ETHOPIA
"Sabihin mo nga, kawaii onee-chan~ dali, gayahin mo si ate Ethopia..... Kawaii onee-chan~" Sabi ko sa bunso naming kapatid na si Paper Clip, apat na taong gulang palang sya. Anak ng nanay ko na si Esti Letto sa Amerikanong si George Clip. Nakaupo kami dito sa labas ng bahay habang inaantay na bumalik galing sa pamimili si mama. Ayoko mang tumambay dito dahil sa ingay ng mga tao at dumi ng paligid, squatters area kung tawagin, ay kailangan kong gawin dahil pinag utos ng palengkera kong nanay.
"Ka..wa...li..... ni... shan," Nakangiti at nahihiyang sabi ni Paper. Natawa ako sa pagkabulol nya kaya naman hindi ko naituro agad ang tamang salita. Isa akong one fourth-Japanese kaya siguro mahilig ako sa Anime, at ang tawag doon ay Otaku. Labing-pitong gulang pa lang at panganay sa limang magkakapatid. Ang pangalan ng tatay ko'y Maang Hang Watanabe, half-Indian at half-Japanese. Nakilala sya ni mama pati na rin ang MGA TATAY ng iba kong kapatid dahil sa trabaho nya dati, ang pagiging Japayuki.
Bago pa ako mag salita muli para itama ang sinabi ni Paper, may tatlong batang sumulpot sa harapan namin at nagsalita, "Ateeeee! Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala," malakas na pagkasabi niBeethoven, "At kasama mo pa si Paper ha," sabat ni Magdalene habang nakapamewang, "A-akala ko... K-kinuha na kayo ng bad guys, a-ate," naiiyak na sabi ni Heyurrsabay yakap sa akin.
Huminga ako ng malalim at hinimas ang ulo ni Heyurr, saka ko tinignan sila Beethoven at Magdalene, "Ano ba naman kayong mga bata kayo, hindi ba sabi ko, dito muna kami sa labas ni Paper kasi nga nagpapahintay si mama dahil madami daw syang dala mamaya pag uwi?" Paliwanag ko sa kanila.
Hay, bakit ba kasi ang sipag ng nanay ko sa pag gawa ng bata?
Sila ang mga kapatid ko. Si Beethoven L. Bonifacio ang sumunod sa akin. Anak sya ni Andres Bonifacio, JOKE! Madalas ko kasing mabanggit ang Andres dahil Bonifacio ang apelyido ng tatay ni Beethoven. Asar ko sa kanya yun. Ang pangalan talaga ng tatay nya ay Benigno Bonifacio. Labing-tatlo pa lang sya at nag iisang may purong dugong Pilipino sa aming magkakapatid. Ang nag iisang kayumanggi sa aming magkakapatid.
Si Magdalene L. Cruz ang sumunod kay Beethoven. Iba ang tatay nya, si Julio Cruz, isang Spaniard. Mataray si Magda..... lalo na sa akin, laging mapait ang pakikitungo pag dating sa akin. Hindi ko din alam kung bakit. Sampung taong gulang pa lang sya at mag la-labing-isa na sa susunod na buwan. Kilala sya dito sa lugar namin dahil sa taglay na ganda at kulay berdeng mata nya. Ang sabi ng marami ay dinaig pa ni Magdalene ang kagandahan ko.
Ayos lang naman sa akin yun, basta 'wag lang dadaig sa akin si Aru. Sasapakin ko talaga kung sino mag sabi nun.
Si Heyurr L. Clip naman ay ang kuya ni Paper. Silang dalawa lang ang tunay na magkapatid sa aming lima. Anim na taong gulang. Iyakin sya kaya inaasar na bakla ng mga batang walang modo dito sa lugar namin. May asul rin syang mga mata kaya naman mas lalong inaasar syang bakla.
BINABASA MO ANG
Impossible? Impossible! [EXO FF]
FanfictionMakakasama ko sa totoong buhay ang mga ini-idolo ko at dito pa talaga sa squaters area?! That's Impossible! - Ethopia Letto Watanabe