JOELLE
"Bakit J-jayden?" gulat na tanong ni Rico sa babaeng investor na nakasagupa ko.
"I just want to confirm something, Rico." sagot naman nito saka tumingin sa akin. "Don't worry, Rhianne is safe. Ni lamok nga hindi dumapo dyan." she said and then she winked at me.
Maya-maya ay may dumating na mga pulis kasama si Samuelle. Pagkakita nila sa amin ay sininyasahan ng isang pulis ang tatlong kasama nito na ibaba ang mga baril na nakatutok sa amin.
"I told you, she's safe." sabi ng isang pulis kay Rico na sa tingin ko ay may mataas na rangko. Binasa ko ang apilyedong nakaburda sa uniporme nito. Cordoves.
"Shut up, Xylor!" sagot naman ni Rico.
"I'm sorry dear, but you are arrested sa salang pagkidnap kay Ms. Rhianne Verzosa." agad na pinusasan ni Samuelle si Jayden. Napansin ko ang tensyon sa dalawa ngunit binalewala ko na lamang ito. "Ano pang tinutunganga niyo, dalhin nyo na to sa prisento.", utos ni Samuelle sa mga pulis kaya agad naman itong kinaladkad palabas.
Narating namin ang bahay ni Rico nang hindi parin nagigising si Rhianne kaya hinayaan nalang muna namin ito na makapagpahinga sa kanyang kwarto.
"Salamat nga pala." sabi nito habang kumukuha ng Jack Daniel at dalawang baso. Nandito kami ngayon sa kanyang entertainment room.
"Someone texted me pagkaalis mo ng bahay kanina na nasa isang abandonadong resto si Rhianne kaya sa kanya ka dapat magpasalamat."
Tumawa lamang ito sa sinabi ko. "Di ka parin talaga nagbabago." he patted my head after he gave me a glass na may lamang brandy.
Nilibot ko ang kabuuan ng entertainment room at kinuha ang isang dart pin na nakadikit sa board nito at bumalik sa puwesto kung saan nakasandal si Rico sa billiard table.
"Syanga pala Rico, that investor I mean Jayden." lumagok muna ako ng brandy bago nagpatuloy, "sino sya? Bakit nya dinukot ang kapatid mo?"
Tiningnan muna nya ako ng seryoso bago nagsalita, "I don't know why she did that. Yan din ang gusto kong malaman kung bakit nya dinamay si Rhianne. "
"Dinamay?" kunot-noo kong tanong.
"Alam kong malaki ang galit nya kay Daddy. Pero hindi ko inakalang idadamay nya ang kapatid ko sa paghihiganti nya."
"Kung ganon, plano nya rin pala ang pag-invest sa kumpanya ninyo."
"Hindi ko alam."
"Kung totoong naghihigante nga sya, posibleng sya ang pumapatay sa mga nababalitaang biktima. Ano ang pakay nya sa Daddy mo? At sino ang nag-uutos sa kanya?" hindi nakasagot si Rico dahil mas pinili nitong manahimik. Hindi rin mahirap basahin ang expression nito kaya alam kong may alam sya tungkol sa mga plano ni Jayden. Ngunit pinili ko na rin na wag nang makiusisa pa. Ang importante, maliban sa amin ay may ideya na rin ako kung sino pa ang may galit kay Alejandro.
Napahinga ito ng malalim bago nagsalita, "si Jayden.. hindi sya yung tipo ng tao na nagsasabi ng mga plano nya. Kaya kahit gaano ko pa ka gustong tanungin sya, alam kong wala rin akong mapapala sa kanya."
"Kung ganon, kilala mo nga talaga sya?" saka ko ibinato ang kanina ko pang hawak na dart pin sa board nito. Tango lang din ang naisagot ni Rico sa akin.
"Can I have a favor?" tiningnan ko lamang ito habang nagsasalin ng alak sa baso. "Can you be with Rhianne tonight? May kakausapin lang ako. Babalik naman ako bukas at isa pa may tiwala ako sayo."
Hindi na ako sumagot dahil alam kong ipipilit rin naman ni Rico na bantayan ko ang kapatid nya kahit na tanggihan ko pa ang pabor nito.
Nandito ako ngayon sa isa sa mga guest room kung saan napagitnaan ito ng kuwarto ni Rico at kuwarto kung saan natutulog si Rhianne sa ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagigising. Sigurado akong bukas pagkagising nya ay wala syang maalala sa nangyari dahil sa gamot na nalanghap nito.
BINABASA MO ANG
ELIZONDO SERIES: Joelle [GL-sapphics]
General FictionBumalik si Joelle Elizondo sa bayan ng Koronadal hindi para magbakasyon kundi para maningil. At sa kanyang paghahanda ay matatagpuan nya ang isang malaking hadlang at posibleng sisira sa kanyang mga plano. Rhianne Versoza will be her biggest distrac...