Pesti.
Ang boring!
Di ata ako mamatay ng dahil sa COVID-19 eh. Mamatay ata ako sa sobrang pagka bored nito.
Gusto ko nang magpunta ng mall para magpa aircon at makilibre ng wifi. Gusto ko ng new environment. Gusto ko ng milktea. Gusto ko ng maka uwi samin. Gusto ko ng makalabas dito sa campus namin.
GUSTO KO NG JOWA! GUSTO KO NG CIVIL ENGINEERING! GUSTO KO NG ISANG RICARDO!
Jowain mo nako Ricardo huhuh.
Charot.
Wala pa palang improvement na nagaganap saming dalawa. Hindi niya pa din na aaccept yung friend request ko sa kanya sa FB.
Hindi niya din na seen yung DM ko sa kanya sa IG.
At wala din siyang twitter.
Di ko pa siya malandi landi kahit sa social media man lang!
Alam kong ang desperada ko ng tignan. Pero mga gurls, ayaw ko ng magpatumpik tumpik pa! Baka maunahan pako ng mga hindot jan sa tabi tabi.
I know na single pa si Ricardo babes kasi wala namang naka in-relationship sa kanya sa mga social medias niya at wala din akong nakitang pic ng ibang babae sa mga posts niya. Puro picture niya lang, at madalas naka topless siya.
Ahh blessing!
Kasalukuyan akong naka tambay sa FB wall ni Ricardo ngayon.
Wala lang, tamang stalk lang ganun. Ang boring eh. Di ako maka netflix kasi parang pagong yung free wifi dito sa dorm namin.
May nanunuod siguro ng p*rn kaya ang lag ng wifi ngayon.
Nako alam na. Matic mga boys na. Boring pa naman ngayon kasi bawal muna kaming lumabas sa dorm namin kasi nag ddisenfect yung campus, as in whole campus talaga.
I wonder tuloy kung anong pinag gagawa ni Ricardo babes ngayon hihih.
Aalis na sana ako sa FB at mag titingin tingin nalang sana ako sa Shopee na akala mo naman may bibilhin, ng biglang nag pop yung notification ko sa FB.
Ricardo Ramos accepted your friend request
Agad namang nanglaki ang mata ko sa nabasa.
OMG!
"SALAMAT SHOPEE! " Parang baliw kong kinikilig na sigaw.
Nagtatalon talon ako sa kama ko ng bigla akong may narinig na parang may na crack.
Ops. Muntik ko na atang magiba tong kama ko hahaha.
Nakita kong online si Ricardo. Nagtatalo yung kalandian at ego ko.
Gusto nang kalandian side ko na e chat ko na si Ricardo at gusto naman ng ego side ko na wag muna para di ako magmukhang desperada.
Di ko alam kung san sa dalawang side ako susunod.
Kaya naman sinunod ko nalang ang sabi ng puso ko.
"Go Letecia! E chat mo na gurl! Follow what your heart's desire!"
Eto na! E chachat ko na!
Letecia: hi Ricardo! 🥰
Ang tagal namang e seen ni Ricardo babes. Busy ba siya? May ka chat ba siyang iba?
Huhuhu. Ang sakit. How could he do this to me?
*ting*
Ricardo: hELlo Letecia
Ahh.
hELlo?
Ang jejemon naman po mga ser.
Baka typo lang si babes hehe. Okay lang yan Letecia. Don't be discourage. Typo lang siguro.
Cheer up!
Ricardo: hello*
Ayun! Typo lang naman pala. Sus. Kala ko tuloy jejemon warrior si babes, sayang kung ganun.
Ricardo: sorry typo, pasmado lang haha
Letecia: okay lang, gawa mo po?
Ricardo: ito kakatapos ko lang mag ML
Ricardo: why? May kailangan ka?
Ang seryoso naman ni babes masyado. Pano ka ba to malandi? Parang nawala yung kalandian ko eh. Nahihiya bigla ako.
Arghh Ricardo. Ladiin mo nako parang awa mo na!
Ricardo: vc tayo, okay lang?
"SALAMAT ULIT SHOPEE! LAZADA! FOOD PANDA!"
Wish granted lang mga cyst! Ito na bayun?
Ganito ba lumandi ang isang 2nd year Civil Engineering?
Ganito ba lumandi ang isang Ricardo Ramos?
Mag rereply na sana ako nang biglang nagchat ulit si Ricardo.
Ricardo: sorry wrong sent
Yawa.
BINABASA MO ANG
A-Not-So-COVID19-Lovestory
Humor'Di inaasahan ni Leticia(NBSB na atat na magkajowa) na sa pagiging stranded niya sa campus nila dahil sa COVID-19 ay makakahanap siya ng magiging jowabels niya.