Chapter 18: Perfect Match

6.9K 386 223
                                    

Blake's POV

Nag-aalala na talaga ako. Sobra kasi akong na-guilty sa nagawa ko kahapon. Nakalimutan ko na 1st monthsary nga pala namin ni Hibiki.

Actually kasi, hindi ko rin naman talaga matandaan kung kailan ba naging kami.

Hindi ko rin naman expected na he wanted to celebrate a monthsary kasi for me, mas prefer ko na anniversary na lang ang i-celebrate.

I'm too busy with my job but he's right. I shouldn't forget. Sobra tuloy ang konsensya ko. Kahapon pa siya hindi sumasagot sa mga tawag ko.

I need to fix this...

Ayoko na palipasin ang sama ng loob niya sa akin at baka mamaya may mangyari pa na hindi maganda.

Baka kasi mamaya, kung ano na ang tunatakbo sa utak niya. Ang hirap pa naman basahin ni Hibiki kasi kung ano-ano ang iniisip niya.

Nasa hospital ako ngayon kasi may duty pa ako. I will visit him na lang after ng work ko. Medyo lutang tuloy ako ngayon kasi iniisip ko siya.

"Is there something bothering you?"

Natauhan tuloy ako bigla at nandito pala si Dr. Luther. Napansin na rin pala niya na malalim ang iniisip ko.

He smiled...

"Nag-away kayo?" Tanong niya.

I just looked away...

"Kasalanan ko naman. Nakalimutan ko kasi kahapon na 1st monthsary pala namin tapos nag-effort pa siya."

Nagulat ako dahil biglang sinuntok ni Luther ang balikat ko. Ang sakit ah!

"Aray ko naman!"

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Suyuin mo! Baka lalong magtampo sa'yo sige ka!" Banta niya.

"Eh may work pa ako. I will just visit him after ng duty ko," sabi ko na lang.

"What the heck, Blake? Kahapon pa ang tampuhan niyo tapos mamaya mo pa aayusin? Lalong maiinis 'yun sa'yo! Sige na, umalis ka na!"

"Huh? May duty pa ako!" Sabi ko.

"What's more important to you?"

Napaisip tuloy ako sa tanong niya. Tama siya, mas importante na ayusin ko kaagad ang tampuhan namin ni Hibiki.

Ang tagal kong hiniling na dumating siya sa buhay ko tapos ganito lang ang gagawin ko sa kanya.

"Go! Ako na ang bahala na magsabi kay Yani na aalis ka!"

Napangiti na lang ako...

"Thank you..."

Umuwi na kaagad ako at nagbihis. Kailangan kong bumawi kay Hibiki.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Kahit na may nagawa akong mali sa kanila dati, pinatawad at tinanggap pa nila ako.

Pumunta na lang ako muna sa mall at bumili ako ng flowers para sa kanya. Hindi ko sure kung magugustuhan niya pero, gusto ko lang na bigyan siya nito.

I realized na siya palagi ang ma-effort sa aming dalawa. Hindi ko man lang mapantayan ang effort niya sa akin.

Kailangan ko talagang bumawi...

Pagdating ko sa mansion niya  ay pinapasok naman kaagad ako kasi kilala na ako ng guards niya.

Tinanong ko na lang ang maids niya kung nasaan si Hibiki. Hindi raw pumasok sa work, nasa kwarto lang.

Grabe pala siya magtampo...

Pumunta na lang ako sa kwarto niya at kumatok ako pero walang sumagot. Sinubukan ko na buksan at hindi naman pala naka-lock.

My Dangerous BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon