o1

10 0 0
                                    

Hi guys!
I know that there are so many bored here because of quarantine, kaya naman naisipan kong gumawa ng story na medyo related naman sa sitwasyon natin. I also want to make my quarantined life into productive that's why ginawa ko itong story na ito. And also, gusto kong ma-lighten up naman itong sitwasyon natin ngayon kahit sa story lang na ito. Our world is now surrounded by negativities kaya naman I wanted this story to be full of positivity and fun hehe.
Puro ka kemehan ko lang po ito kaya patawarin niya na'ko if di niyo magustohan 'tong storyang 'to.

Although this story is related to our current situation, this story is still a fiction story. All places, characters and etc. are product by my fictional manner.

Typographical and grammatical errors ahead!

Ps. Writing a story is not my thing so please bare with me, peace!

******

"Ma, okay lang po ako dito sa dorm. May mga stocks pa po ako dito tsaka palagi naman pong nagbibigay ng mga pagkain yung mga staffs ng school namin" sagot ko kay Mama sa kabilang linya.

"Ganun ba anak, nako salamat naman sa Diyos at okay kalang diyan. Ba't kasi nahuli ka ng lockdown eh yan tuloy na stranded ka diyan sa campus niyo" sabi ni Mama na may pagtatampong tono.

Natawa nalang ako sa inasal ng mudra ko. Kaya mahal na mahal ko 'tong mudra ko eh. Swerte ko talaga kaya wala na akong mahihiling pa.

Ay jowa nalang pala hinihiling ko. Sad.

Natapos na yung tawagan namin ni Mama kaya naligo nako dahil lalabas ako ng dorm ngayon para bumili ng napkin.

Pagminalas nga naman ako. Crisis na crisis tapos nakiki crisis din 'tong regla ko. Putahe naman kasi eh. Naka ubos na ako ng dalawang pack ng napkin pero di parin natigil regla ko. Pag ako talaga masampal ng kabobohan, gawin ko'tong diguan tas ipapakain ko sa mga ibang studyante, nang sa ganon may iba naman silang maulam kesa puro sardinas nalang. Charot.

Baka naman po sa mga sponsors jan ng school namin, baka naman pedeng isama niyo nadin yung napkin. Palitan niyo ng isang pack ng napkin yung isang lata ng Mega Sardines, please :<

Pagkatapos 'kong maligo ay sinuot ko na ang mask ko then bumaba na para pumunta ng cafeteria. Sana naman may napkin pa doon. Cross fingers.

"Ate, pabili nga po ng napkin. Yung Whisper with wings" mahinang sabi ko kay ateng tindera.

May pogi kasi sa akong katabi, bali 1 meter yung layu namin kasi social distancing. Nakakahiya pag marinig niyang bumibili ako ng napkin. Ang awkward kaya.

"Nako Ma'am wala na eh. Ubos na yung napkin" medyo malakas na sabi ng tindera.

Napa face palm nalang ako sa isipan ko. Gusto ko sanang mag face palm kaso naka mask ako tapos bawal hawakan yung mukha kaya naman sa imagination ko nalang ginawa.

"Ganon ba ateng? Ubos na yung napkin? Sge. Thankyou ateng ha?" sarcastic kong sabi kay ate sabay irap.

Ambad pero nakakainis kasi si ateng may kilay na parang dinaanan lang ng brown na eyebrow pencil eh.

Nako pano na'to. Feeling ko may jellyfish na down there kaya alam kung puno na yung mahiwagang tissue ko doon. Putaheng jellyfish!

A-Not-So-COVID19-Lovestory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon