Prologue

39 2 0
                                    

P R O L O G U E

"Willow?! Willowww wake up!" I can't open my eyes. Sobrang bigat nanaman ng katawan ko.

"Mmm" Maiintindihan yan ni mama. Hanggang maging eighty years old ako, yan na siguro linya ko.

"Willow...alam kong pagod ka nanaman pero anak....ilang weeks ka nang 'di pumapasok" Ilang araw na ba akong di pumapasok? 'Di ko na matandaan. Lagi kasi akong uma-absent para matulog sa napaka lambot kong kama.

"Wake up or I'll tell your dad----" I stopped her by throwing my pillow. Opo, alam kong bad 'yon. Pero nag kusa na ang katawan kong gawin 'yon.

"Ain't scared ma" Malungkot na lumabas si mama. I felt sorry for her. Hindi naman kasi ako ganito dati.

I don't know bakit ako nagkaganito. Sa school tinatawag na nila akong 'The Walking Corpse' tsk! Malay ko ba Kung bakit ako ganito...hindi naman ako broken hearted. Gumising lang naman ako one day tapos ayaw ko na agad mag aral at mabuhay. Dali-dali akong nag suot ng hoodie at magtatangka na sanang lumabas pero hinarang ako ni mama.

"Ano?" Tanong ko ng walang emosyon. Trust me, ayaw kong ginaganito si mama, pero- kusa ko nalang nagagawa.

"Hindi ka maliligo?" Tanong ni mama na para bang nandidiri siya sa akin.
Pero para lang akong walang paki. Wala namang namamatay sa baho. Ganito na ako ka walang interes.

"A-hhh anak kumain ka na lang muna." Kahit buong araw yata akong hindi kumain...di ako magugutom. Something's wrong with me but ...I don't wanna know. Takot ako. Pero alam ko, hindi ako depressed.

"Mukhang di ka nanaman mag sasalita. S-sige mag ingat ka nalang sa daan". She looks disappointed. Sino ba namang ina matutuwa na ganito ang anak nila.

Tinahak ko na ang daan papuntang Mabuhay University...tsk mabuti pa university namin may buhay!

"OMG is that Willow?" Napalingon ako sa isang babae na akala mo naka kita ng artista na tinanggal sa entertainment industry.

"The Walking Corpse'" May isa naman na parang nandidiri talaga siya sa akin. Inaano ba kita?

"Two weeks siyang nawala" two weeks na pala akong di pumapasok? Parang nagka amnesia yata ako ah.

"Crush ko pa naman siya dati nong naliligo pa siya." Tsk! Pati ba naman pag ligo napansin niyo pa? Teka, artista kaya ako dati?

Lumiko ako papunta sana sa values park...oo, para makatulog sana kaso mukhang maraming hadlang sa mga plano ko simula pa kaninang umaga. Gusto ko lang naman matulog ng sobranggg himbing.

"Whoiii tisoy!" Tawag sakin ng boses na sa naaalala koy muntik ng nagpabagsak sakin dati. Good boy ako dati ih, tropa ko lang ang hindi.

"Mm" Ewan kung pepe naba ako ...sadiyang feeling ko pagod na pagod ako lagi na pati mag salita di ko kaya. Pero ang sigla naman ng utak ko, pero yong katawan ko ayaw makipag cooperate sa akin.

"Brad tisoy musta na?" Tanong ni KRAL sabay tapik sa balikat ko.  King Rei Andrie Luis, KRAL for short!
Yong pangalawa ay si Roise Cortez. Mga barkada ko sila.

"Whoi! Na miss ka namin mag salita ka naman." Pinilit kong ngumiti pero di ko kaya...'weird'! Sorry Kral!

"I'ma li'l tired" umakto na akong maglakad kaso hinila ni Roise ang bag ko...may dala pala akong bag? Kailan ko to sinuot?

"Let go Roise" Cold kong sabi pero di niya ginawa. Kailan ba ako naging cold mysterious ferson?

"Papasok ka sa klase....I don't know what's happening to you, but don't ruin your self like this." Seryosong Sabi ni Roise at agad akong hinila papuntang room. Wow, nice line galing sa number 1 sa cutting classes.

Masiyadong maraming bulong bulongan tungkol sakin...What happened to me? Gumising ako sa loob ng kwarto ko that time, tapos naging sobrang tamlay ko na.

"Sabihin niyo nga...may amnesia ba ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa na nasa harap ko habang ako ay heto walang katabi at mas okay Naman yon! Baka ma amoy nila ako ih.

"Pfff" Pigil tawa silang dalawa na ikinakunot ng noo ko. Seryoso akong nag tatanong ih.

"Pareng tisoy...anong drama yan? " Pabirong sabi ni Kral. Ewan! Sinipa ko nalang ang bangko nilang dalawa.

Pinilit ko nalang isipin kong ano ba talagang nangyari sa akin, at bakit hindi nagtutugma ang isip at kilos ko.

-next-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yellow HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon