Hindi na ulit ako magpapakatanga. Yan ang mga katagang paulit ulit kong itinatatak sa aking puso't isipan dahil mahirap nang maging tanga ulit, mahirap na magpakatanga ulit lalo pa't sa iisang tao lamang.
Ngunit taksil ang aking puso muli itong umibig, umibig na naman ito sa iisang tao, sa iisang taong habol ako ng habol hanggang sa napagod at natumba ako ngunit hindi man lang ito nakaisip na huminto't saluhin ako sa aking pagkatumba.
Sa iisang taong handa ako maging desperada ulit mapasaakin lamang siya. Ngunit nabigo ako, nabigo ako mapasaakin siya sapagkat ito'y pagmamay na ng iba, pagmamay ari na ng taong importante sa akin, pagmamay ari na siya ng taong minahal ko ng sobra, taong minsan ko na din naging sandalan sa lahat ng bagay, ang taong gusto ko mapasaakin ay pagmamay ari na ngayon ng matalik kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang Tangang Nagparaya
PoésieAng tulang ito ay para sa mag taong handang maging tanga, desperada, marupok. Ito po ang kauna unahang tula na aking sinulat. Sana po magustuhan niyo.