kahit iniiwasan ko ng tingin, may hawak siya.

Isa…dalawa…tatlong yapak, katabi ko na siya.

At nag lapag ng baso ng kape sa aking harapan.

Tinitigan ko muna ang inumin bago ko hawakan ang baso gamit ang mga nanginginig kong kamay. Hinihintay nilang dalawa na inumin ko ang baso ngunit sa sobrang takot ko ay baka maisuka ko lamang ang kape “Ayaw ko,” aking winika.

“Kung ganoon, bumalik ka nalang sa iyong kwarto.” Ang wika ng nakamaskara. Sinunod ko ang payo nito. Bago ako tumayo, naramdaman ko ang papel at naglakad papalayo, pasimpleng kinakaladkad ang papel at binalikan ang mga daanan….

….Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa silid kung saan ako nagising, sa aking pagpunta sa silid kainan ay nakatingin ako sa paanan ng aking sinusundan. Ngunit ngayo’y napagmamasdan ko ang bawat pasilyo, nakakandado ang mga pinto, sa maling hawak ay isa isang mag iingay ang bakal at kadena. Pareparehas ang mga bintana, wala kang makikita sa labas. Sa pagbalik ko sa silid ay kusang nagsarado at hindi ko na mabuksan ang pintuan.

Apat LimaWhere stories live. Discover now