Pagkatapos ng zumba ay agad akong umalis doon sa gym at pumunta dito sa park ng campus. Gusto ko kasing maka singhap nang fresh air. Puro kasi carbon dioxide yung nalanghap ko kanina dahil sa suot kong mask, kaya ngayon kinuha ko muna yung mask ko. Wala namang tao dito kaya safe maghubad ng mask.
Hingal akong napa upo sa isa sa mga benches dito sa campus namin. Kakatapos lang ng zumba namin at sobrang pawis na pawis ako. Feeling ko ito dapat yung pawis ko na hindi ko nailabas 2 days ago.
Wala ako sa mood lumandi kay Ricardo. Bitter ako.
Sino ba kasi yung hindot na lumapit kay Ricardo kanina? Nawala tuloy yung mood ko. Epal nung babaeng may liptint na kulay pink.
Mygod 2020 na pero ang jejemon padin ng kulay ng lips ni ate. Pink na pink. Okay lang sana kung medyo may pagka nude yung pink ng liptint niya.
Kaso nagmukhang neon pink eh.Putaheng pink lips nayan. Lakas makapanira ng araw.
Nagmuni-muni ako habang naka tingin sa fishpond na puro palaka nalang nakatira.
Isa pa itong fishpond dito sa park eh. Lakas din makasira ng araw.
Asan na mga isda dito? Kinain ba ng mga palaka or nag evolved na sila into palaka?
Haynako. Iba na talaga magagawa ng selos. Kung ano-ano nalang pinag iisip. Kasalan to ng hindot na pink-lips-jejemon eh.
Sino ba kasi yun? Ba't ang close close nila ni Ricardo?
"Hey Letecia!"
Napalingon agad ako sa likod ko.
Pesti.
Andito na naman itong english speaking na palaka. Tigas tigas naman ng mukha nito. Di ata maka get over sa pangbabasted ko sa kanya.
"Oh?" Walang gana kong sagot sa parating na si Sebastian.
Trip ako nito simula palang nung 2nd week of the class. Ka batch ko siya kaso di kami magka same ng course. Civil Engineering siya, same as Ricado babes.
"Mind if I sit beside you?" Ma english niyang paalam.
Napataas ko nalang kilay ko.
Isa sa mga reasons kung bakit ko siya binasted ay dahil sa pagiging englishero niya. Pogi naman siya kaso english siya ng english. Not my type.
I can't imagine na magkaroon ng jowa na english ng english. Pano nalang pag mag aaway kami? Diba? Baka mag aaway lang kami lalo kasi di kami magkakaintindihan.
Di naman ako bobo sa english. Sadyang di lang talaga ako ma english na tao, masakit sa brain eh.
"Hey!" Pagpukaw ni Sebastian sakin.
"Bawal, doon ka sa kabila. Dami daming upuan dito, makitabi kapa sakin. Di kaba inform sa physical distancing ha?" Maldita kong sabi.
Naiirita talaga ako sa lalaking to. Sabing wag na siya malapit lapit at lalong wag na niya akong kausapin eh.
Halatang nabaliw na siya sa kagandahan ko. Omg
"Oh! My bad. Nevermind. I see you're not in the mood huh? I'll go back to my dorm then. I just want to say hi cause I missed you already. Just chat me if you want some companion, a'right?. I'm always available, just for you babe." Sabay wink sakin.
Ito na naman po siya Ma'am/ Ser. Nasobrahan ata to sa math at puro numero nalang nasa utak nito. Di niya talaga siguro ako naiintidahan.
Gusto niyang englishin ko pa siya ha! Nako namumura nako sa tigas ng ulo nito.
"You know what Sebastian? You're getting into my nerves na talaga. Why can't you understand my reasons ba ha? I told you so many times that you're not my type diba? So please, don't bother me na anymore. I have a jowa na and he's so possessive over me so please do understand me na jusko." Madrama kong pagsisinungaling.
Nadala na talaga ako ng emosyon kaya nagiging conyo nako. Please don't judge my cringeyness.
Nagiging blanko naman ang hitsura niya.
Ops. He's scary po mga ser. Omg
"No Letecia. You're mine, okay? You're mine. Only mine!" Sabay talikod niya sakin.
Ano?!
Wow ha. Naunahan pa akong mag walk out ni kuya.
Nako po. Baliw na talaga ato to sakin. Nagiging creepy na siya. Poging creepy.
Lord, alam ko pong jowang jowa nako pero wag naman po sanang si Sebastian magiging jowa ko. Hindi ko po talaga siya type Lord. Mauubosan po ako ng english vocabulary pag siya po magiging jowa ko. Maawa po kayo Lord. Atsaka, 2nd year civil engineering po gusto ko hindi 1st year huhu.
Amen.
BINABASA MO ANG
A-Not-So-COVID19-Lovestory
Humor'Di inaasahan ni Leticia(NBSB na atat na magkajowa) na sa pagiging stranded niya sa campus nila dahil sa COVID-19 ay makakahanap siya ng magiging jowabels niya.