JOELLE
"JO, CATCH!", agad kong sinalo ang susi ng kotse na binato ni Zenon sakin.
"Salamat" saka ko sya nginitian at agad na pumasok sa sasakyan.
"Ang daming nagbago at ang laki ng pinagbago", huminga ako ng malalim at saka pinaharurot ang sasakyan. Mahaba ang binyahe ko kanina papunta dito sa Pinas, ngayon babyahe naman ako ng halos limang oras para makarating sa bayan ng Koronadal. Di ko na ininda ang jetlag na nararamdaman ko ngayon. Tumingin ako sa rear mirror ng sasakyan, nakita kong nakasunod si Zenon gamit ang kanyang Toyota Vios.
Sa loob ng labindalawang taon, ito na ang pinakahihintay ko. Ang tamang panahon. Tamang panahon ng paniningil. Humigpit ang pagkahawak ko sa manibela at saka mas pinabilis ang pagpatakbo ng minamaneho kong Hilux. Di ko parin makalimutan ang lahat ng nangyari. Preskong presko parin sa utak ko. Ngayon, oras nalang ang bibilangin ko at makarating na ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Nakatayo ako ngayon sa labas ng kotse, tinatanaw mula sa kalayuan ang dalawang palapag na bahay. Habang hinihintay ko si Zenon, ay pinagmasdan kong ito mabuti. Ang laki ng pinagbago pero ang ala-ala ng nakaraan ay hindi parin nagbago.
Napatingin ako sa likod ng narinig kong bumusina si Zenon. Kaya agad ako pumasok ulit sa Hilux at sinundan sya. Tatlong minuto bago kami nakarating sa mismong harapan ng bahay.
Pagkababa ko ng sasakyan ay sakto namang binababa ni Zenon ang mga bagahe na dala ko. Tatlong malalaki at dalawang maliliit na maleta lang naman. Nanigurado na ako dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ko sa lugar na to.
"Solid tong mga bagaheng dala mo ah. Siguro dito kana titira no?"
"Depende. Kung gaano kabilis matapos ang mga gagawin ko dito." sagot ko sa kanya saka kinuha ang dalawang maliit ng bagahe dahil kitang kita sa mukha nya na nabibigatan sya.
"Bumalik ka lang ba dito para dyan?" tanong nya ng maipasok nya lahat ng bagahe sa loob ng bahay.
"May iba pa bang rason?" saka ako tumingin sa kanya ng nakangisi.
"Syempre meron." tiningnan ko sya ng kuwestyonable. "Ako!" sabay turo sa sarili nya.
Napailing ako sa kanya. "Tss. Sira ka talaga kahit kelan".
Matapos akong tulungan ni Zenon ay naghanda na sya ng pagkain na binili nya kanina sa isang resto na nadaanan nya. Pagkatapos ng dinner ay agad na rin sya nagpaalam sakin.
"Z, Salamat sa pagsundo mo kanina at pagtulong sakin dito ah". Nandito kami ngayon sa labas dahil hinatid ko lang naman sya sa kanyang sasakyan.
"No problem, Jo. Basta ikaw. You can count on me always."
"Sige, salamat ulit" saka ko sya niyakap.
"Oo na. Magpahinga ka na rin at bukas alam kong marami ka pang gagawin." kumalas na ako sa yakap at pumasok naman sya sa sasakyan.
"Ingat ka ha." Ngumiti sya sakin at nagsalute. Tinanaw ko ang sasakyan nya hanggang sa di ko na makita.
Bumalik na ako sa loob at naghalf bath. Alam kong dapat na akong magpahinga pero parang di pa naman ako inaantok kaya kumuha ako ng alak at yelo sa kusina at saka umakyat sa second floor ng bahay kung saan nandun ang terrace. Naglagay ako ng kunting alak sa baso na may yelo at saka tinanaw ang buong bayan ng Koronadal. Malinawag ang buwan, maraming bituin, maingay ang huni ng mga kuliglig. Isang maliit na bayan pero masasabi mong moderno. Bayan na pinamumunuan ng mga malalaking pangalan.
Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko sa malayo ang isang malaking bahay. Maliwanag ito dahil na rin mismo sa maraming ilaw na nakasindi. Tumalim ang tingin ko sa bahay na iyon at parang may namumuong galit sa puso ko na di ko maintindihan. Humigpit ang pagkahawak ko sa baso at saka nilagok ang alak na laman nito.
BINABASA MO ANG
ELIZONDO SERIES: Joelle [GL-sapphics]
General FictionBumalik si Joelle Elizondo sa bayan ng Koronadal hindi para magbakasyon kundi para maningil. At sa kanyang paghahanda ay matatagpuan nya ang isang malaking hadlang at posibleng sisira sa kanyang mga plano. Rhianne Versoza will be her biggest distrac...