KABANATA II

29 1 0
                                    

Kasalukuyang aliw na aliw sa panunuod si Ethopia ng paborito nyang Anime na Kaichuwa Maid Sama sa kanyang kwarto. Tama lang ang laki ng kwarto para sa kanya. Sa harap ng kama nyang pang-dalawahang tao ay nakapwesto ang television na pinapanuoran nya, katabi nito ang maliit na cabinet na may salamin. Malapit sa bintanang tama lang laki ang kanyang kama kaya naman hindi na nya kelangang buksan ang ilaw para lang makapanuod ng maayos.

Hindi mo maiisip na nasa squatter's area sila kapag nasa loob ka ng kanilang bahay. Dating nag tatrabaho ang nanay nila sa ibang bansa at nakapangasawa ito ng dayuhan kaya naman nakapundar sila ng magandang tirahan, hindi nga lang maganda ang pinagpwestuhan. Gawa sa semento ang bahay nila at mayroong tatlong palapag. Hindi ito kasing laki ng pang mayamang bahay. May limang kwarto ang meron dito bukod sa kusina, hapag-kainan, sala, at banyo; Ang pinaka-unang kwarto ay para sa kanilang nanay, ang medyo malaking kwarto ay para sa kanyang mga kapatid na sina Heyurr at Paper; Ang sumunod ay ang kay Magdalene, katabi naman ng kwarto ni Ethopia ang kwarto ni Beethoven.

"Psh! Bakit ba laging sunod ng sunod itong limang ugok na 'to kay Misaki?! Naiirita na tuloy si Usui!" Reklamo nya nang makitang hinahabol ulit nung limang lalake si Misaki sabay bato ng unan sa televisiong nasa harapan nya at saka kumuha ng Pringles sa lalagyan nito. Namilog ang mga singkit nyang mata nang mapansin nyang umaalog ang tv at para itong mahuhulog sa kahit anong oras lamang. Agad syang bumaba para saluhin ang tv ngunit huli na ang lahat.

Nawala ang kanyang balanse kaya naman ulo ang sumalo dito imbis na ang dalawa nyang kamay. Nadaganan sya nito habang nakadapa, "A-ARAAAAAY! PUNYEMAS NA TV 'TO! ARAY! TANGINA ANG SAKIT! ARGH!" Hindi pa nakakatayo si Ethopia nang makarinig sya ng tatlong sunod-sunod at malalakas ng katok, "Hoy Ethopia! Ano na namang kawirduhan ang ginagawa mo dyan?!" Hindi nya naramdaman ang sakit ng ulo nang marinig nya ang boses ng nanay nya sa halip ay uminit ang ulo nya at agad napatayo. Kumatok ulit ng malakas ang nanay nya, "Umagang umaga sinasapian ka na naman! Lumabas ka na dyan at maghanda ka na ng almusal nyo ng mga kapatid mo! Peste!"

Hindi nya pinansin ang sinabi ng nanay nya ng maramdaman nya ang sakit ng ulo nya at naupo sa kama, "Bwisit," napailing na lang sya habang sinasapo ang likurang bahagi ng ulo nya. Tumayo na sya at inayos sa pagkakalagay ang tv.

Lumabas na sya para ihanda ang almusal nilang magkakapatid. Agad syang nakarinig ng kantang pang-Koreyano, mukhang malapit lang ang lugar kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Pumunta muna sya sa hapag-kainan upang tignan kung anong niluto ng kanilang nanay subalit nakita nya lang ang platong pinagkainan nito. Walang anumang ulam o kanin ang nakalagay sa lamesa. Napasimangot lang si Ethopia dahil sa nakita. Parang walang mga anak eh noh, tss. Walang kwenta.

Matapos nyang lutuin ang hotcake at ipagtimpla ng gatas ang mga kapatid ay umakyat sya sa pangalawang palapag para tawagin si Heyurr at Paper. Pag pasok nya ay nakita nyang mahimbing pa ang tulog ng mga ito. Umupo sya sa kama at sinimulang gisingin sila, "Heyurr... Paper... Gising na, nagluto si ate ng paborito nyong hotcake!" Gumising si Heyurr at kinukusot-kusot ang mata nya, "Good morning ate Ethopia!" Niyakap sya nito at binati naman nya. Sumunod naman nyang pinuntahan ang kwarto ni Beethoven at Magdalene.

Nado lovey dovey dovey oh oh oh oh~

Lalong lumakas ang tugtog na naririnig nya kanina pa habang papalapit sya ng papalapit sa kwarto ng mga kapatid. Pagkatapat nya sa pintuan ay agad nya itong binuksan. Nakita nya si Magdalene na ginagaya ang sayaw na nagpe-play sa tablet nitong nakalagay sa maliit na lamesa, napansin nyang wala dito si Beethoven.

Kumaripas ng takbo si Magdalene para ihinto ang video nang mapansin nya ang kanyang ate, "At anong tinatanga-tanga mo dyan? Bakit ka nandito?" Mataray na tanong ni Magdalene kay Ethopia. Nagulat si Ethopia nang marinig ang sinabi ng kapatid kaya naman nilapitan nya ito para tabigin ang braso, "Kailan ka pa natutong murahin ang ate mo ha?" Itinabi muna ni Magdalene ang tablet na hawak nya atsaka lumapit para sumagot, "Simula noong nalaman kong kapatid kita sa ina."

Hindi na lang nya pinansin ang sinabi ng kapatid. Tinignan nya ang paligid atsaka bumalik sa pakikipag usap dito, "Nasaan si Beethoven?" Tinalikuran sya ni Magdalene at umupo sa kama para magsuklay, "Nasa banyo, naliligo."

"Ganun ba? Sige pakisabi na lang bilisan nya naihain ko na yung almusal natin," Bago sya lumabas ay narinig nyang nag-tss ito.

Pagkatapos gawin ang dapat gawin sa bahay. Lumabas muna si Ethopia para puntahan ang bestfriend niyang si Daniella kanilang tambayan malapit sa kanto. Naramdaman nyang umakbay sa kanya kaya naman agad nyang pinilipit ang braso nito, "Ah! Putangina ang sakit! O-oy tama na Pia!" Daing ng lalakeng umakbay sa kanya, si Paolo. Isa sa mga kabarkada nyang may gusto sa kanya.

Binatukan ni Ethopia ang lalake at sinigawan, "Eh leche ka eh! Sinong nag sabi sayong akbayan mo ako ha?! Dyan ka na nga!" Mabilis na naglakad si Ethopia papunta kay Daniella at umupo sa tabi nito, "Oh oh oh, puso mo EW malalaglag," Natatawang sabi ng bestfriend nya sabay hithit ng sigarilyo. Inambahan ni Ethopia ang kaibigan, "Isa ka pa! Gusto mo mamatay? Haaaaay! Bakit ba lagi akong kinukulit nung mokong na yun?! Sipain mo nga papuntang Pluto yun, Daning!" Binugahan ni Daniella si Ethopia ng usok na galing sa hinithit na sigarilyo, "Gusto mo ring mamatay Ethopia Watanabe?" Parehas kasi nilang ayaw ang mga pangalang tinatawag nila sa isa't isa dahil sa panget pakinggan.

"Kelan ka ba titigil dyan sa paninigarilyo mo? Ang alam ko, ang bespren kong si Daniella Jane Lacson ay hindi naninigarilyo," Hindi pinansin ni Daniella ang sinabi ni Ethopia, "Teka, asan nga pala sila Arvin, James at Shiella? Himala, absent sa tambayan," Tumikhim si Daniella, "Si Arvin, di ko alam kung nasaan. Si James, baka nandun pa sa mama nya, dumi-dede, hahahaha Mama's boy amputek! Si Shiella, baka binisita yung shota nyang nakaaksidente kagabi sa karera ng motor dun sa kabila."

Dumating si Paolo at tumabi kay Ethopia, "Inaaway mo na naman yung prinsesa ko no? Usog nga, ako tatabi sa kanya," Bago pa mag react si Ethopia sa ginawa ng lalake ay nagitla sila sa ginawang pag tili ng isa pang kabarkada, "Kyaaaaah! Ampogi talaga ni Siwon! Aaaaah! Peste yung abs! Jusko bakit ginaganito nyo akooooo?! Huhuhuhuhu aaaabs~" Sabi ni Leah, ang KPop lover nilang kabarkada. Hindi nila ito napansin dahil sa sobrang tahimik at tutok nito sa panunuod ng video sa cellphone.

"Tangina, KPop na naman yan no?!" Angal ni Ethopia at itinaas ang paa para patungan ng kanyang baba, "Oh ano naman kung KPop na naman? Wag mo nga akong pakealaman dito, ANIME-lia addict," Pang-aasar ni Leah habang tumatawa.

"Tss. Hindi ka naman Koreana, pero kilig na kilig ka dyan sa mga Koreanong hilaw na yan."

"Eh pake mo ba? Itooooo! Palibhasa kasi kinikilig lang sa tuwing umiihi! Tse!"

"Oo nga, sagutin mo na kasi ako!" Sabat ni Paolo, akmang aakap kay Ethopia nang ambahan sya nito, "Hoy ikaw lalake ka! Sumang ayon ka naman dyan?! At ikaw, meron din akong kinakikiligan noh! Walang-wala yang mga Koreanong yan! HAH!" Tumayo si Leah at pumameywang, "Sino? Yung mga nababasa mo sa libro? sa Mangga? Yung mga naka-drawing na napapanuod mo sa dvd nyo? Pwe. Hindi naman sila totoo! Atleast ito totoo!"

Natigilan si Ethopia sa sinabi ni Leah, pero nag hanap pa rin sya ng maisasagot, "O-oo nga, pero wala kasi silang katulad at masyado kasi silang perfect para maging totoong tao, di katulad ng mga yan..... IT'S TOO MAINSTREAM!" Si Leah naman ang walang naisagot sa sinabi ni Ethopia kaya hinayaan nya na lang iyon. Magkakabarkada pa rin naman sila, sadyang iba't iba lang ang gusto at itong si Ethopia ang may pinaka-mainitin ang ulo pag dating sa pagkakaiba-iba nila.

Nakakasuka pa rin ang KPop. May FOREVER! At FOREVER kong aayawan ang KPop!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Impossible? Impossible! [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon