"Cza, dalian mo naman!"
Ano ba naman kasi, eh! Kung tumawag muna siya saakin na may lakad pala kami, edi sana nakapag ready man lang ako at deretso alis na kami.
"Wait lang!" sigaw ko.
Sinuot ko nalang 'yong white plain V-neck t-shirt ko at pinartneran ng denim na pants. Nag black flats nalang din ako, dahil kung mag he-heels pa ako sasakit lang ang paa ko at dadagdag lang sa stress ko.
Mabilis kung tinali ang layered shoulder length kong buhok nang pa bun. May mga hibla na kumakawala sa pagkatali ko pero hinayaan ko nalang.
Nang mukha naman na akong presentable, agad akong lumabas ng kwarto at pinuntahan sa sala si Jadelyn, my best friend na nang bubulabog sa bahay ko.
We're friends since high school up until now that we are finally reaching our goals. Nasaksihan namin ang pagabot ng pangarap ng isa't isa. Though, noong nag college kami, kinailangan niyang pumuntang states dahil nandoon ang tita niya. But hindi naman iyon naging hadlang para mag tuloy ang friendship namin.
Jadelyn, owns a boutique clothing and has currently 15 branch nationwide and may mga underconstraction pa siyang store sa ibang lugar. While me, I'm doing everything just to be a succesful actress.
"Hoy, madam artista. Buti natapos ka," sarcastic niyang sabi at tinaasan ako ng kilay.
"Kung sinabihan mo ako, edi sana ready to go na tayo at hindi na ikaw mag aantay pa," nakabusangot kong sagot.
Napatingin naman ako sa suot niya. "Anong suot 'yan? I mean bagay sayo, you look hot, actually. Pero hindi ba masyadong revealing?"
Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang black fitted lace dress na kitang kita ang cleavage niya. At parang unting galaw lang niya ay makikitaan na siya ng underwear niya dahil sa iksi.
"Duh, nagmula na sa'yo, 'di ba? I look hot, so what's the problem?" maarte niyang sabi at sabay flip sa mahaba niyang buhok na nakalugay.
"Whatever, saan ba tayo pupunta?"
Unti unting kumurba ang nakakalukong ngiti sa labi niya.
"It's a suprise, pag sinabi ko sa'yo walang trill. And I know you will have fun there."Naglakad na kami palabas ng bahay at sumakay sa black Mercedes-Benz niya na nakapark sa harap ng bahay. Sosyal talaga ang babaeng 'to!
****
"We're here!" energetic niyang anunsyo at bumaba na siya ng kotse. Hindi man lang ako inantay makababa.
Bumaba rin ako at hindi maatam ang nakikita ko ngayon. Narito lang naman kami sa lugar na ayaw na ayaw kong puntahan.
"Ja, bakit tayo andito?" naiinis kong sabi.
"What? 'Di ka pa rin ba move on? You told me nakapag move on kana. Girl it's been 10 years, I'm sure hindi na siya affected pa. So brace yourself." Inakbayan niya ako at naglakad na papasok sa elegateng restaurant.
Hindi ko inakala at hindi ko maatam na naka apak muli ako sa resto na ito, makalipas ang sampung taon.
"Nagugutom ka ba? Bat tayo nandito? At saka baka may makakita saakin dito," hindi mapakali kong sabi.
"Unti lang ang mga tao dito at bakit ba hindi ka mapakali riyan? At saka nakalimutan mo na ba?"
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Anong nakalimutan?" naguguluhang tanong ko.
Napairap naman siya at pumamewang. "Ito 'yong reunion ng mga high school friends natin. Alam kong hindi ka pumayag nung tinanong kita no'ng nakaraan pero ayan gumawa na ako ng paraan." May pa beautiful eyes pa siyang nalalaman, akala naman niya madadali niya ako dahil do'n.
YOU ARE READING
The Betrayal
Short StoryAs what they said, "the most painful betrayal are from the people whom you trust the most." So becareful to who you trust.