Linggo ng umaga ngayon dito sa lugar kung saan laging maingay, marumi, makalat at magulo naman ang mga tao. Abalang-abala si Ethopia sa paglalaba sa labas ng bahay nilang mumunti pero kung ikukumpara sa mga bahay dito ay pinaka maganda ang kanila. Pakanta-kanta lang sya ng paborito nyang kanta mula sa ini-idolo nyang sikat na grupo ng mga lalake sa South Korea. Mag ta-tatlong taon na syang fan nito pero ni-isa sa dalawang concert nila dito sa Pilipinas ay hindi pa sya nakarating at nakanuod ng live dahil sa responsibilidad na ibinigay ng nanay nya. Nabadtrip lang sya sa pag iisip tungkol sa buhay nya kaya naman tumigil na sya sa pag kanta at nag focus sa labada nya.
"Hoy EW!!!!! Tumigil ka muna sa paglalaba, daliiiiiiiii!" Nagpantig ang mga tenga nya nang marinig ang boses ng kanyang matalik na kaibigan dahil tinawag na naman sya nito sa pangalang ayaw nya. Marahas nyang winisik at tinanggal ang mga bula sa kamay pati sa braso nya sabay tumayo nang hindi man lang ini-inda ang sakit ng balakang nya.
"T*ngina mong Daniella ka! Hindi ba't sinabi kong 'wag na 'wag mo akong tatawaging EW?! Ang aga pa para maging tanga, Ethopia itawag mo sa'kin!" Umupo ulit sya ng padabog at hinanap ang baretang lumubog sa tubig na may bula, nagsimula syang mag kusot. Napansin nyang tumakbo papalapit sa kanya si Daniella pero pinabayaan nya lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Ang aga-aga pa pero binabadtrip na ako nitong kaibigan ko. Sabi nya sa isip nya sabay napa-irap sa hangin nang bigla syang akbayan ng matalik na kaibigan, "Papalampasin ko muna yang mura na yan. Tignan mo muna kasi yung nandun sa gilid ng kalsada sa labas ng lugar natin!" Hinihigit sya nito kaya naman medyo nasasakal sya. Pinalo nya ang kamay nito para maalis sa leeg nya, "Ano ba yun?! Ikuwento mo na lang sa'kin. Nakita mong may ginagawa ako eh, leche."Kasabay ng init ng panahon ang init ng ulo nya ngayon.
Inirapan lang sya ng kaibigan at muling nagsalita, "Hindi ko kasi sigurado kung sila ba talaga yun o hindi, kaya tinawag kita para pumunta dun," Tumayo si Daniella at hinila ang kamay ng kanyang kaibigang nakasimangot pa rin, "Halika na!" Inagaw naman agad ni Ethiopa ang kamay nya, dahilan para mainis sa kanya si Daniella, "Sumama ka na kasi sa'kin bago pa kita hampasin!" Tinignan lang ito ni Ethopia ng blangkong ekspresyonpero halatang nagpipigil ng inis, "Please Ethopia! PLEASE?! Baka umalis na sila dun!"
Pinagpag nya ang kanyang damit at inayos ang pagkakatali sa kanya mahabang buhok. Suko na sya sa pag tanggi kay Daniella dahil siguradong kukulitin lang sya nito. Hinayaan nyang hilain sya ng kaibigan palabas ng lugar nila. Malapit lang naman ang labasan kaya nakita agad nila ang mga nagtitiliang babae sa gilid ng kalsada at ang mga magagarang kulay itim at puting sasakyan na nakaparada dito, "Taragis ang ingay ah! Sino bang nandito?! Parang napaka-sikat naman nyan?!" Singhal nya kay Daniella dahil sa sobrang ingay. Hindi sya napansin nito dahil panay tingin sa daan na pwedeng singitan nila.
Nasagot ang katanungan nya nang may sumigaw na isang batang babae na nagmula sa harapan, "EXO yan diba? EXO nga! Tatawagin ko si ate!" Mas narinig nya ang mga sigaw ng ibang babae ng nasa gitna na sila.
"Kyaaaa! Grabe, ang gwapo mo talaga Se Huuuun!"
"Eeeeehh!! Ang tangkad ni Su Ho kesa sa'kin!!!"
"Bakit maputi si Kai kumapara sa'tin bebs?! Bakiiiiit?! Pero ang hot nya bebs, tignan mo ohhh."
Napatigil sya sa paglalakad dahil sa gulat. Nasa isip nyang nagbibiro lang ang batang narinig nya kanina pero imposibleng magbiro ang mga babaeng sumigaw rin kanina. Nang matauhan ay kusang gumalaw ang mga paa nya at nauna na sya sa kanyang kaibigan. Nang makarating na sya sa harapan ay hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kinalabit sya ng kaibigan na hingal na hingal, "D-diba, sila y-yan? H-hah, Sila yung idol mo?" Hindi nya pinansin ang tanong ng kaibigan.
Nakita nya ang sampung lalake na nasa harapan at kumakaway ito sa mga taong nandoon. Casual lang ang suot ng mga ito. May mga staffs at camera man na nasa tabi nila at kinukuhanan ang mga taong napakasayang makita sila sa personal. Napalunok sya ng makita nya si Chan Yeol na nakikipag kulitan kay Xiu Min. Naka jeans, black v-neck shirt at naka tsinelas lang ito, parang mag gagala lang. Pero bakit sila nandito? Sa ganitong lugar pa? Tanong nya sa sarili at kumurap-kurap ng ilang beses. Napasara sya ng bibig ng makita nyang tumingin sa kanya si Chan Yeol at kumaway habang nakangiti. Naramdaman nyang nag init ang kanyang mga pisngi kaya naman nilingon nya ang kaibigan na kanina pa kilig na kilig at kaway ng kaway sa mga lalakeng nasa harapan, "EW, ang gwapo pala talaga nila noh, akala ko--"
"Daning, kurutin mo nga 'tong pisngi ko," Tinuro nya ang pisngi ng para wala sa sarili at nanlaki ang mga mata nya ng sampalin sya nito imbis na kurutin. Sinapo nya ang kaliwang pisngi ng nakasimangot, "Bakit mo ginawa 'yon?! Puny*ta! Kurot lang sabi!"
"Para yan sa pag mumura mo sa'kin kanina at sa pag tawag mo sa'kin ng Daning! Ang panget kaya!" Hindi nya pinansin ang pag mamaktol ng kaibigan at tumingin lang ulit sa sampung gwapong lalake na galing South Korea, "So totoo pala, pero bakit? Bakit sila nandito?" Paulit-ulit na tanong nya sa kanyang sarili. Sinampal nya ang kanyang pisngi, sa kanan naman ngayon. Nakaramdam lang siya ng sakit at naririnig nya pa rin ang hiyawan ng mga babae sa likuran nya. Nasa harapan nya pa rin ang mga lalakeng hindi nya inaakalang pupunta sa lugar nila.
BINABASA MO ANG
Impossible? Impossible! [EXO FF]
FanfictionMakakasama ko sa totoong buhay ang mga ini-idolo ko at dito pa talaga sa squaters area?! That's Impossible! - Ethopia Letto Watanabe